"Nagluto ako!" bungad ko sa kanya pagdating niya galing sa farm.
"Anong niluto mo?" he asked.
"Pagkain," sagot ko namimilosopo.
"Anong pagkain?"
"Carbonarra!"
Nauna na akong naglakad sa kusina, sumunod naman siya. Wala naman kasi akong ginagawa dito sa bahay kaya naisipan kong magluto ng merienda.
I served him his food. "Try it." sabi ko.
"Wala bang lason 'to?" he asked.
Sinamaan ko siya ng tingin but he just chuckled. "I'm very willing to be poisoned then." tsaka sumubo siya.
Napairap ako. Kakain din pala. "So how was it?" I asked.
"Masarap pwede ka ng mag-asawa," he answered.
"May asawa na ako," sagot ko.
Umangat ang tingin niya sa'kin, he smirked. "Talaga? Sino? Sayang, manliligaw sana ako, Miss."
"Ha?" Ano bang trip niya?
"Hakdog!"
Inis ko siyang binato ng saging na nasa mesa.
"Ha hakdog mo mukha mo!"
Natawa naman siya. "Ha-hakin ka nalang."
"Che! Ang corny mo!" sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto.
“Oyy, inday Shanella… Ang blooming na’tin ngayon ha.” Sabay siko ni Daisy sa’kin.
Nginitian ko lang siya at tiningnan ang nakita kong carrots. Namamalengke kami ngayon, hindi nakasama si Acis kasi may kailangan daw siyang gawin sa rancho. Hmmm. Hindi pa din ako nakakapunta doon hanggang ngayon kasi hindi naman niya ako dinadala doon.
“Ayiiieeee… Naglabing labing kayo ng asawa mo noh?” tanong niya.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. It’s not like I am guilty okay? Tsk hindi naman talaga kami nag labing labing like what she said but thinking of me and Acis doing the ‘labing labing’ e ewan ko!
“Ay nagblush siya!”
“Sira!” natatawang saad ko at patuloy parin si Daisy sa panunukso habang namimili kami.
Nang natapos kami sa pamamalengke, may nadaanan kaming isang parang boutique. “Wait Daisy, let’s go there!” sabay hila ko sa kanya papasok.
“Naku! Ang dami ko ng damit sa bahay. Hindi na ko bibili.”
Tumingin tingin ako sa mga damit at may nakita akong couple shirt. Mr and Mrs. Ang nakaprint. Ano kayang itsura ni Acis pag nakasuot nito? HAHAHA Shit. It’s so corny. Baka nga hindi niya susuotin kasi ang corny naman talaga! At kung magsusuot man kami nun, para kaming mga teenagers. Haler! 22 years old na ako habang siya, 25!
Tumingin tingin ulit ako ng mga damit. Tss. Hindi ko naman kailangan kasi marami akong damit sa bahay na binili ni Acis. Those are branded and okay, siya na ang mayaman. I am rich too but I can’t afford to buy right now because I don’t have my money with me.
Inaya ko na si Daisy na umalis at ipinasok na ang wallet sa dala kong bag.“Excuse me.”
Pareho kaming lumingon ni Daisy. There’s a guy who’s as tall as Acis. They have the same built too. And medyo kahawig din sila but this guy is maputi kaysa kay Acis.
Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit siya sa’min habang nakalahad ang kamay na may wallet ko?
“I think this is yours.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Runaway Bride
RomanceThe bride Shanella Marquez runaway on her wedding day after knowing that his soon-to-be-husband, Lawrence cheated on her. She went to a far province and proposed a marriage to a random guy, Acis whom she hated the most just to stop her marriage with...