"Hindi niyo naman kailangang gawin yan sir" pakiusap ko sa kanya pero ngumiti lang siya habang kinakarga ang maleta ko.Napapahiya naman akong napatingin sa iba na nakita ang ginawa niyang pagtulong sakin.
Grabe Jungkook ang bait mo pero napapahiya ako sa ginagawa mo eh. Imbes na ako yung tumutulong sayo bakit ako pa ngayon yung nagpapatulong.
Hindi naman ako nagpatulong eh hayst.
Lagot nako nito, ngayong araw pa naman akong ginawang PA niya.
"A-Ako na s-sir" kinuha ko na yun sa kanya nung nasa loob na kami ng eroplano. "K-Kamsahamnida" yuko ko agad.
"Doon yung mga staffs" turo sakin nung isa sa mga manager nila
"O-Ok p-po" yuko ko sa manager. "Dun muna ako sir ,..basta tawagan niyo lang ako pag may kailangan kayo ha,..salamat po ulit" sabi ko pa at naglakad na papunta dun sa mga katulad ko.
Medyo malayo layo rin sa pwesto ng BTS pero nakikita ko pa naman sila dito sa pwesto ko. Sakto namang nasa gilid ako ng bintana kaya napamangha na naman ako sa ganda dun sa labas.
Gabi na kaya naman makikita mo yung liwanag ng ilaw sa buong paligid.
'Mamimiss kita Seoul, South Korea.
Nung masigurong wala ng tao sa labas at lahat nasa loob na including si Bang Pd-nim, nag-announce na ang pilot para sa paglipad ng private plane nato.
"This is it Mae" bulong ko sa sarili.
------------
Hindi ko alam kung ilang oras bago mag landing ang eroplano, ang alam ko lang halos lahat dito nakatulog na dahil siguro sa sobrang pagod sa paghahanda.
Nakapatay ang halos lahat ng ilaw dito sa loob pero may ilaw pa naman yung sakto lang na makikita mo yung bawat tao dito.
Natutulog kaya ang BTS ngayon?
Kanina ko pa sinusubukang pumikit pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Siguro naeexcite lang talaga ako pagkababa na namin.
Hindi ko ini-expect na sa edad ko ngayon na 18 ganito na yung mae-experience ko sa buhay ko.
May dalawang camera men ang nakatayo ngayon sa pwesto ng BTS
Siguro nagvi-video sila para sa isang documentation.
Natatandaan ko pa nga nung pinanood ko yung mga episodes dati ng Burn the Stage.....sa Wings tour pa yun.
I can't believe na sa Love Yourself tour nila kasama na ako.
Since tulog naman mostly ang mga kasama ko dito, tumayo ako para mas maklaro pa yung mga ginagawa ng mga cameramen doon.
O__O
"P-Po?? A-Ako??" I pointed myself nung bigla akong pinapapunta doon ng isa sa kanila.
Sino pa nga ba Mae, malamang ikaw kase sabi mo nga diba tulog ang mga katabi mo
Syempre nagmadali naman agad ako sa paglapit doon.
"Yes sir?" --ako.
"Pakikuha nga nun" nguso niya sa isang black bag na nakalagay sa isang upuan at kinuha ko naman agad yun. "Gomawo"
"Miss pakihawakan nga muna ng cam" napalingon na naman ako dun sa isa pa, "May kailangan lang ako kunin sa taas."
"Sige po sir" ngiti ko at hinawakan yung DLSR na camera.
Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti habang nakikita ang pito na natutulog sa kinauupuan nila.
Natatawa ako kay Hobi hahahah!
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fiksi Penggemar[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019