JIMIN'S POV[ Please assume that they speak in Korean ^____^ ]
"HAHAHAHA100×" malakas na tawa ko sa naging reaksyon ni Kookie.
Tsk tsk Kookie.
Akalain mo nga namang pinagsarhan pa kaming dalawa ni Mae ng pinto.
Nilingon ko si Mae na tulala pa sa ginawa ni Kookie sa pagdabog sa pinto nito.
"Hey" natatawa parin ako ngayon. "Mae!"
Nagulat ata siya at natutulirong nilingon ako. "S-Sir?"
Lumapit ako sa kanya habang pareho kaming nakatingin sa pinto ng kwarto ni Kookie.
"Sorry nga pala sa kaibigang yun alam mo medyo weird talaga yan pagdating sa mga babae." natatawang kwento ko.
"Ano dumiskarte ba siya sayo? Hinalikan ka ba niya?" nakangising tanong ko kay Mae.
"H-Ha?" nalilitong tanong niya
*toink!*
HINDI NGA PALA NIYA AKO NAINTINDIHAN.
"Aha!" turo ko sa hintuturo ko sa kanya. "Ahh....ahhh.... I s-said that....uhm..."
ANG HIRAP NAMAN NITO.
"Uhm...." iniisip ko pa ang English nun hehe.
ANG HIRAP TALAGA EH!
"Never mind" kindat ko nalang.
Nag-iwas siya ng tingin sakin na parang naiilang.
"I am not supposed to talk all of you casually sir...it's part of the contract." nahihiyang sagot niya.
ANO RAW??
Ano ba to di kami magkaintindihan. Dahil dun tumawa nalang ako, wala na kase akong maisip na sabihin eh. Actually marami pero mahirap i-english.
"Woy Jungkookie anue na?? Makikinig ka lang ba diyan sa loob?!!" pag-iiba ko.
"Hindi ako nakikinig!" sigaw niya.
HINDI DAW SIYA NAKIKINIG PERO SUMASAGOT HAHA!
Tsk tsk Kookie
"I have to go sir" nagsalita bigla si Mae at nagsimula ng maglakad palayo. Ngayon ko lang nakita ang mga bitbit niya
Isang basahan at vacuum cleaner
"Ah---Mae!" tawag ko at lumingon naman agad siya.
"Yes sir?"
"Ahh...." ano nga sasabihin ko?
Naghihintay siya sa sasabihin ko kaya yung unang naisip ko nalang ang sinabi ko.
"Mawawala kami ng tatlong buwan dito sa dorm,sana nandito ka parin pag-uwi namin," nakangiti at medyo seryoso na sabi ko.
Hindi siya nakasagot at parang sinusubukan pa niyang intindihin yun.
"O-Ok s-sir." tipid na ngiti niya at bumaba na.
Napailing nalang akong natawa sa sinabi ko.
"Woy mag-ayos ka na!" sigaw ko habang malakas na kinakatok ang pinto ng kwarto ni Kookie.
"Lumabas ka na wala na----" bago ko pa matapos yung sasabihin ko bumukas ang pinto.
"Ang ingay mo" blankong sagot niya
"Bakit ba ganyan ang ugali mo sa mga babae?" seryosong tanong ko.
"Ang ano ba?" halatang naiinis na siya
![](https://img.wattpad.com/cover/152080838-288-k644227.jpg)
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfiction[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019