Nagtaka ako dahil imbes na sagutin niya yung tanong ko tumayo siya at pumasok sa loob.
ANYARE DUN?
Napalingon ako nang bumukas yung pinto at naglakad siya papalapit sakin na may hawak ng malaking plastic ng junkfood. Binuksan niya yun nang makaupo sa tabi ko at kumain.
Nilingon niya ako. "Sorry nagutom ako bigla hehe. Ano nga ulit yung tanong mo?"
Nagdadalawang isip na tuloy ako na itanong ulit yun. "W-Wag na" iwas ko sa kanya ng tingin.
"Sige na ulitin mo na~~ ito naman oh ang bilis magtampo" rinig na rinig ko pagnguya niya. "Heto para di ka magtampo" abot niya.
"Sige na ulitin mo yung tanong mo Mae" pangungulit niya sakin.
"Wag na nga kase, baka pagtawanan mo pa'ko"
"Sige na ano ba kase yan?"
"Wala"
"Aish sige na"
Nilingon ko siya at inagaw sa kanya yung plastic at kumain. "B-Basta sagutin mo ko ng pranka"
"Oo ba" harap nito sakin kaya napabuntong hininga ako. Tinitigan ko siya at nakitang seryoso na 'to
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon yun sa dalawang kamay ko sa baba. " Sa tingin mo ba magugustuhan ako ni Jungkook?"
Napapikit ako at inaasahang hahagalpak siya sa tawa pagkatapos pero nagtaka ako kung bakit walang nagsalita. Dumilat ako at nang lingunin ko siya ay---
"W-Woy Rizelle" sita ko sa kanya. "Bakit di ka sumagot?"
Nagtaka ako dahil nagpalabas siya ng malalim na hininga at tumingin sakin na para bang ako yung nakakaawa.
"Masyado bang imposible ang tanong na yun?" napayuko ako.
"Tsk tsk" di man ako nakatingin pero nakita ko siyang umiling. "Aminin mo umasa ka ba talagang magugustuhan ka niya?" natigilan ako.
"Mae alam naman nating bawal sila---ni isa sa kanila na magkaroon ng relasyon di ba?" mahina,nagpapaintindi. "Sa tingin mo ba may isa sa kanilang lalabag dun?"
Mas lalo akong nanlumo sa sinabi niya. Hindi man niya direktang sinagot yung tanong ko pero alam ko na kung saan ang patutunguhan nito.
"Base sa tanong mo....may pinapakita ba siya sayong espesyal?" kinabahan ako sa tanong niya.
"Kase kung meron...gaano katibay yun para masabi mong may gusto nga siya sayo?"
"Z-Zelle..."
"Sinasabi ko sayo Maellyn....OO MARUPOK TAYO pagdating sa BTS pero naman..baka ikaw lang ang masaktan niyan sa huli."
Namasa ang mata ko sa mga salitang binitiwan niya pero sa halip na damdamin yun ay mahina akong natawa at napailing tsaka nag-angat ng tingin sa madilim na langit.
"Pero kung ako rin naman naging PA tapos sa bias ko pa I'm sure gagawa rin ako ng pag-asa sa isip ko pero yun nga...sa huli tayo parin yung masasaktan. I love him as a man but how sure that he will love me back?" dagdag niya.
"Masyado ngang imposible" usal ko. Alam ko naman yun yung sagot ni Rizelle di nga lang pranka.
"Matutulog ka na?" angat niya ng tingin nung tumayo ako. "Sabay nako, inaantok na rin ako eh"
Ngumiti ako at nagpaumuna sa kanyang pumasok. Pagkapasok ko sa kwarto namin ni ante ay bigla nalang tumulo luha ko na mabilis ko namang pinunasan. Umasa kase akong oo ang isasagot ni Rizelle pero mukha ngang napapalalim ang panaginip ko habang kasama ko SIYA. Dahan-dahan akong humiga at tumingin sa selpon. Ilang beses ko na tong binasa pero bakit ganun....kinikilig parin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/152080838-288-k644227.jpg)
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfic[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019