NAGSIMULA nakong magtrabaho dito sa dorm. Mukhang tulog pa talaga yung iba.Habang naglilinis sinubukan kong tandaan yung sinabi ni Jungkook kanina. Kung naiintindihan ko lang talaga siya.
Mas may dahilan na talaga ako para matuto ng linggwahe nila.
Dahil kapag hindi nangyari yun baka pagsisihan ko na hindi sila nakausap ng matino habang nandito pako.
Biglang tumunog yung selpon sa bulsa ko, nakalimutan kong i-vibrate mode. Naku papagalitan talaga ako kapag nagising ko si Yoongi dahil sa ingay.
"Hello? Ante?"
"Mae yung ID mo naiwan mo dito!" sigaw niya. "Pano ka makakapasok diyan?!"
Nasampal ko ang sarili ko sa sobrang katangahan, sinabi ko pa kanina wala akong nakalimutan tapos ngayon nandun lang pala sa bahay.
Tsk tsk Mae kahit kailan.
"Ahh ehh ok na ante nakapasok nako---
"Ha?! Pano?!"
"Pinapasok nalang po ako"
"Eh buti naman pinapasok ka?Pano nalang kung hindi?"
"Sensya na po ante,akala ko kase nasa bag ko na"
"Hayst tsk tsk, akala ko talaga nagkakandarapa ka na diyan kakahanap
OO ANTE KANINA
"Oh sige na baka naisturbo na kita diyan"
"Sige po ante"
"Ge bye"
"Bye po" yun lang at isinabulsa ko na agad yung selpon.
O_o
Napalingon agad ako ng makarinig ng ubo at nakita si Jungkook.
"S-Sir" nasabi ko nalang sa sobrang kaba.
BAWAL MAG CELLPHONE DITO SA DORM, ISA YUN SA MGA PATAKARAN.
"Excuse me" sabi niya natuliro naman ako kung bakit nag-excuse siya yun naman pala eh nakablock ako sa dadaanan nito.
"Sorry po" paumanhin ko at yumuko sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.
Nanlumo ako ng hindi man lang siya ngumiti sakin.
"Ba't ba ang seryoso mo sakin? Alam ko namang pangit ako---kahit ngumiti ka man lang sakin oh" bulong ko habang nakatingin sa kanya nav naglalakad na palayo.
--------------------------
LUNCH TIME NILA...
May dumating na dalawang chef ngayon dito sa dorm ilang oras na ang nakakaraan mukhang mga professional at sikat dito; isang babae at yung isa lalaki.
Magkakaroon ata sila ng VLIVE ngayon.
Wahhhhhh~~~~~~
Akalain mong dati nanonood lang akong mag live sila habang kumakain pero ngayon....nandito ako, makakapanood talaga ng live!
Bwahahaha!! Ok kalma psycho.
<DING DONG>
Pinagbuksan ko yung tao sa labas at nagulat ng makitang mga managers pala ito ng Bangtan!
O___o
"Annyeonghaseyo!" yuko ko ng matagal habang pumapasok sila sa loob.
Hindi ko kilala yung iba pero namumukhaan ko naman yung dalawa. Isa na dun yung naghatid sakin dito.
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019