"YOU ARE NOW FIRED MS. TARRANZA"
Halos tumigil ang mundo ko nang marinig mismo sa manager nila ang mga salitang yun.
"Seljin-hyung" napatayo bigla si Namjoon at napatingin sakin. "Agad-agad?"
"Oo nga hyung" si Jimin.
"Parte ng kasunduan yun Namjoon" buntong hininga ni Manager Seljin habang nakatingin parin sakin. "Alam na niya ang mga dapat at hindi dapat at ang magiging consequences kapag may nalabag bago pa niya pinirmahan ang kontrata"
"Pero ako ang nag-hire sa kanya" nagulat ako nang magsalita si Jungkook. "Kaya ako rin ang may karapatang tanggalin siya o hindi"
"Jungkook..." di makapaniwalang usal ko dahil sa narinig.
"Ano? Naririnig mo ba yang sarili mo Jeon Jungkook?" maski ang manager niya ay di rin makapaniwala. "Si Bang Pd-nim ang unang pumili at kumuha sa kanya!"
"Pero nandito parin siya ngayon dahil sakin hyung..." napailing ako. Hindi niya dapat sinasagot ang manager nila. "Ako ang kumuha sa kanya nung tatanggalin niyo na sana siya bilang katulong nang ganun ganun lang"
"Jungkookie" awat sa kanya ni Namjoon.
"Hyung diba sumang-ayon ka rin sakin nun? Namjoon-hyung---
"Tumigil ka na Jeon Jungkook" pigil ni Seljin. "Nasa amin parin ang desisyon. Manager mo ko at alam ko kung anong dapat gawin. Siguro nga may dahilan ka para di siya paalisin pero tandaan mo na lahat ng empleyado dito nasa amin parin ang kapangyarihang pumili at magtanggal"
"Naiintindihan ko po" di ko na napigilang sumagot sa usapan. Lahat sila nakatingin na msakin. "K-Kung yun po ang nakakabuti para sa kanila"
"Hindi" sabat ni Jungkook kaya nasa kanya na naman ang tingin ng lahat. "Walang aalis.....di ka aalis"
"Jungkook..." iling ko sa kanya.
"Sinasabi ko na nga ba" singhal ni Seljin. "Pipiliin mo pa talagang masira ng tuluyan ang pangalan niyo Jungkook?"
"Walang masisirang pangalan...." iling ni Jungkook na nasa akin parin ang paningin. "Hindi mangyayari yun"
"Paano ka nakakasiguro ha?"
"Baka may paraan?" salita ni Hoseok. "Baka lang naman"
Wala nang nagtangkang magsalita pa ni isa sa amin dito sa loob. Lahat ay may kanya-kanyang iniisip...panay ang pagbuntong hininga ni Manager Seljin habang ako ay nakayuko habang nakatingin sa dalawang paa ko.
"Bago matapos ang araw nato..." biglang pagsasalita ng manager nila. "Kakausapin ko si Bang Pd-nim....paniguradong hindi niya magugustuhan ang mga nangyayari ngayon sa inyo." lumingon siya sakin. "Hindi na magbabago ang sinabi ko sayo Ms. Tarranza." matalim ang tingin nito. "Kung talagang may pakialam ka sa kanila, nasa sayo ang huling desisyon" bigla nalang niya akong nilagpasan at lumabas ng kwarto kung saan naiwan ako at ang pitong mahahalagang tao sa buhay ko dito.
"EXCUSE ME" talikod ko sa kanila at mabilis na lumabas sa kwartong yun. Hindi ko na kayang harapin pa sila dahil sa sitwasyon ngayon. Hiyang hiya nako sa kanila.
Hindi pa ko nakakababa ng hagdan nang biglang may pumigil sakin hawak ang isang braso ko.
"S-Sir..."
"Hindi ka aalis"
"Jungkook?" angil ko at mabilis na lumayo ng bahagya sa kanya. "Ito yung tama"

BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Фанфик[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019