Lutang parin akong naglakad papunta sa kinatatayuan ng kuya ko. I can't even explain myself kung anong nararamdaman ko ngayon. Ewan ko.....i feel so numb.
"K-Kuya" wala sa sariling tawag ko nang huminto na ako sa harapan niya. I am now looking at him without a single blink. Hindi ko mapangalanan ang kaba ko ngayon lalo na ng palibutan niya ng tingin ang sarili ko.
Then suddenly.....
NIYAKAP NIYA AKO.
I blinked multiple times bago ko narealize na totoo ngang nakayakap siya sakin ngayon. Akala ko sampal ang matatanggap ko sa kanya ngayon.
"Kuya----
"Namiss ka namin" pagsasalita niya. Lumayo na siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ang laki ng pinagbago mo ah"
Napahawak ako sa batok. "Pumayat lang naman ako.....yun lang hehe"
"Tara na" tapik niya sa isang balikat ko. "Akin natong maleta mo" kuha niya dito. "Bigat ah...nakayanan mo to?"
"Hmm" tango ko.
"Tara na" pangunguna niya sumunod nalang din ako.
Hindi ko naman maiwasang di mapatingin sa bawat direksyon habang naglalakad kami. Tuloy hindi ko agad namalayan na nakatingin pala sakin si kuya.
"Anong klaseng tingin yan kuya?"
"Wala" iling niya. "Dati ganito ka pa kataba oh" he executed his arms widely.
"Grabe naman hindi naman ako balyena dati kuya"
"Hindi nga" iling niya. "Hipoppotamus oo"
"Aishh jinja?!" bigla ko nalang siyang nahampas pero mabilis naman siyang nakailag.
"Aish Jinja! ka pang nalalaman" gaya niya sa boses ko. Ayan na naman siya nangpipikon. "Nakapag-Korea lang ng ilang buwan" he laughed hindi ko naman masabayan yun.
"Siguro pumayat ka kase inspire ka masyado dun sa mga Koreano mo" sinamaan ko siya ng tingin. "Effective naman hmm"
"Tss" singhal ko at nagpaumunang pumasok nalang sa taxi nang huminto yun sa harap namin. Nababadtrip ako. Sa paraan ng pagiging sarkastiko niya kapag nagsasalita minsan nakakapikon na rin.
Nang makapasok na kami sa loob ng taxi naging tahimik na kami pareho ayoko na ring magsalita. Nakadungaw lang ako sa bintana habang tinatanaw ang kalsada ng Cebu City. Parang may nagbago sa lugar. Pakiramdam ko tuloy ganun na talaga ako katagal wala dito kahit ilang buwan lang naman.
"Kamusta si mama ya?" bigla ko nalang natanong. Nilingon ko siya nang hindi na naman niya sinagot yun. "Bat ba ayaw mong sagutin kapag tinatanong kita"
"Sa bahay nalang nating pag-usapan yan"
"Pwede naman dito ah" umiling siya. "Di naman mahirap yung tinatanong ko eh"
"Sa bahay na nga lang wag ka ng umangal" sabi niya habang nakatingin sa kabilang bintana.
Bat ba ayaw niyang ikwento nalang sakin ngayon total matagal pa naman ang biyahe namin pauwi?
Pabagsak kong sinandal ang sarili at malalim na napabuntong hininga kaya naman napalingon siya sakin na inilingan ko nalang.
Habang tinatahak na namin ang kalsada papunta sa amin ay di nako mapakali. Kinakabahan na ako.
"Handa ka na?"
"Saan kuya?"
"Sa madadatnan mo mamaya"
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019