Chapter 12

476 18 1
                                    

Gumising ako ng maaga ngayon kasi ako ang magluluto. Bumaba na ako at hindi pa nga nagigising si Acis. Hmmm … buti naman kung ganun. Ano bang lulutuin ko ngayon? Binuksan ko ang fridge. Konti nalang pala ang laman ng fridge ng lalaki, kailangan ng mamalengke.

Ayun! May itlog pa tsaka hotdog. Ito nalang lulutoin ko. Nagsaing narin ako sa rice cooker. Tamang-tama pababa na si Acis ng matapos ako sa pagluluto. Nginisihan niya ako habang kumukuha ng tubig sa ref. inirapan ko nga.

“Sarap pala ng may asawa 'no?” sabi niya at naramdamn kong naghila siya ng upuan.

Nagkibit balikat ako. “I don’t know.”

“Nga pala, wala ng laman ang fridge mo.” Sabi ko at umupo na.

“Okay. Mamalengke tayo.” Sabi niya.

Tayo? Kailangan ba magkasama kami? Sabagay, hindi ko pa kabisado ang pagpunta roon.

“Ako na maghuhugas ng pinagkainan since ikaw naman nagluto.”

“Eh? Ako nalang.” I insisted.

“Maligo ka na, mamalengke tayo diba?”

Tumango nalang ako at nilagay na sa sink ang pinagkainan pagkatapos. Umakyat nadin ako sa taas para kumuha ng tuwalya at damit.

Pagkatapos naming mag-ayos dalawa e tumulak na kami papuntang palengke. Ipinark niya ang sasakyan niya sa parking space at pumasok na nga kami sa palengke. Sa mga isda at karne kami nauna. Medyo nauuna ako sa paglalakad, nasa likuran ko si Acis.

“Oh ganda! Ganda! Dito ka na bumili, sariwa ang aming isda at karne para sa fresh mong beauty.” Sigaw ng isang tindera.

“Dito kana ganda. Ito oh, may bangus, barilis, galunggong and etcetera!” sigaw naman ng isa.

Naguguluhan ako. It’s my first time na pumunta sa isang wet market. Medyo napalayo ko ng matalsikan ako ng tubig galing doon sa pangbabasa ng mga isda.

“Oh my Gish dzai! Si Acis, nandito! Maganda na ba ako?”

Automatic na umangat ang isang kilay ko at tiningnan ang babaeng nagsabi nun.

“Hindi.” Sagot naman kasama niyang babae.

“Bakit? Kulang pa ba?” nagtataka niyang tanong.

“Hindi! Hindi ka talaga maganda!”

Ayy ang harsh kaya natawa ako. “Oh Acis? Eneng seten?” malanding sabi ni oh? Si Kat pala ‘to. Pagbubuholbuhulin ko dila nyan e. Bakit gwapong gwapo sila kay Acis? Pero Ha! Wala na silang magagawa dahil ASAWA KO SIYA.

Wait! Shanella! ASAWA mo lang sa papel! But I don’t care, he said I should act as his real wife so pag real diba dapat magseselos, selos?! Ugh! I am not jealous. Stupid Shane, act lang nga diba?

Nababaliw na ata ako! Kinakausap ko na ang sarili ko e.
Tss. Whatever! Gagawin ko ang gusto kong gawin! I flipped my hair and went near Acis.

“Honey, ang lansa.” Sabi ko at kumapit sa braso ni Acis. Medyo nagulat siya pero hinayaan niya ako. “Oh? Ikaw pala yan, Kat! Kaya pala!” nakangising sabi ko at nilingon ang babaeng mukhang nainis sa pagkapit ko sa ASAWA KO!

Umangat din ang kilay niya, aba! Ano ‘to? Labanan ng pataasan ng kilay? Abay bet ko yan! Palaban din ang isang ‘to.

“Anong kaya pala?” naiiritang sabi niya. Aba? Malanding slow ang isang ‘to! Nginisihan ko nalang siya at nilingon si Acis na nakangisi na ngayon. What? Anong nginingisi ngisi niya? Akala niya kung sino siyang gwapo ha. Porke’t pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan dito sa lugar niya? Tss!

