Pagkatapos akong itour ni Acis sa mansion. Lumabas na kami para puntahan ang rancho nila. Malayo palang nakita ko na si Anibeth na nakasakay sa brown na kabayo.
I rolled my eyes. “Lagi bang bumibisita dito yang childhood friend mo na ‘yan?”
“Hmmm…” nag-isip pa siya kunwari. “Yep. Dati. But she went to New York for a vacation two months ago at ngayon lang siya ulit nakabalik dito.”
Wow? Alam na alam ah! “Edi close na close kayo!”
He chuckled. Hinawakan niya ang kamay ko at ininterwined. “Tayo, tayo ang close na close.” Sabi niya at dumikit sa’kin hanggang sa magtama ang mga braso namin.
“Acis!” rinig naming sigaw ng babae.
Ugh! The hell with that bitch!
Naramdaman ko ang yapak ng kabayo papunta sa’min.
“Let’s go! Let’s race!” masayang saad nito.
“Nah. Kayo na lang muna ni Iris. I have to teach my wife first.”
Nag ‘tss’ si Anibeth. Wag ka na kasing umeksena! This is my story and you are just a bitch who’s trying to flirt with my husband. Damn! ang sarap manabunot!
“May mga trabahante naman kayo dyan Acis. Let them help her. ” Sabi niya.
Konti nalang talaga ha, mapipigtas na ang pasensya ko sa babaeng ‘to. “I have to take care of my wife, Anie. Go! Kayo nalang muna.” Nakangiting sabi ni Acis. Damn! bakit siya ngumingiti? Tss.
Umirap si Anibeth at pinatakbo na lang ang kabayo papalayo.
Okay. Bwuahahahahaha Bye bitch.
Iginala muna ako ni Acis. May iba’t iba silang hayop dito. May kambing, manok, baka, pato at kabayo.
Pumunta kami sa isang kwadra at kinuha ni Acis ang isang kabayo na kulay puti. “This is Axis.”
“Nirhyme mo talaga sa pangalan mo noh?” natatawang tanong ko.
“Syempre at katulad ng amo nito. Mabilis at gwapo.” Sabay kindat niya
“Mabilis?” I narrowed my eyes on him.
“Mabilis tumakbo, syempre!” sabi niya at tumawa.
Loko loko! Pinadapa niya ang kabayo para makasakay ako.
Sasakay na sana ako ng makarinig kami ng sigaw. “Sir! Si Ma’am Anie nahulog sa kabayo.”“What?!”
“Wait here, hon. Kanor, ikaw muna ang bahala kay Axis!” sabi niya at iniwan ako.
Oh? Akala ko ba magaling mangabayo ang babaeng ‘yon? Eh bakit nahulog? Tss. Maya-maya nakita ko si Acis, kasama si Anie na kinakarga niya.
I bit my lips when I felt a pang in my chest. Tinutulungan niya lang Shane? Trust him. He said, sa kanya ka lang. He’s only yours.
“Akala ko talaga dati, si Ma’am Anibeth at Sir Acis ang magkakatuluyan.” Rinig kung sabi ni Kanor na nakatanaw din sa dalawa.
Akala mo lang ‘yon! “Napakasweet kasi ni Ma’am kay Sir e.” sabi niya ulit.
Tumaas ata ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ako mabait na tao at pag may ayaw akong marinig, nagmamaldita ako. And I don’t like what he have said. It’s irritating! I don’t care if they won’t like me as Acis’ wife!
“Ano manong? Share mo lang?” I rolled my eyes then walked out.
Susundan ko ang dalawang ‘yon. Tsk.
Pagpasok ko sa mansion bumungad sa’kin si Iris na nakaupo sa sofa, nagbabasa ng magazine. Umupo din ako doon sa kaharap ng sofa.
“Nasan sila?” I asked sa napadaan na kasambahay.
“Nasa guest room po Ma’am.” Sagot nito. Tumango lang ko.
“A wedding of the month.”
kunot noo akong lumingon kay Iris. “Gomez and Marquez.” Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya. Napatingin ako sa magazine na hawak niya. Marahil ay doon niya nabasa ang tungkol sa kasal.
“You ran away, right?” nakagising tanong niya.
Ngumisi din ako. Ano pang sasabihin ko e alam niya na at tsaka hindi ako natatakot. I don’t care kung malaman nila. Wala naman silang magagawa e, kasal kami ni Acis.
“Ano ngayon?”
He shrugged. “Bakit kaya hindi ka pa nila nahahanap ngayon? Your family has a lot of connections, right? And I wonder, kaya ba kayo nagpakasal dahil ayaw mong makasal kay Gomez?”
Kununot ang noo ko. He’s right hindi pa nga nila ako nahahanap but what if, mahirap lang talaga akong hanapin? and … he’s so smart na napagtagpi tagpi niya ang pangyayari and having that conclusion.
“I don’t know, Iris and I don’t want to know. Ayokong bumalik muna doon. I am happy here, with Acis. Whatever our reasons are, sa’min na’yon.” Sabi ko at tumayo. Kanina pa ‘yong dalawang ‘yon e. bakit hindi pa bumababa si Acis?
“Mahal mo na ba siya?” he asked while raising his brows.
“Yes,” Sagot ko. “So please excuse me, I am going to get my husband.”
Tinalikuran ko na siya at umakyat na sa itaas.
“You’re possessive.” Natatawang komento niya.
Ngumisi lang ako at iniwan siya pero bago ‘yon. “Sayang, siya ang unang nakakita sa’yo.”
I just shrugged. Mukha ba akong treasure? Lol
Nakarating na ako sa harapan ng guest room and I don’t know if I will knock or pumasok ng basta basta.
Pero dahil maganda ako, pinihit ko ang siradura at unti-unti itong binuksan.
“I love you Gavin.” She said at unti-unting inilapit ang mukha kay Acis. Hindi ko na tinapos panoorin. Tumalikod ako dahil unti-unti ng dinudurog ang puso ko. Like the last time someone cheated on me, hinayaan ko. Umalis ako at iniwan sila sa kung ano man ang gusto nilang gawin.
BINABASA MO ANG
Runaway Bride
RomanceThe bride Shanella Marquez runaway on her wedding day after knowing that his soon-to-be-husband, Lawrence cheated on her. She went to a far province and proposed a marriage to a random guy, Acis whom she hated the most just to stop her marriage with...