Chapter 13

493 17 0
                                        

“What’s wrong?” he asked while driving.

Pauwi na kami ngayon at maya’t maya niya ako tinitingnan.
I am thinking, kung mayaman ba itong si Acis. Oh Gosh! Of course Shane! May mahirap bang my mansion? Why are you so stupid?! And why the hell am I mad? I’m mad kasi nga ang stupid stupid ko!

Inirapan ko siya at hindi nagsalita. Tse! Bahala siya sa buhay niya!

“What? Are you still jealous my wife?” he asked.

“Huwag ka ngang assuming! Tss.”

Tumawa siya at tinuon na ulit ang atensyon sa pagmamaneho. Tiningnan ko siya at kating kati na akong sabihin sa kanya kung anong problema ko pero tss!

“So mayaman ka pala?” tanong ko nang hindi na nakatiis.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. “I am not.”

At id-deny niya pa ha? Ano bang tingin niya? Kukunin ko ang yaman niya sa kanya? Tsk. Wala akong pakealam! Kaya pala ayaw niyang tumanggap ng pera kasi nga mayaman siya. Pero wala ba siyang balak sabihin sa’kin yon? Haler! MAG-ASAWA KAMI. Shit Shane sa papel lang!

“I already know the truth Acis, so don’t lie.”

“I am not lying my wife, I am telling the truth. Mayaman? My grandparents. Sila lang ang mayaman.”

Tss. Umiling ako. Eh sa kanya din naman mapupunta yon. Syempre, pamilya niya yon diba?

“Whatever! May mansion naman pala kayo e bakit doon ka nakatira sa maliit na bahay na ‘yon?”

He chuckled. What the fudge! Seryoso ako tapos tatawa-tawa lang siya diyan. I wanna effin kick his ass out right now! Pero charot lang. Tsk.

“My dear wife, there are three reasons why I didn’t tell you yet. First, the mansion is under renovation right now. Do you wanna live there kahit maingay? Second, I wanted to surprise you pag natapos ito, malapit na naman e. And third, mas okay na sa maliit na bahay kasi palagi tayong nagkikita.” Nakangiting sabi niya.

For a second bumuka ang bibig ko pero tinikom ko ka agad. What now Shane? Wala kang masabi? Tsk. Pake ko naman sa mga reasons niya noh? Duhh! Tsaka tsaka… bakit siya ngumingiti? Nakakainis! It’s like there are some shining shimmering star na nakapalibot sa kanya. Shoot! Ang corny ko.

“Oh? Natahimik ka?” natatawang tanong niya.

“Bakit? Bawal na ba ha?!” sigaw ko sa kanya.

Tumawa lang siya hanggang sa makarating kami sa bahay.

“Kumusta ka naman dito Shane?” tanong ni Nay Rosi Binisita nila ako dito kasama si Maria at Boy.

“Okay naman po ako Nay.” Sagot ko.

“Oh ano ate? Ang bait bait ni Kuya Acis noh? Hihihi Naiinlove ka na ba sa kanya?”

Mabilis naman akong umiling. Ako? Maiinlove sa lalaking ‘yon? Tss.

“Yiieee. Mabait naman ‘yon ate tsaka pogi pa.” sabi naman ni Boy.

Umiling ulit ako at natawa. “Tigilan niyo ang ate niyo.” Sita ni Nay Rosi.

“Nasan po ba si Kuya Acis, ate?” tanong ni Boy.

“Farm.” Sagot ko. Maagang umalis ‘yon kanina kasi may aasikasuhin daw. Okay, bahala siya. Pake ko naman diba?

Habang nasa bahay sina Nanay nagpaturo akong maglaba. Oo, maglaba! Kasi naman, wife ako diba? Ewan ko! But I want to do normal things na ginagawa ng isang asawa.

Guess what? Mag-iisang buwan na pala ako dito and hindi ko na naisip ang buhay na iniwan ko sa Manila. It’s like, kontento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Simple, yet I feel contented.

“Naglaba ka?” gulat na tanong ni Acis ng umuwi siya galing sa farm. Tinuro niya pa ‘yong sinampay sa labas.

“Obvious ba?” sabi ko sabay irap. Itinuon ko na ulit ang pag s-slice ng bawang. Magluluto ako.

“Tss. You don’t have to do that my dear wife.” Nagulat ako ng bigla niya akong hinapit sa baywang at iniharap sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko kasi ang lapit lapit namin. My heart is beating so fast right now. Damn!
“W-what the eff. Let me g-go.” Nauutal na sabi ko at bahagyang pumiglas.

“Hmmm?” hindi niya ako binitawan. Nakahawak pa din ang isang kamay niya sa baywang ko at itinaas niya ang isang kamay. Akala ko kung ano ng gagawin niya, inilagay niya lang pala ang nakawalang buhok ko sa tenga.

“You don’t have to do these things, Shane." masuyong sabi niya. "Ako na ang bahala sa mga gawaing bahay. All you have to do is to… fall in love with me.” he’s staring at me while saying that.

What did he just say? I have to fall in love with him?

“A-are you crazy?” nakakunot noong tanong ko pero labis labis na ang kaba sa dibdib ko. “Wala sa usapan na’tin ‘yan.”

“Wala talaga… pero ngayon meron na.”

“Yuhoooooooo! Acis! Shane!” naitulak ko si Acis ng pumasok si Tonyo sa kusina.

“Oooops.” Sabi niya na palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Acis. “Nakaistorbo ba ako? Hihihi” nakangising tanong niya. Inirapan ko siya at tinalikuran. Nagslice na ulit ako ng bawang. Shit! Ano yun?

Narinig ko na lang yong aray ni Tonyo habang papalabas ng kusina.

Fall in love with him? Napakagat ako sa labi. Pano? I mean, wala ito sa plano ko. Tss. Maybe he’s just fooling around. Maloko si Acis. Tss. Whatever! Nakakainis! Ahhhhhh!

“Ay shit!” ayan! Tss. Pati yong kamay ko naslice na tuloy. Damn! Dali-dali akong pumunta sa sink at hinugasan ito.

“What happened?”

Napatalon ako ng magsalita siya sa likuran ko. Bakit hindi ko lang man naramdaman na papalapit siya? Pre-occupied kasi masyado e.

“Wala!” sabi ko at itinago sa likuran ko ang kamay na nasugatan.

Pero matigas ang ulo ni Acis, kasing tigas ng ano yong nasa harapan ko ngayon. Yong nakabalandra niyang ABS!
Kinuha niya ang kamay ko sa likuran at sinuri ito.

“Gamutin natin ang sugat mo. Ako na ang magluluto.” Seryosong sabi niya.

Nakahawak pa’rin siya sa kamay ko habang iginigiya sa sala. I was quite the whole time. Damn! Anong nangyayari sa’kin? Kinuha niya muna ang first aid kit tsaka ginamot na ang sugat ko.

“I don’t want you hurt, Shane.” Sabi niya. Nakatitig ako sa kanya habang siya naman ay focus na focus sa kamay ko. “I’ll try my very best to protect you.” And he stared at me.

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon