C h a p t e r - 49

186 11 0
                                    

"NEED HELP?"

Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa nagsalita at napalunok nang makitang siya parin yung Koryanong nakatabi ko kanina sa eroplano.

"U-Uhmm...." hindi pako nakakapagsalita ng lumuhod nalang  siya bigla para tulungan akong iayos yung mga damit na nagkalat sa sahig dahil sa ginawa ko. "No its ok....its ok" awat ko sa ginagawa niya. "Gomawo" i thanked him in Korean.

Napapahiya akong lumingon-lingon at nakita ang pagtataka sa mukha ng mga taong dumadaan sa aming dalawa. Sana sa hotel ko nalang to ginawa. I looked at him at tumayo na ganun din siya.

"Salamat ulit" I said in Korean.

"Hmm" he smiled and nodded. Napahawak ako sa batok at hindi alam ang sasabihin. Hihintayin ko sana na umalis muna siya bago ako maghanap ng matutulugan ngayon pero hindi parin siya umaalis.

Dapat ba magpakilala ako sa kanya?

Hindi hindi.....wag ganun Mae hindi mo nga kilala kung sino 'to eh.

"Kailangan ko ng umalis hehe" I said awkwardly in Korean at nakangiting tumango naman siya.

"Saan lakad mo ngayon?"

"Ha?" gulat ko. Bat mo ba tinatanong? Hindi tayo close.

"I mean its already around 10 pm and..." he smiled shyly. "May alam ka bang hotel malapit dito?"

I looked at him seriously. Sinisigurado ko lang na hindi siya stalker o sumusunod sakin kung saan ako pupunta. Sa nakikita ko naman mukha ngang wala pa siyang kaideya ideya dito sa Manila. Kahit medyo gwapo rin naman siya kailangan ko paring mag-ingat.

Napabuntong hininga ako. "First time mo dito sa Manila?" i asked him in Korean.

"Uhm...y-yes" he smiled shyly.

"May kakilala ka dito? Family? relatives? Friends?"

"Yes i have a friend here pero hindi niya ko masusundo since gabi na ngayon" nguso niya. I find it cute tss mga Koreano nga naman.

"Ahhh...." tango tango ko. "Actually wala akong masyadong alam dito sa Manila since taga Cebu ako."

"Shebu?"

"Hmm. Its another island here in the Philippines"

"Malayo dito sa Manila?"

"Medyo." kamot ko sa ulo. "Bukas pa ang flight ko papunta dun eh"

"Naghahanap ka rin ng matutuluyan ngayong gabi?"

Pinakatitigan ko siya. Kanina sa eroplano natatakot akong makipag-usap sa kanya dahil masyado siyang seryoso pero ang daldal niya ngayon. I nodded. "Hmm"

"Can I go with you?" natigilan ako.

"S-Sige.....tara na" pangunguna kong maglakad.

Naglibot ako ng tingin sa paligid. Andami paring tao dito kahit gabi na. Bigla nalang kumulo ang tiyan ko nang makaamoy ng pagkain sa restaurant na dinaanan namin pero naalala ko pala na may pinadala sakin  si Ante......ito nalang yung kakainin ko mamaya para makatipid. Nilingon ko sa likuran ko yung Koreano at mukhang busy siya sa pagpipindot ng cellphone niya. Ayoko namang mapraning kaagad kaya binalewala ko nalang yun.










《 H O T E L》









"Room for two ma'am and sir?"

"NO!" napalakas boses ko. Napalingon sakin yung Koreano na katabi ko kaya nilingon ko rin siya at binigyan siya ng makahulugang tingin sana naman nagets niya.

A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon