Pagkatapos naming kumain syempre ako na nag nagligpit. I'm just doing what he's asking me to do. Teka nga? Pano ba yun? Pano ba ang maging asawa? I watched some movies and may alam naman ako kahit papano. Wives clean the house, prepares food, and make everything perfect. Perfect? What a term Shane! Tsk. But come to think of it, I just know wives role because I watched it on TV. Hindi ko naman kasi alam pano maging asawa si Mommy sa Daddy ko. Lagi naman kasi silang nagt-trabaho and we have maids to do the chores and everything.
So yun nga, I washed the dishes while he's outside, watering plants. Nang matapos ako e lumabas ako ng bahay. Wala naman kasi akong gagawin sa loob kasi malinis naman kaya wala ng dapat linisan.
"May farm ka?" tanong ko ng makarating ako sa likuran niya.
Tinitigan ko ang malapad na likod niya. Topless siya kaya kita ang likod niya. Hindi naman talaga siya sunog, hindi din siya maputi. He's moreno, actually. Nilingon niya ako at ayun na naman ang ngisi niya. Nakakainis!
"Yep."
Tumingala ako. I saw this fruit na bilog na kulay pula at parang may tusok tusok. "What's that?" tanong ko at tinuro yong prutas.
"Rambutan." Sagot niya at pinatay na ang hose. "Masarap 'yan parang ako."
"Really? Mukha namang hindi." Sagot ko. He chuckled. Ang manyak nito.
"Hmmm... You want to try?" he asked. Naglalaro na naman ang ngisi sa kanyang labi. Ugh! Perv! "Bastos!" sigaw ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"What?! I'm just asking if you want to try rambutan?" pahabol niya at narinig ko siyang tumawa.
Walang hiya! Nag-iinit ang pisngi ko. Dumiretso ako sa kwarto at naisipan kong maligo nalang. Teka nga! Eh sa baba pa yong banyo, baka silipan ako nun?
Now, I'm doomed. Kung bakit ka nagpakasal sa taong hindi mo kilala Shane e! Sila Mommy naman kasi ang hinihintay ko. Pag nahanap na nila ako, they will know na may asawa ako. Pwede ko ng gawin lahat ng gusto ko. Hmmm... Wait nga lang, bakit kaya hindi pa ako nahahanap nila Mommy? They have a lot of connections, isang lingo na ang nakalipas they still didn't find me. I shook my head, maybe mahirap lang talaga akong hanapin, nasa malayong probinsya ako.
Naghanap na ako ng damit na susuotin para madala at sa banyo na makapagbihis. Baka pag rumampa ako ng nakatuwalya ditto sa bahay may maisip pa na kamanyakan ang lalaking yon.
Puro dress ang nadala ko sa pagmamadali ko noong lumayas ako kaya eto, napili ko an isang simpleng floral pink dress.
Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng banyo habang nagpupunas ng buhok. Naabutan ko si Acis sa na papuntang dining table, may dala siyang basket at may laman nong prutas na nakita ko kanina.
"Try me este try this." Sabay pakita niya nong basket.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ng laman non. May mga langgam na itim sa prutas. "Pano kakainin 'yan e nilalanggam?" tanong ko.
He chuckled. Shit! Uminit yong pisngi kasi tumawa siya. I feel so stupid. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako sa braso. And suddenly, parang may ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. "Stay, okay. Ang arte mo." Sabi niya. Nakangiti siya ngayon at nakikita ko sa mga mata niya na naaamuse siya sa nangyayari. Nakakaasar pero nagstay ako.
"Ganito yan, babalatan pa kasi yan bago kainin." Sabi niya at binalatan yong rambutan gamit ang kamay.
"Alam ko! May mga langgam kasi kaya ayokong hawakan!" sabi ko at napatingin ako sa katawan niya, his sweat are dripping in his body pero bakit hindi siya mabaho? Bakit ang bango bango parin niya? Tsaka yong abs niya. Ilan bay an? 6 or 8?
I shook my head. I should be going to my room right now but I chose to stay. Eh kasi mukhang masarap... yong rambutan!
"Here." He said at binigay sa'kin yong rambutan.
"May buto sa loob nyan kaya wag mong kagatin lahat." Sabi niya.
Matamis at masarap pala talaga yong rambutan. Oo yong RAMBUTAN!
"Magh-harvest kami ng rambutan ngayon sa farm sasama ka?" he asked.
Di ko siya pinansin kasi busy ako sa pagkain. Nakaka sampo na ata ako e. He chuckled again. "Lansonez nakakain ka na?" tanong niya.
Lansonez? Ano yun? I shook my head bilang sagot. "Right! Sasama ka sa'kin. Magbibihis lang ako." Sabi niya at umalis na sa harapan ko. Buti naman, nakakadistract kasi yong katawan niya. My Gosh Shane kailan ka pa nadistract sa katawan ng isang lalaki? Eh lagi ka naman nakakakita ng ganyan na nag momodel e. Mas maganda pa ang pangagatawan ng iba kaya bakit ngayon ka pa nadistract? My Gosh! Nababaliw na ata ako.
"Tara!" aya niya. Tiningala ko siya kasi pumwesto siya sa tabi ng upuan ko. Nakasuot siya ng gray V-neck shirt at butas butas na faded jeans. Cool huh? Tumayo na ako at iniwan ang mga mahal kong rambutan sa mesa. Iginiya niya naman ako palabas at pinagbuksan ng sasakyan. Wow? I can't believe he is being a gentleman now. I wonder kung ganito ba siya sa mga babae niya or sa girlfriend niya? But with what I heard, wala naman siyang girlfriend kaya nga nashock ang mga tao nang nagpakasal kami diba?
"Wala ka bang girlfriend?" tanong ko nang nagsimula ng bumyahe. Hindi naman kasi dapat maniniwala sa mga sabi-sabi diba? Dapat sa kanya manggaling ang sagot. Pero paano kung meron? Baka sugurin ako ng babae.
He chuckled. "Ngayon mo pa talaga ako tinanong ng ganyan na kasal na tayo ha?"
Haaays! Yan kasi Shane, hindi inaalam ang pagkatao ng pinakasalan e. Now I think I am regretting what I've done? Tsk.
"I was so desperate kaya hindi ko na naisip." Sagot ko.
Maybe, I didn't really regret what I've done. I don't want to marry Lawrence. If only na hindi lang ako pipilitin ng mga magulang ko, I wouldn't marry right away.
"Hmmm... what if meron?" sabi niya. Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay. "Bat mo ako pinakasalan kung ganoon?" tanong ko din pabalik. I saw him smirked and that amused look in his eyes.
"Bat ka pa nagtatanong? Alam mo na ang sagot." Natatawang sabi niya. "I don't have a girlfriend." Inirapan ko nga. He doesn't have because he has flings. "Wala? Flings lang ganon? Yong si Kat?"
Natawa ulit siya. "Are we going to do the "getting-to-know-each-other" stage?" he said playfully.
"Getting to know? Dzuhh! Bakit pa? Maghihiwalay din naman tayo sa future!" sagot ko.
"Wow? Ang advance mo mag-isip!" tawang tawa talaga siya. Ang saya niya e. Sarap paliparin sa Mars!
"Dapat lang 'no!"
"Tss. There's no fun in that. Sige ako nalang, I want to know you more."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit pa? Baka mahulog ka lang sa'kin. Mas mabuti ng wala kang alam tungkol sa'kin para mabilis mo akong makalimutan kung ganon." I said confidently.
I saw a ghost of smile on his lips. "Baka ikaw ang mahulog sa'kin."
I smirked. "Dream on! Hindi hindi ako maf-fall sayo."
"Let's see."

BINABASA MO ANG
Runaway Bride
RomansThe bride Shanella Marquez runaway on her wedding day after knowing that his soon-to-be-husband, Lawrence cheated on her. She went to a far province and proposed a marriage to a random guy, Acis whom she hated the most just to stop her marriage with...