CHAPTER 3

619 17 1
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Nay Rosi, inaya ako ng mga bata na pumunta sa kung saan. Naiisip ko parin ang napag-usapan kanina I badly need to find a groom right now. Bago ako mahanap nila Mommy dapat, kasal na ako or else I'm doomed!

"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa dalawang bata.

Medyo masukal ang daan na tinatahak namin. Pero okay lang naman kasi hindi mainit. In fact ang lamig ng hangin dito and ang peaceful. I can hear the birds chirping pati narin ang lagaslas ng tubig. Tubig? May ilog sa malapit. Ah, I think I know where we are headed to.

"Boy! Ate Shane! Dito tayo!" sigaw ni Maria na nauna ng maglakad. Sumunod naman kami ni Boy kung nasaan siya.

Woah! We are at the top of the falls! Nakakamangha ang view dito sa taas. Makikita din kasi ang mga bundok sa malayo at sa baba naman ang ganda ng tubig.

"Ate tingnan mo si Kuya Acis oh, ang dami ng nahuling isda." Napatingin naman ako sa direksyong tinuturo ni Maria.

May basket sa tabi nito kaya nakikita ang mga nahuli niyang isda. But then my eyes stopped at his naked body. He was wiping his sweat and gosh! Why does he look hot? Napaiwas ako ng tingin nang biglang nabaling sa akin ang mga mata niya.

Lumapit nalang ako sa mga bata na nag-aayos ng pamingwit.

"Matagal na ba rito yang lalaking yan?" tanong ko sa kanila na ang tinutukoy ay yung si Mr. Sunog.

"Hmmm... Opo ate. Alam niyo ba na napakabait ni Kuya Acis. Sa tuwing may nangangailangan ng tulong sa kanya lumalapit saka malugod niya naman itong tinutulungan. Saka responsible di siya at masipag. Kita niyo nga oh, matagal siya sa sakahan kaya ayan... hehe" natatawang saad ni Maria. I think she's referring to that jerk's skin.

Sabagay, kung nagtatrabaho nga siya sa farm then hindi na kataka-takang ganyan ang kutis niya, sunog!

Hindi ko napansin, nakatitig na pala ako sa lalaking yun kaya tinukso ako ng dalawang bata.

"Wait," I stopped when I realized something. "You mean that's Acis? The Acis you were referring last night?" I asked.

Tumango silang dalawa bilang sagot. Oh my Gosh! No! No!

"Wala na ba kayong maisip na ibang lalaking mapapagkatiwalaan?" I sounded hopeful.

Napaisip naman sila.

Tsk. Bakit yang lalaking yan pa? I hate him kaya dapat mag-isip sila ng iba.

"Uhuh!" may bright idea naman si Boy. I smiled.  Yes, meron!

"Sino?" excited na tanong ko.

"Ang kanang kamay ni Kuya Acis."

Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Sino?"

"Edi si Kuya Tonyo! Yun oh!" sabay turo niya sa lalaking mas sunog pa kay Acis. Siya yung lalaki sa bayan.

Napaubo naman ako. What the hell?

Uuwi nalang siguro ako sa'min at magpasakal sa manlolokong lalaking yun. Yes ang choosy ko parin kahit ganito na ang sitwasyon ko!

"No way." Sabi ko at parehong natawa ang mga bata.

"Bumaba tayo malapit sa kanila Ate!" sabi ni Boy at patakbong bumaba. Sumunod naman sa kanya si Maria.

I also followed them.

"Oh Boy? Mamimingwit kayo?" tanong niya.

Napairap ako. "Obviously," I whispered.

Duhh! Kaya nga may pamingwit e. Ano ba yan!

Mukhang narinig niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "I'm not asking you." he whispered too na halatang sinadya niyang marinig ko.

I glared at him but he just smirked.

"Oo, Kuya!" napapakamot na sagot ni Boy nang mapansin ang masamang tingin ko kay Acis.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Maria. Tinuruan niya ako kung anong gagawin ko.

"Iw!" sabi ko nang makita ang uod. Ano ba yan! Ayokong hawakan. Yuck.

"Arte!" sinamaan ko ng tingin si Acis. Jerk! Pake ba niya kung maarte ako?

"Ako na maglalagay, Ate. Bantayan mo nalang," natatawang sabi ni Maria at siya na nga ang gumawa tapos pinahawak niya sa akin yung kawayan.

Boy and Acis are talking while I and Maria are focusing sa bingwit namin.

"Dami mo ng huli Kuya ah." tinitingnan niya rin yung basket na may mga isda.

"Konti pa yan." sagot naman ng lalaki.

I just rolled my eyes and crossed my arms.

Napatingin nalang ulit ako sa tubig, nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong gumalaw.

"OMo!" gulat na sigaw ko saka tumayo. At dahil sa pagmamadali, nadulas ako at mahuhulog na sana sa tubig ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila ito.

He wrapped his hands around me to prevent me from falling. Our eyes met, nakakatitig lang ako sa mga mata niya at ganundin siya.

I don't know how long we've been like that. Natigilan lang ako ng bigla siyang ngumisi.

Sa gulat ko mabilis ko siyang natulak pero dahil madulas nahulog ako at napakapit sa kanya and we both fell in the river.

ANG LAMIG!

"Ugh! Ang lamig! Don't touch me. Kasalanan mo 'to e!" Sigaw ko sa kanya saka lumangoy papunta sa direksyon nila Maria. Tinulungan naman niya akong umahon.

"Ano? Wow ha? Kasalanan ko pa talaga? Safe ka na nga sana, yan kasi Praning!" sigaw niya rin.

Ano raw? Ako? Praning? Gosh! I can't believe this guy! He's really annoying!

"Ako pa praning?! Nananyantsing ka lang e! Pervert!" sigaw ko sa kanya.

Parang di makapaniwala niya akong tiningnan pero parang naaamuse siya at the same time. Naiinis ako sa mukha niya!

"Ugh! Sunog!" inis na sabi ko sa kanya at nag walk out.

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon