CALLING...
MAMA
Sa tagal ko ring hinintay na tumawag si Mama pero bakit ngayon pa na gulong gulo ang utak ko sa mga nangyayari...
Tulala akong napatitig sa pangalang nakarehistro at malalim na napalunok.
BAKIT NGAYON PA
HINDI AKO HANDA
"San ka pupunta?!" sigaw ni Lorraine pero di ko na siya nalingon sa pagmamadaling makalabas para sagutin yun. "Mae!"
Hindi naman ganun kalayo ang tinakbuhan ko pero sobrang tumatambol ang puso ko dala na rin sa sobrang kaba.
"H-He...l-llo?" nanginginig na sagot ko dito at isang malalim na buntong hininga ang narinig ko agad. "M-Ma?"
"KUYA MO 'TO"
"K-Kuy-ya" mabilis na nanuyo ang lalamunan ko sa paulit ulit na paglunok. "K-Kamusta?" sinubukan kong huwag ipahalata sa boses ang kaba. "Long time no see hehe"
"Wala ka bang balak umuwi?" nawala rin agad ang ngiti ko nang hindi man lang niya sinabayan ang pabiro ko na sanang pangungumusta. "Oh may balak ka pa bang umuwi"
"K-Kuya.." gulat ko.
"Alam na namin kung saan-saan ka nakakadating dahil jan sa mga Koryano mo--ano ganyan ka na ba talaga ka obsess sa mga baklang yan ha?"
"Kuya" hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Nagtatrabaho ako dito" may diin sa tono ng pananalitang sabi ko.
"Nagtatrabaho o para lumandi?" napapikit ako sa sinabi niya at tahimik na napasinghal. Gusto kong maluha dahil kahit kailan o kahit anong paliwanag ang gawin ko ngayon sa kanya ay wala parin...hindi parin niya yun maiintindihan.
"Umuwi ka na" may awtoridad sa boses niya. "Kung ayaw mong magsisi"
"Uuwi ako" lumunok ako. "Pero hindi pa ngayon"
"Tsk kailan pa? pag di mo na naabutan si mama?"
Natigilan ako. "Anong nangyari kay mama?"
"Ayan inuuna mo kase jan yang mga bakla mo---
"Kuya sagutin mo ko anong nangyari kay mama?!" pagtataas ko na ng boses dahil sa inis.
"May sakit si mama....." pambibitin pa niya. "Cancer"
May sakit si mama.....cancer
May sakit si mama.....cancer
May sakit si mama.....cancer
C-CANCER
Parang binambo ang tenga ko sa lakas ng pagtibok ng puso ko nang marinig ang nakakakilabot na salitang yun.
"Nagbibiro ka lang" iling ko. "Kuya hindi yan nakakatuwa."
"Umuwi ka na ngayon na"
"Kung sinasabi mo yan para takutin lang ako.."
"Ayaw mong maniwala? Hindi ka ba nagtataka kung bakit number ni mama tong ginamit ko?"
"Kuya sinasabi kong...." tumulo na ang luha ko. "Wag namang ganito oh" umaasa akong tinatakot lang niya talaga ako para umuwi
"Pinipili mo ba yang mga yan kesa kay mama?!"
Umiling ako. "H-Hindi"
"Bumalik ka na agad dito, kailangan ka ni mama" sasagot pa sana ako nang bigla nalang naputol ang linya.
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfic[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019