C h a p t e r - 36

170 14 3
                                    

"MAKE SOME NOISE!!!!"

Halos magkapaos na sa kakahiyawan ang mga tao dito sa Accorhotels Arena. Walang tigil, lahat nagwawala. At heto naman ako dito sa backstage, nakikinig at nakikitawa sa tuwing magbibiro ang Bangtan sa labas.

"Mae"

Nilingon ko ang isa sa mga production team nang tawagin niya ako. "Bakit ma'am?"

"Tulungan mo kami mamaya, after ng isang performance nila, we will proceed beside the stage" utos sakin ng babae.

"Yes ma'am" tango ko at tsaka ko palang nakitang naghahanda na sila. Mabilis akong kumilos para tulungan sila sa dinadala. Dala  kase nila ang pampalit na damit ng pitong miyembro. Pati na rin ang mga personal make up artist ay inaayos na rin ang mga gamit nila para sa mabilisang pagbibihis at pag-aayos ng mga ito. Kung tutuusin kase, may kalakihan ang arena ng Paris, France. Kailangan pang maglakad nila bago makapasok dito sa malaking kwartong pinipwestuhan namin.

"Ako na pong magdadala ng damit niya ate" pagboboluntaryo ko sa may dala ng costume ni Jungkook. Ibinigay naman niya sakin yun.

Ilang minuto pa ay narinig ko na naman ang malakas na hiyawan ng mga tao nang biglang tumugtog ang isa sa pinakapaborito kong kanta.

EPIPHANY

"Cham isanghe.......


Nanghina ang mga tuhod ko, gustong gusto kong makita na ang mga nangyayari dun sa labas pero gaya ng sinabi kanina, pagkatapos pa nito kami makakapunta doon.


SEOKJINIEEEEEEE~ TT__TT


ANG GANDA TALAGA NG BOSES NIYA!

"I'm the one I should love.....in this world bitnareun naneul  sojunghan nae yeonghuneol......"




"LET'S GO" natinag ako sa sinabi ng babae. Kaagad naman akong sumunod sa kanila at hindi ko maitago siyempre ang pagka-excite. Sa unang beses makikita ko na silang magperform doon sa labas habang kaharap ang libo-libong ARMY na katulad ko. Gustong gusto ko talaga!

Syempre hindi na nawala sakin ang ngiti ko habang sila ay parehong seryoso at mukhang pokus na pokus talaga sa mga dala nila. Ensaktong pagdating namin sa gilid ng stage ay unti-unting pinatay ang ilaw pero nandun pa rin ang malakas at mas nakakabingi pang hiyawan ng mga tao. Mas lalo akong namangha nang makita kung gaano kakislap ang mga ARMY bomb na bitbit at winawagayway ng mga tao dito. Napangiti ako nang makita sa alon ng mga tao ang nakapormang salita gamit ang mga ARMY bomb nila na—

ARMY 💜 BTS


PURPLE OCEAN. Kung sa mga nakikita kong picture ay napakaganda na nito, napakaganda naman nito sa personal.

"Maghanda na kayo parating na sila dito" sulpot ng isa sa mga manager nila sa pwesto namin. "Sampung minuto lang dapat nakapalit na sila ng damit,..next performance nila—Fake love" paalala nito samin habang nakatingin sa relos.

"NE" sabay-sabay nilang sagot, yumuko ako bilang pagtugon ko.

At yun nga mabilis kaming kumilos ng isa-isang magsilapitan samin ang pitong miyembro pawang pawisan pero mababasa sa kanilang mukha ang tuwa at excitement dahil sa walang katapusang pagchi-cheer sa kanila ng mga ARMY. Nakakataba ng puso.

A FANGIRL'S Journal✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon