LASING na ata silang lahat kase panay na ang tawanan nila at kung ano-anong kalokohan at bokingan na ang nagaganap dito sa loob. Nakasandal ako ngayon sa may pinto habang nakabantay slash nakikinig sa usapan nila......ayoko namang umupo dun katabi nila (kahit gusto naman) at makisawsaw baka kase kung anong isipin ng makakakita pag nakita akong ganun.
"Psst! Ok ka lang ba diyan? Di ka ba nangangawit kakatayo diyan sa labas?" natatawang tawag ni Namjoon sakin.
"Ahh kase sir ano.....ahm ok lang ako dito sir! Hehe" nakangiting sagot ko naman dito.
"Hindi ka ba naaawa sa PA mo Kookie??" napatingin naman ako kay Yoongi nang sabihin yun.
Ganun kabilis uminit ang mukha ko lalo na nang lingunin ako ni Kookie, medyo mapula pula na ang mukha nito at halatang madami nang nainom tsk tsk umiwas nalang ako nang tingin sa kanya
"Oo nga Kookie paupuin mo muna oh baka sayo makinig yan"
"Ok lang talaga ako dito Sir Jin ang totoo kase niyan inaabangan ko lang po si Sir Hobeom dito" tanggi ko talaga. AYOKO masyadong nakakahiya.
"Nah mukhang matagal pa yun" sagot naman ni Namjoon.
"Unnie nasan ka na ba?" naghihisteryong bulong ko na nakatingin sa hallway baka pauwi na yun.
Sa dami namin bakit ako lang ata ang nandito ngayon? Lahat ba sila umalis? Urghh kinakabahan ako nito eh.
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil nakatayo na pala si Jin sa likuran ko hawak ang isang baso--
"S-Sir?" pagtataka ko.
"Uminom ka muna wag kang mag-alala hindi nakakalasing ang isang baso" natatawang sabi niya. Natawa nalang ako dahil sa tawa niya.
"Woy hyung siraulo ka talaga" natatawang hinampas naman ito ni Jimin na lumapit sa amin.
"Trust me" pag-eenglish ni Jin na biglang kumindat juskolord.
Kinuha ko nalang to at inamoy muna. Naririnig ko pang kumakanta si Taehyung sa loob ng can you trust me,can you trust me jebal jebal.
"P-Pero kase.......ok" hindi ko nalang tinuloy ang sasabihin ko at ininom yun ng diretso kung saan nag wowoah naman sila Jin at Jimin.
PAG AKO NALASING.......
EWAN KO NALANG......
Nilingon ko naman si Jungkook na nakatingin pala sa gawi namin habang umiinom din sa baso niya....marahan akong napalunok dahil sa lasa ng ininom ko....ano ba to?
"Wag niyo ngang idamay yan sa pagiging lasinggero niyo" malakas na tawa ni Hoseok.
"Grabe ka naman hyung" lapit sa kanya ni Jimin at pinalo 'to
HARI NG PAMAMALO...PARK JIMIN hihi!
"Anong lasa?" abang si Jin sa sasabihin ko pero actually diko maexplain yung lasa.
Matamis na mapait tapos maanghang nung umabot na sa lalamunan.
"Nagtanong pa kung anong lasa" halos humagalpak na sa sobrang tawa si Hoseok haha lasing na talaga.
Nag thumbs nalang ako bilang sagot kase parang masusuka ata ako pero kailangan ko tong lunukin lahat noh.
"Ok naman" pinigilan ko nalang umasim ang mukha ko. First time kong uminom eh way atik. Pag nalaman to ni mama--as if namang sasabihin ko to kay mama hehe.
"Nilalasing nila PA mo oh!" sumbong naman ni Jimin sa kanya pero binalewala lang siya nito.
"Jungkookie kumanta ka naman para samin!"
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019