“Hon, ayoko ng hipon. Ikaw din naman diba? Kaya tara na!” sabi ko at hinila na siya papalayo doon.

“Wala namang hipon doon HON!” sabi niya na diniinan pa talaga ang HON.

“Meron, nagsasalita nga e.” sabi ko at binitawan na siya.

"Pero gusto ko ng shrimp," nakangising sabi niya sa akin.

"Ano?! Anong shrimp?!" galit na bulong ko.

Abat! Inenglish niya lang ang hipon. Ang walang hiyang 'to! Sabi ko na nga ba ganun ang mga tipo nitong babae e!

"SHRIMPri, ikaw!"

Napaawang ang labi ko dahil sa banat niya. Hindi ko alam kung maiinis o anong dapat maramdaman! ANG CORNY NIYA!!!

Bahagya akong napatalon when he snaked his arms around my waist! Shit! Hindi pa nga ako nakakamove on sa corny niyang banat e.

Mas lalong nanindig ang balahibo ko ng nilapit niya ang mukha niya at bumulong sa tenga ko.

“Possessive ka pala?”
Nilingon ko siya. Napasinghap ako.

“Tse! Stop imagining! M-mamili na tayo!” sabi ko. Bakit ako nautal? Walanghiya!

“Hey, dito ka nga sa tabi ko.” Sabi niya at hinapit ako sa baywang. “Damn! Why do you have to be so beautiful?” bulong niya.

Uminit ang pisngi ko at napatingin sa paligid. May mga lalaki palang tumitingin sa’kin. Tsk.

“Shane! Acis!”

Napalingon ako. Nakita ko si Daisy na may dalang basket din, base sa king nakikita namamalengke din siya.

“Daisy!” maligayang bati ko. Tinanguan lang siya ni Acis at tinalikuran kasi bibili na ata siya ng isda.

“Alam mo, Shane gustong gusto ko talagang mamalengke!” sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. Ako kasi hindi, kasi naamoy ko yong iba’t ibang amoy. Baka sanay na si Daisy kaya ganun.

“Bakit?” tanong ko pa din.

“Kasi maganda ako.” Sagot niya at nginitian niya yong ale na nagsabing, “Oh Daisy! Ang suki kong napakaganda! Ang ganda ganda mo talaga!”

Ahh. Kaya pala. Hehehe
Nagsimula na kaming maglakad ni Daisy at sinundan si Acis.

“Hmmm… Nakapunta ka na ba sa rancho nila Acis?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Rancho? May rancho ba sila Acis? Ang alam ko farm lang e. Yong farm na pinuntahan namin. Oh! Napakagat ako sa labi ko, wala akong alam.

“Meron pala?” kunot-noong tanong ko.

“Huh? Eto naman! Hindi ba niya nasasabi yon sa’yo? Tsaka balita ko! Uuwi ang lolo at lola niya sa mansion.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. MANSION? MAY MANSION SILA ACIS? BAKIT HINDI KO ALAM? AKALA KO BA FARMER LANG SIYA?

“M-mansion?” nauutal na tanong ko. Hindi kasi maprocess ng utak ko. May mansion naman pala sila e bakit doon siya sa maliit na bahay nakatira?

“Oo! Ikaw talaga Shane, sigurado namang nakapunta kana doon.” Natatawa pang sabi niya. Akala niya siguro nagbibiro ako.

Hindi. Hindi pa ako nakapunta kasi hindi ko naman alam! Bakit hindi niya sinabi? Bakit?

Ugh! I hate this! Nginitian ko nalang si Daisy. “Ah sige, Shane ha. Una nako sa inyo. Baka hinahanap na ako ni Baby Donny e.”

Tinanguan ko siya at bumaling kay Acis na namimili na ng gulay ngayon. Tiningnan niya ako at tinaasan ng isang kilay. Inirapan ko nga. Hindi ko alam pero bakit parang nagagalit ako. Bakit naman ako magagalit diba? Eh in the first place ako ang hindi kumilala sa kanya. Ano bang problema ko? Tsk!

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon