Ganun nalang ang kaba ni Mae nang maglibot nang tingin ito sa lahat at mas lalo siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan nang tumigil ang paningin nito SA KANYA.
"G-Good afternoon S-Sir Bang Sihyuk" dahil sa sobrang kaba halos magkabuhol buhol pa nang batiin niya ito. Lahat nakatingin sa kanya (including Bangtan) nang magsalita sya at para maiwasan ang mga tingin na nakapako sa kanya,yumuko ito.
Hindi rin naiwasang di kabahan ni Jungkook dahil alam niya na sa ganoong klaseng tingin ni Bang Pd sa personal assistant niya ay may ibig sabihin ito. Palihim na nagsitinginan sa isa't isa sina Jimin at Taehyung na may nababasa ring kakaiba sa tingin ni Bang Pd.
Hindi man sumagot si Bang Pd dito ay nakangiti naman siyang tumango kay Mae at kinausap si Manager Seljin ng sila lang dalawa ang nakakarinig.
"Nandito ako para i-congratulate kayo boys" pagsasalita ni Bang Pd sa pormal na paraan. Nakangiti man pero nandun parin ang kapangyarihan at posisyon bilang CEO ng BigHit Ent. sa boses niya. "At hindi ko pagsasawaang sabihin to....I am beyond proud of your achievements today"
The seven members reacted....overwhelmed sa sinabi ni Bang Pd sa kanila. Nakayuko ito habang nagpapasalamat sa papuring binigay nito sa kanila. Nakangiti naman ang mga managers nila lalo na si Seljin na nandiyan palagi sa tabi nila. Nilingon ulit ni Bang Pd si Seljin at tinapik ito sa balikat hudyat para magsalita si Seljin na ngayon ay nakaharap sa kanilang lahat.
"Sadly pero kailangan nang umalis ni Bang Pd-nim ngayon" nagulat ang lahat. "May urgent meeting siyang dadaluhin at kinailangan niyang umalis ng maaga dahil importante yun. Namjoon?"
"Manijeu?" sagot agad ni Namjoon dito. Sumenyas si Bang Pd na palapitin siya sa kanya na agad naman niyang sinunod. Nagsitinginan ang anim sa isa't-isa pero mas piniling wag nalang magsalita.
Namjoon open his palm with curiousity nang may binigay na isang naka fold na papel si Bang Pd sa kanya. Bubuksan niya sana yun nang magsalita si Bang Pd.
"Son gusto kong ikaw ang magbasa niyan para sakin" ngiti niya kay Namjoon.
Magtatanong sana si Namjoon kung para saan yun nang pangunahan na siya ng manager nila. "Bang Pd-nim just won the Best Producer Award" ngiti niya, nagulat ang lahat
Napangiti si Namjoon nang buksan niya at basahin ang maikling speech nito at natawa siya nang magbiro si Bang Pd sa kanya na sampung segundo lang niyang sinulat yun dahil sa pagmamadali.
"Chukadurimnida Bang Pd-nim" bati sa kanya ni Namjoon pati narin sila Yoongi. Matamis naman ang naging ngiti sa kanila nito. Itinaas na niya ang isang kamay hudyat na kailangan na niya talagang umalis.
"Enjoy the night boys" he said for the last time habang ini-escortan na siya ng mga security guards kasama niya ang isang manager pa nila.
"Annyeong Bang Pd-nim!" paalam ng Bangtan sa kaniya.
*******************
Mae cannot lie to herself na kinabahan talaga siya sa pagpasok ni Bang Pd kanina. Kung ano-anong pumasok sa utak niya lalo na sa ilang segundong tingin sa kanya nito. Alam niyang baka may kinalaman sa kanilang dalawa ni Jungkook yun pero ayaw niyang isiping baka iniisipan na siya ng masama nito.
NATATAKOT SIYA.
Una't sa lahat ayaw niyang magkaroon ng issue at mas lalong ayaw niyang makasira ng career na pinaghirapan ng sobra ng mga ito. Yes she is an ARMY--a die hard fan pero wala siyang balak maging selfish.
IN SHORT....
KAYA NIYANG LUMAYO KUNG KINAKAILANGAN
Nasa assigned seats na ang BTS at ngayon ay napapanood niya ang mga kaganapan sa malaking TV sa loob ng room at bukod sa kanya, madami ring nanood na mga kasama niya. Hindi sila pwedeng pumunta doon. Nakangiti siya habang nanonood sa flat screen sa twing nakafocus ang camera sa isang member ng BTS ay rinig na rinig niya ang libo-libong tili ng mga ARMY's----sana kahit isang beses isa siya dun.
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019