Sabi nila fangirling is just a phase of puberty. In this stage daw kase, people tend to set their ideal man/woman. Nagse-set sila ng standards sa maaaring magugustuhan nila at mas mahilig silang magpantasiya. They were more attracted sa taong nakikitaan nila ng mga aspects na type nila. Sino ba namang hindi maa-attract hindi ba?Sino bang hindi maa-attract sa gwapo? Sa maganda?
Sino bang hindi magkakagusto sa talented? Sa maganda ang boses? Sa magaling sumayaw?
Sino bang hindi mababaliw kung total package na yung tao? Sino bang hindi maghahangad ng ganun?
Kabaliwan kung sasabihin mong never kang nagset ng standards sa isang tao. Kase kahit ideny mo pa, nung adik ka palang sa panonood ng barbie you already want a guy to be like a prince.
Everyone deserves a prince. Everyone deserves to be a princess. But we have to wake up also, for not every story will end up like a fairytale. Madaming downs, madaming doubts, madaming what ifs, madaming pagsubok. Pero at the end of the day naman, everyone deserves to be loved.
After that puberty stage naman daw ay nawawala ang ganung klaseng mindset ng isang tao. They become more practical. Mas naattract na sila when both have common interest over things. They don't matter now how he/she looks kase daw pag mahal mo na yung tao you'll get blinded by it. Not in a bad way sense pero alam mo yung tipong lahat maganda sa paningin mo? Na lahat mahal mo sa kanya.
Bonus nalang daw 'kunu' kung makakahanap ka ng isang lalaki o babaeng total package...
Ang swerte ko naman kung ganun...
Kase yung taong gustong-gusto ko magmula sa puberty stage na yan ay gusto na rin ako. Yung lalaking sinusulat ko nalang sa notebook para dun ilabas lahat ng kilig at gusto ko sa kanya....ay siya rin palang makakasama ko ngayon.
Ilang porsiyento ba sa mundo ang posibleng magkaganito? One percent? two percent? three percent?
Kase kung ako yung tatanungin SOBRANG IMPOSIBLE NUN.
Pero hindi na kase mabibilang pala ako sa kaunting porsiyentong yun....
"Are you excited?"
"Hmm" malawak ang ngiti kong tumango sa kanya.
"Ako din" ngumiti din siya.
Nag-angat ako nang tingin sa kabuuan ng airport habang hindi parin nawawala sakin ang malawak na ngiti. Welcome back Mae. Welcome back to South Korea.
"Dun tayo sa kabila dadaan may naghihintay satin dun" kinabahan ako sa sinabi niya
"Nandito sila?" napakurap ako.
"Ani.....pero alam na nilang pauwi tayo dito kaya nagpadala sila ng sasakyan" sagot niya. Nagpatianod nalang din ako sa kanya habang hawak niya ako sa kamay. Pansin ko ang pagiging mapagmasid ni Jungkook sa lugar na para bang natatakot siyang may makakita sa amin dito. Hindi katulad sa Pilipinas na wala siyang pakialam sa kung sinong makakilala sa kanya. Gusto kong magtanong pero kailangan ko lang sigurong hayaan nalang muna siyang ganun.
Huminto siya sa paglalakad nang nasa labas na kami kaya huminto rin ako. Malamig sa labas buti nalang sumunod ako sa kanya na magsuot ng scarf.
Ngumiti siya at mukhang nabunutan ng kaba nang may humintong kulay itim na van sa mismong harapan namin. Napatingin ako sa malinaw kong repleksyon sa bintana nito. Biglang bumaba ang salamin ng bintanang yun at nanlaki agad ang mata ko nang tumambad sakin ang nakangiting si Jimin!

BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019