02.

290 21 0
                                    


KO-KOREA??" nauutal na tanong ko. Nagulat ako nang biglang humaglpak ng tawa si kuya. Sumama ang mukha ko at naiinis siyang nilingon. Malamang niloko na naman ako.

"Sa Japan" sagot ni ante.

"Baka gusto mong tanungin kung sa North ba o sa South?" bigay na bigay parin na tawa niya.

"Tsh!" tanging nasabi ko nalang at sinamaan talaga siya ng tingin. "Ano pong trabaho dun?"

"Madami namang trabaho dun hindi lang pagiging domestic helper"

Akala ko talaga Sokor na eh, kapag napagtripan nga naman, pero Japan?? Malapit lang sa Sokor yun at kadalasang may fanmeeting sila dun. Namalayan ko nalang na napangiti ako sa naiisip ko. "Ma sama kaya ako?" wala sa sariling sabi ko.

"Baliw ka na ba? Seventeen ka palang mag-aabroad ka?!"

"Eh....mag dedebut naman ako ah next two months" nakangusong sagot ko.

"Oh tapos?" seryosong tanong niya.

"Tapos...." napaisip ako. "Pwede na 'ko?"

"Kala ko ba magco-college ka?!"

Natigilan ako. "Oo naman"

"Eh bakit parang aga-aga pagiging OFW na iniisip mo? Akala mo ba madaling magtrabaho dun?!" galit na siya agad. Oo nga naman. Napabuntong hininga ako at ngumuso na lang. Kahit anong palusot ko mas madami nalulusotan si mama.

"Di bale na kapag nakagraduate ka ng college dadalhin kita dun para magtrabaho." naninigurong sabi ni ante. Napakamot nalang ako sa ulo. Psychology ang kukunin kong kurso sa college, anong trabaho ko naman sa Japan? Natapos ang usapan nila nang dumating si papa at naghapunan na kami. Hindi na .ko nakisali sa usapan ulit nila habang kumakain. Pagkatapos maghugas ng plato ay dumiretso na'ko sa kwarto. Nilapag ko lahat ng assignments ko sa study table, pati na rin ang reseearch paper naming kasisimula palang. Graduation na namin at the end of this month, pagkatapos ng grade 12 na'to, hindi ko alam kung makakapag-aral parin ba ako sa college pero sabi nga ni mama, kakayanin daw nila. Maagang nakapagpangasawa si kuya kaya parang ako yung substitute na inaasahan nila mama.

Sinalpak ko na ang headset sa tainga ko at pinindot ang shuffle play. Paulit-ulit lang naman ang mga kanta pero parang bago parin sa pandinig lage kase Bangtan. Parang nasaulo ko na nga ata ang lyrics eh. Hindi nako nagpadisturbo pa at itinuon ko ang buo kong atensyon sa sinasagot at sinusulat ko hanggang sa lumalim na ang gabi. Nang matapos ay tsaka pako nagstretching sa dalawa kong braso habang napapahikab. Napatingin ako sa labas ng bintana at napatunganga.

"Kung malapit lang sana matagal ko nang nilakad" bulong ko. Kinuha ko ang journal book sa drawer ng side table ko at inihipan ito habang pinupunasan. Binuksan ko ito at napangiting tinignan ang huling sinulat ko. "Baliw na nga talaga ako" bulong ko ng basahin yun. Tuwing may gusto akong i-express at di ko mailabas o madaan sa salita, kung ano-ano nalang naisusulat ko. Minsan naiiyak pa'ko habang nagsusulat. Matanda na 'ko at alam kong wala nang gumagawa ng ganito pero ewan ko. Sa ganito ko nilalabas ang mga nararamdaman ko. 


Kinuha ko ang ballpen at nagsulat doon.


March 11 | Monday

May in-offer sa amin na trabaho si ante sa Japan. Mukhang malaki ang sahod dun kaso hindi pa 'ko qualified kase hindi pa 'ko 18 besides hindi rin ako papayagan ni mama. Alam ko ring mahirap magtrabaho sa malayo lalo na't hindi ko naman talaga alam ang buhay doon. Nung sinabi ni kuya na sa Korea raw putsa akala ko talaga totoo, pero di bale na nga mas mabuti nalang din sigurong hindi kasi hindi naman ako papayagan, paniguradong masasaktan lang din ako. Pero kung totoong magtatrabaho ako sa Korea, ano kayang trabahong papasukan ko? Dahil kung ako yung tatanungin kaya ko lahat ng trabaho basta nga lang makita ko ang Bangtan araw-araw. Pwede akong tagalinis ng dorm nla, oh di kaya taga-laba ng damit. Pwede rin namang isa sa mga make-up artist o personal assistant pero kailangan ko pang mag-aral ng cosmetics kung ganoon. How about taga punas nalang ng pawis nila? haha! 


A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon