C h a p t e r 40- Confession

265 22 6
                                    


JUNGKOOK'S POV

"NE! KAMSAHAMNIDA!" Sabay sabay naming sabi matapos ang mga paalala samin ng choreographer namin. Bukas ay mag-eensayo na naman kami dahil hindi pa kami nakakalahati ngayon.

"Ah hyung baka gusto niyong kumain muna?-psst Jungkookie nasan na yung pinaorder mong pizza??"

O__O

SI MAE!

NAKALIMUTAN KO SIYA!

"Psst Jungkookie??" tanong ulit sakin ni Taehyung.

"S-Sandali-" nagmadali akong lumabas ng practice room at pumunta ng kusina pero walang tao dun. "Mae??" tawag ko pero walang nagpakita.

"Yah!" Napatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Taehyung dito sa kusina. "Ano bang hinahanap mo? Yung pagkain daw nasan?"

Bago pako makapagsalita, nagsipagsulputan narin sa kusina sila Namjoon-hyung kasama ang choreographer namin.

"Sa bahay na siguro ako kakain gabi na rin eh, pano yan mauna nako ha" paalam samin nito.

"Pero hyung-nim-" nilingon ako ni Taehyung. "Oh sige hyung mag-iingat kayo sa pag-uwi!" nabasa siguro niya ang ekspresyon ng mukha ko.

"Hmm magpahinga na rin kayo, maaga pa bukas, tandaan niyo 9 am ok?"

"YES HYUNG!" -sabay sabay na sagot nila maliban sakin.

Hinatid nila Namjoon-hyung ito sa labas kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone sa loob ng practice room.

"Yah! Anong problema? May nangyari ba?" sinundan na naman pala ako ni Taehyung dito. "Nasan na hyung pizza?"

"Hindi pa siya bumabalik dito" sagot ko habang binubuksan ang cellphone. "Inutusan ko siyang bumili pero wala pa siya"

"Ha? Sinong inutusan mo?"

Nilingon ko siya. "S-Si M-Mae"

"Si Mae?!" gulat niya. "Pinabili mo siya ng pizza ng ganitong oras?"

"Tsh kanina pa yun"

"Pero gabi parin yun Kookie! at isa pa madaming tarantadong magnanakaw sa gabi!" natigilan ako dahil sa pagsigaw ni Taehyung. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso pag si Mae ang napapag-usapan.

"A-Alam k-ko" mahinang sabi ko at napapikit nang walang sumasagot sa kabilang linya.

"Oh nasan na ang pagkain Jungkookie?" Sulpot ni Jin-hyung. "Teka may problema ba?"

"Yung pizza Kookie dumating na?" Excited na lapit samin ni Hoseokie-hyung.

"Oh Jungkook sino ba yang tinatawagan mo ha? Bat ang seryoso ng mga mukha niyo?"tanong ni Jimin.

"Sinusubukan kong kontakin si Mae-

"Yaaayyyy sa ganitong oras ng gabi Jungkook si Mae parin?" Mapanuksong tanong ni Jimin.

"Tss ano na naman ba yang iniisip mo Jimin ha? Gusto mong di makakain ha? Anong oras na....h-hindi parin siya nakakabalik dito"

"HA??!" -sabay ng mga ito maliban kay Taehyung na napapailing nalang.

"Anong ibig mong sabihin Jungkookie?" napalingon ako kay Namjoon-hyung, nandito na pala siya. "Si Mae ba ang inutusan mong bumili ng pagkain?"

"Hyung.. ." -ako.

"Sa ganitong oras?" Parehong tanong sakin ni Taehyung.

"Pero maaga pa naman yun nung inutusan ko h-hyung-

A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon