NAGISING nalang ako ng maramdamang napakatahimik ng buong kwarto at nang bumangon ako---MAG-ISA lang ako sa loob.
Dali-dali ko namang inayos ang kumot at unan habang napapahikab. Pagtingin ko sa orasan na nakadikit sa wall
O_o
Alas otso na pala!
Nagmadali akong lumabas sa kwartong yun at naabutang nagluluto sa kusina si ante Rem.
"G-Good m-morning po" nakagat ko ang labi ko dahil sa pagkapahiya.
Liningon niya ako habang abala sa pag-uukay ng niluluto niya. "Oh sakto gising ka na, wait lang malapit na to"
"Nasan po sila?" pagtataka ko.
Kami lang kase dalawa ang nakikita ko dito.
"Ah sila? Naku ayun maagang naghanap ng trabaho, di na kita ginising dahil alam kong pagod ka kagabi" ngiti niya.
"Sorry po" nahihiya talaga ako
TT_TT
"Sus! Ano ka ba! Tara luto na tong noodles"
Tinulungan ko nalang siyang lagyan ng noodles ang dalawang bowl.
"Ahh ante hindi ko nga pala natawagan sila mama kagabi kase hindi pwede yung sim ko sa Pinas dito" napakamot ako ng ulo
"Ay oo nakabili ako kanina sa Seven Eleven malapit dito ng USIM (Universal Sim) buti nalang dalawa ang binili ko sayo yung isa"
"T-Talaga po?"
Tumango siya. "Kunin mo mamaya sa tabi ng TV nandun yun"
"Salamat po" ngiti ko.
"Siyanga pala balak kong pumunta ng Namdaemun Market mamaya, gusto mong sumama?"
"Opo! Sige po!"
Oopss nasigaw ko ata
Napatakip naman agad ako ng bibig natawa naman siya
"Hahaha o siya siya sige tapos maghanap hanap din tayo ng mga hiring na trabaho sa lugar na to" -siya
Pagkatapos naming kumain siyempre ako na ang naghugas, nakakahiya naman kung siya pa.
Ng matapos kong maghugas at maglinis umupo ako sa sofa hawak ang sim card na binigay ni ante sakin.
Kumunot ang noo ko ng makitang naka-hangul ang lalagyan ng sim card.
"Jusko pano ba to?" nanlulumong bulong ko.
Di ko kase mabasa ang instructions huhu,
Buti nalang may English palang nakasulat sa likuran
NICE ONE.
Sinunod ko lang ang instructions at ng ma-activate na ang sim syempre nanibago ako.
Nasa Korea na pala ako noh
"Hello m-ma???" usal ko ng sagutin na niya ang tawag.
"Sino to??"
"Ako to ma--
"Anak?? Anak!!?? Kumusta diyan??!"
Grabe kailangan talaga isigaw?
"Sorry ngayon nako nakatawag ma, ibang SIM na kase ang gamit ko--
" Bagong number mo to?"
"Opo"
"Oh kumusta na diyan? Kumain ka na ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/152080838-288-k644227.jpg)
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019