[Last week of May.....]FLIGHT TO MANILA
"Oh magdala ka nito, alam kong malamig doon hindi ka pa naman sanay sa malamig na klima baka sipunin ka" inabot sa'kin ni mama 'yong makapal na jacket.
"Meron pala tayo nito ma?"
"Kakabili ko lang 'yan sa ukay-ukay noong isang araw, 'wag kang mag-alala malinis na 'yan." nilagay ko naman kaagad 'yon sa isa ko pang dadalhin na maleta. "Oh itong tuwalya, dapat dalawa dalhin mo doon, pa'no kung marumi yung isa dapat may reserba ka" abot na naman niya. Inosente ko naman 'yong tinignan. "Sakto na ba yang dala mong damit?" nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakangiting tumango.
"Opo ma, kasya na po 'to, lalabhan ko naman po araw-araw yung nasusuot ko para tipid"
"Oh ito dalhin mo 'tong bagong damit na binili ko, hindi 'yan ukay-ukay kaya wag mong pandirihan"
"Eh wala naman po akong sinabi eh" nakangusong sagot ko habang tinitignan 'yon. "Salamat dito ma, maganda hehe pero ewan kung babagay"
"Ano pa nga ba kakailanganin mo?"
"Ok na 'to ma, nalagay ko na po lahat nung nakaraang linggo" nakangiting sagot ko.
"Underwears mo? Bra, panty--
"Ma?!" pigil ko. "Eh ok na nga po--
"Toothbrush?" tanong na naman niya at nag thumbs up ako. Napamewang siya habang tinitignan ang maletang pinaglagyan ko. Lumapit ako kay mama at niyakap sa likuran.
"Ma" malambing na usal ko. "Salamat"
"Tsk!" singhal niya at nakitang mabilis siyang nagpunas ng luha sa gilid ng isang mata.
"Mag-iingat po ako dun"
"Ilang beses mo na 'yang sinabi hindi pa rin ako kumbinsido" pagsusungit niya.
"Tatawag po ako araw-araw" sabi ko, nilingon niya ako na parang naninigurado kung gagawin ko 'yon. "Pangako" ngiti ko. Napanguso ako nang winakli lang niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.
"Mag-ayos ka na, mamaya na ang alis ninyo diba?"
"Opo"
"Oh siya-siya, bababa na ako, bumaba ka na pagkatapos mong maligo,magluluto lang ako para may dalhin ka mamaya."
"Thank you ma!" sigaw ko nang lumabas na siya sa kwarto. Nakapamewang 'kong tinignan ang dalawang maletang dadalhin ko, napangiti ako pero mabilis din itong nawala. Sinarado ko na 'yong isang maleta at chineck kung nasa loob na nga ba ang journal ko. Nang makapa ko 'yon sa kailaliman ng mga damit napangiti ako. "Sasama ka sa'kin ha para naman madami tayong alaala doon"
Naligo na ako at nag-ayos, nakatingin ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Tinignan ko pa ang kabuuan ko sa salamin at pinilit na ngumiti.
"Itong mukhang to, makakapunta na ng Sokor" bulong ko at natatawang napailing nalang sa pagkamangha. "Akalain mo naman ang isang to makakapunta doon" turo ko sa sarili mula sa salamin. Hawak ang mga maleta ay lumabas na ko ng kwarto, gaya ng inaasahan nakapagluto na si mama.
"Kasya pa ba 'to sa shoulder bag mo?" abala si mama sa paglalagay ng ulam at kanin sa baunan.
"A-Ah opo may lugar pa naman" nilapitan ko si mama at tinulungan. "Kay papa po?"

BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fiksi Penggemar[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019