C h a p t e r - 54

237 12 2
                                    

Naalimpungatan ako nang makarinig ng tumutunog na gitara. Dahan-dahan kong pinihig ang ulo sa bandang kanan at iminulat ang mata kung saan kahit malabo ang paningin nung una ay alam ko na kung sino ang nakaupo doon.

Napangiti ako....

Nakaupo siya malapit sa kama habang pinapatugtog ng magaganda nitong kamay ang gitara. Ang maugat at maputi niyang braso ang mas lalong nakakapagpalakas ng dating sakin. Nanatili ako sa ganung sitwasyon habang pinapanood siyang tumutugtog. Hindi man siya kumakanta pero sapat ng nasa akin ang paningin niya habang ginagawa yun.

Aga-aga pa Jungkook pero pinapakilig mo na ako.

Pamilyar sakin ang tunog ng piyesang yun. Hindi ko lang matandaan dahil nadidistract ako sa mga tingin niya. At heto ako,tinititigan lang siya habang napapangiti.

Huli na ng namalayan kong tapos na pala ang palabas. Tumayo na ito habang ako ay parang tangang sinundan siya ng tingin.

"Breakfast is ready" he said. Mabilis akong bumangon at kaagad naman niya akong inalalayan. Nagtataka ko siyang tinignan. Napapikit ako ng gawaran niya ng halik ang noo ko. "Good morning Mae" the sweetest tone i ever heard.

Napangiti ako sa ganung kasweetan niya. Kaya nang-aasar ko siyang tinignan.

"Mworago?"

"Para saan yun ha?"

"Which one?"

"Yung ano...." ngumuso ako. "Yung ginawa mo"

"Alin dun?"

"Yun..." nilingon ko yung gitara sa side table at tumingin sa kanya. Alam kong nag-aabang siya sa sagot ko pero sa halip na asarin ko siya alam ko naman na ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa to.

Ngumiti ako at umiling tsaka palang ako tumayo at mabilis siyang ginawaran ng halik sa pisngi.

"Good morning" ngiti ko. Nakita ko kung pano siya pamulahan sa mukha and i really find it so cute. Hindi ko alam na ganito pala kiligin ang lalaking to.

"S-Should I kiss you back?" ngiti nito sakin. Ako na naman ngayon ang nagulat.

"Hinalikan mo na ko, gumanti lang ako"

"Oo nga....no what i mean kiss is....." kinabahan ako nang makita kung saang banda siya nakatingin.

"W-Woy" dahan-dahan akong lumayo at natawa siya.

"Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil kagabi?" natatawang napailing siya. Habang ako naman ay nakaramdam na ng pagkahiya lalo na ng maalala ang halikang yun.

"Kumain na tayo" sabi nalang niya nang wala akong masagot. He is really now good in speaking my language. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto para makalabas sa kwarto.

Paglabas namin may naaamoy nakong masarap at nagulat ako nang makita ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Nilingon ko siya at nakatingin ito sakin.

"Ang dami naman nito? May bisita ka?"

Umiling siya. "Wala naman.....hindi ko kase alam kung anong gusto mo kaya dinamihan ko." naglakad siya papunta sa isang upuan. "Here" pinapaupo ako dun.

"Hindi naman ako mapili eh...at isa pa...." pinasadahan ko lahat ng pagkain sa lamesa. "Paborito ko to lahat"

"Talaga?" there was an excitement in his voice. Tumango ako at napangiti sa ganung inosenteng reaksyon niya.

"Ikaw nagluto nito lahat?"

"Hmm"

Sa ganito kaaga naluto niya to lahat. "Anong oras ka ba nagising?"

A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon