CHAPTER 7

499 17 0
                                    

After the wedding, may handaan na naganap sa bahay nina Nay Rosi kaya medyo naging busy din ako sa pag entertain ng mga bisita. I don't know what's the point of that salu-salo e hindi naman kami nagmamahalan ng lalaking 'yon.

Alas sais na ngayon at ang konti nalang ang mga bisita. Nag-iinoman si Mr. Sunog kasama ng mga mamamayan dito sa barrio.

"Grabe, matagal ka na palang  girlfriend ni Acis? Ang ganda ganda mo naman." I just smiled at her. Kaedad ko lang ang babaeng 'to. I am 25, by the way. Medyo madaldal siya kasi kanina pa siya dada ng dada. Well, buti na din para hindi naman masyadong boring ang party na'to. May ibang pinapansin ako at shock sila kasi hindi nila alam na may girlfriend daw yong Sunog na 'yon.

Nandito kami hindi malayo sa kinaroroonan nila Acis. Nakaupo kami sa isang monoblock chair at may lamesa sa harapan namin.

"Kaya pala hindi niya pinapatulan ang mga nagpapapansin sa kanya kasi may girlfriend na pala siya." Sabi niya.

Wow ha? So habulin talaga ang lalaking 'yan? Hindi halata!

"Isa ka ba sa mga babaeng 'yon?" I asked. Nanlaki naman ang mga mata niya at natatawang tinitingnan ako.

"Yiiieee. Selos ka naman pag sasabihin kong Oo." Tinulak-tulak niya pa ako sa braso kaya muntik na akong ma out of balance. Wow? Are we already close?

"Of course not! I'm just asking." Sagot ko.

Natawa ulit siya na animoy hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Syempre hindi, kahit ang gwapo gwapo ni Acis na akalain mong model ng mga brief, e loyal ako kay Tonyo. Mas pogi pa'rin sa mga mata ko ang aking sinisinta." sabi naman niya at naptingin sa direksyon ni Tonyo.

The guy wink at her and send her a flying kiss. Sinalo naman kuno ito ni what's her name again? Basta! Then kilig na kilig siya. Natawa ako sa inakto nila. They really love each other I think.

"Daisy!"

So her name is Daisy kasi lumingon siya don sa isang babaeng tumawag sa kanya. Medyo tumaas ang kilay ko ng makita ko yong babae na naka pekpek shorts at croptop, ang kapal pa ng make-up.

"Yan si Kat, papansin yan sa asawa mo. Para siyang lintang dikit ng dikit kay Acis. Buti nga hindi si Tonyo ang pinagdidiskitahan kundi matagal ko na yang nakalbo." Bulong niya sa'kin.

Ngiting ngiting hinarap ni Daisy yong sinasabi niyang Kat. Natatawa ako sa isip ko kasi mukhang pinaplastik lang siya ni Daisy.

"Kat!" bati ni Daisy.

Bineso niya si Kat at napalingon silang dalawa sa'kin. "ASAWA ni Acis. Si Shanella. Shanella, siya si Kat." Pakilala niya sa'kin.

Napansin ko din yung pag emphasize niya ng ASAWA.

Nginitian ko naman siya at ganundin naman siya pero alam ko namang plastic na ngiti yun.

"It's so nice to meet you Kat." I said.

"Nice to meet you too." She answered and smiled at me.

"Nakuuu! For sure wala ng manlalandi diyan kay Acis noh kasi may asawa na siya." Pareho kaming napalingon ni Kat kay Daisy. Nagpaparinig siya sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Ngumisi si Kat at umiling, "Mali ka. Mas madaling makukuha ang manok pag nakatali."
I smirked too.

Iba din 'tong babaeng 'to. Bilib ako sa talent niya.

"Depende pa'rin kung magpapakuha ang manok Kat." I said and smiled at her.

"Pupuntahan ko muna ang asawa ko." Paalam ko sa kanila. Nas-stress akong makipagplastikan sa babaeng 'yon.

Duhh! So yun yung type ng lalaking yun? Wala siyang taste!
Lumapit ako kung saan nag-iinoman sila Acis. Nasa isang maliit na lamesa sila nakapalibot.
Nakita ako ni Tonyo at bumaling kay Acis. Sinabi niya ata na papunta ako dahilan ng pagkalingon ng lalaki sa'kin. He smirked habang papalapit ako sa kanya.

"Nandyan na pala ang magandang asawa ni Acis!" masayang sabi nong katabi ni Tonyo na sa pagkakaalala ko ay si Mang Domeng.

Nagsikantyawan naman ang mga lalaki doon, they are teasing Acis for having a gorgeous wife like me. Yeah! Ang swerte ng lalaking yan kasi asawa niya ako.

"Magh-honeymoon na ang dalawa!" kantyaw ni Tonyo, hindi ko pinahalatang umirap ako. Honeymoon his ass!

"I'm tired." Sabi ko nang nakalapit ako sa kanya.

Oh wait! Bakit ba ako nagpaalam sa kanya? Dzuhh! But to my surprise, tumayo siya at nagpaalam sa mga kasamahan niya. Tinukso ulit siya ng mga ito. Nagpaalam nadin ako at pumasok sa loob ng bahay ni Nay Rosi. Pero bago yun napahinto ako nang may tumawag kay Acis.

"Acis!" she shouted in a soft voice. I rolled my eyes.

"Kat?" he stopped.

Hindi na ako nakinig sa usapan nila at dumiretso na sa loob ng bahay.

"Uuwi tayo sa bahay ko." Sabi niya nang makapasok sa loob ng bahay. I rolled my eyes again, buti hindi siya natagalan sa paglalandi. Duhh! Shane as if you care!

Humarap ako sa kanya at inirapan siya. Living with him is one of his conditions.

"Do I really need to live with you? Pwedeng dito nalang ako?" I asked trying to change his decision. I would like to say, "Yong Kat nalang patirahin mo doon sa bahay mo." Pero magmumukha naman akong selosa kaya wag nalang at baka maasar pa ako.

"May mag-asawa bang hindi nakatira sa iisang bahay?" pilosopo niyang tanong.

"Oo, gaya nalang ng----" hindi niya ako pinatapos. "Napagkasunduan na natin ito, labanos. So get your things already and we'll go home."

Nakatitig siya sa'king mga mata like sinasabi niya na dapat sundin ko siya. Hindi naman ako natatakot sa kanya, hindi lang ako komportable. Something about him makes me uncomfortable. Tsk. May heart is beating so fast pag ganito lang na nag-uusap kami.

"Oh mga anak? Uuwi na kayo?" tanong ni Nay Rosi ng naabutan kami sa sala.

"Opo Nay." Sagot ni Acis.

I need Nay Rosi's help...

"O siya sige. Naayos ko na ang mga gamit mo Shane."

What?! Hindi lang man siya humindi sa desisyon ng lalaking 'to? Hmmm... maybe they really trust this man. Wala na akong nagawa kundi kunin ang mga gamit ko sa loob ng kwarto.

"May tiwala ako sa'yo Francis, alam kong hindi mo papabayaan si Shane."

"Opo Nay. Don't worry about that, I'll take care of her." Sabi niya.

Niyakap siya ni Nanay. Lumapit ako sa kaniya and she also hugged me.

"Thank you Nay. Bibisita ako dito araw-araw." Sabi ko.

"Naku, hindi maganda sa may asawa ang laging gumagala iha."

Hindi nalang ako sumagot.  

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon