C h a p t e r - fifteen

192 17 0
                                    


NGAYONG umalis na sila...

Ngayon ko lang naramdaman na nag-iisa ako ay hindi may kasama naman ako dito sa dorm nila pero yung feeling na alam mong iba parin talaga kapag nandito sila.

Yung HINDI mo mararamdaman na nasa malayo ka at nagtatrabaho bilang katulong lang.

Yung araw-araw gumagaan ang mga ginagawa mo kase nakikita mo sila araw-araw.

Ngayon kase parang...

Nagising ako sa isang matagal at magandang panaginip at narealize na malayo ako sa pamilya ko.

Nagising ako sa katotohanang nandito ako para magtrabaho at makatulong sa panggasto sa hospital ni papa at sa operasyon niya.

May kasalanan ata ako kase nakalimutan ko bigla yun at umandar ang pagiging FANGIRL ko

TT__TT

ISANG LINGGO na rin ang nakaraan magmula nang umalis sila dito. Ngayong araw nato makukuha ko yung PINAKAUNANG SWELDO KO

^__^

Hindi naman gano kalaki pero sapat narin yun para mapadala ko kina mama. Atleast man lang may maibigay ako sa ngayon.

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa isang Pera Padala para maipadala ko na to kay mama.

"Hello ma?" tawag ko sa kabilang linya ng telepono.

"Sino to? --teka Mae??! Uyy nak ikaw ni??!"

"Oo ma!" ngiti ko. "Nakuha niyo na ba yung pinadala ko?"

"May pinadala ka?"

"Nag-text po ko kanina"

"Ayy teka di ko pa nabasa, pero may sweldo ka na?"

"Hmm, unang sahod palang po"

"Eh pano yan? Pinadala mo yung unang sweldo mo--ano nang gagamitin mo diyan?!"

"Ma?? Syempre may tinira ako yung sakto lang naman"

"Sigurado ka ha?"

"Opo! Ahh kumusta si papa?---hello ma?" tawag ko nang hindi siya sumagot.

"Heto....---

"May nangyari po ba??!" bigla naman akong kinabahan.

"Ok ang papa mo"

"Ma??" hindi ako kumbinsido sa sagot ni mama.

"K-Kase nak....kunti lang ang improvement ng papa mo sa dialysis niya eh" pahina ng pahina ang boses ni mama.

Napatakip ako sa bibig habang napapikit. "Nasa tabi niyo po ba si papa ngayon ma?"

"Umuwi ako sa bahay ngayon nak eh, yung kuya at kapatid mo lang ang nandun" sagot ni mama.

Nakagat ko nalang ang labi ko. "O-Ok po"

"Kumusta diyan nak? Nakakain ka ba ng maayos?" --si mama.

"Ok naman po hindi naman po ko pinapabayaan ni ante at dito sa dorm"

"Dorm??"

O__O

"Teka bakit nasa dorm ka?? Sa dorm ka nagtatrabaho?"

O__O

NADULAS ATA AKO OR NADULAS TALAGA AKO!

"Bakit ko nasabi yun"  halos wala nang boses na sabi ko.

"Mae????"

"M-Ma??"

"Bakit di ka sumasagot?"

A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon