Nawala ako sa pagkakalunod sa naiisip nang biglang maramdaman ang isang kamay ni Jungkook na nakahawak ngayon sa isang kamay ko."What's on your mind Mae?" nakangusong tanong niya habang dahan-dahang ipinagsiklop ang kamay namin. "Kanina ka pa tulala"
Napatitig ako sa mga kamay namin at hindi ko mapigilang di mapangisi sa ginawa niya. Nag-angat aio nang tingin sa kanya at nakita kong palipat-lipat siya nang tingin sa kalsada at sakin.
"Just focus on the road Jungkook...ayos lang ako"
"You're not even answering my question Mae...parang gusto kong mag-isip na galit ka parin sakin"
"Hindi ako galit Jungkook" umiling ako pero bumuntong-hininga siya. "Totoo nga"
"Ano pa bang pinag-usapan niyo ng lalaking yun huh? Mukha atang siya ang laman ng isip mo ngayon"
Napanganga ako. "Yun lang naman"
"Yeah" he snobbed teka aba.
"Are you jealous?" pabirong tanong ko
"Yes" madiin at diretsong sagot niya. Ok Mae please do something para di na siya magselos. Hindi parin ako makapaniwalang ganito si Jungkook sakin. Nasanay ako sa kasungitan niya noon-- Oo pero ang nakikitang nagseselos siya ay iba! Natatakot din ako. "I told you I cant help this jealousy over someone na pwedeng magkagusto sayo" o my god he's being possessive.
"Nagkataon lang na nagkita kami kase magkatrabaho kami Jungkook...y-yun lang talaga yun" pinisil ko ang kamay niya na pinagsiklop naming dalawa. Bumuntong hininga lang siya.
"Inaantok ka na? Are you tired?" malambing na tanong niya bigla sakin matapos niyang hindi magsalita kanina.
Umiling ako dahil ayoko pa namang matulog dahil mas gusto kong nakakasama nang ganito kaming dalawa lang. "Bakit?"
Bigla niyang inihinto ang sasakyan. Nagtaka ako sa ginawa niya at napatingin sa kalsada. Ngayon ko lang napansin na hindi ito ang daan papunta sa bahay ko. Nasa tabi kami ng kalsada kung saan kitang-kita doon ang madilim na dagat pero dahil sa mga ilaw ng mga gusali ay naliliwanagan ito. Wala ng tao dito...malalim narin kase ang gabi. Napatingin ako sa gilid nang bumukas ang pinto at lumabas siya para pagbuksan ako.
Nagtataka man pero diko magawang magtanong. Gusto ko ring makita ang tanawin nato..gustong-gusto ko talaga sa mga ganitong nakikita ko ang dagat kahit sa malayo lang. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi niya yun binitawan hanggang sa maglakad kami papalapit sa railings para makita ng mas klaro ang madilim na dagat. Lumilipad ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Napapikit ako dahil sa mabangong simoy nito. My kind of therapy back then.
Nagugulat ako nang hinapit niya ang beywang ko at ngayon ay nakayakap na siya sa likuran ko! Mahigpit niya akong niyakap patalikod at halos magsitindigan ang balahibo ko nang inihilig niya ang baba niya sa leeg ko.
"J-Jungkook..." naghihisteryo ang kalamnan ko!
"Kahit ilang minuto lang please? I just want to have this moment with you" napanganga ako sa sinabi niya. Sa tuwing nag-ienglish talaga siya i really find it hot. Now this is torture.
Madiin akong napalunok at hinayaan siya sa ganung posisyon namin. Hindi ko siya magawang lingunin dahil kapag lilingon ako ay paniguradong mahahalikan ko siya! Sa katangkaran niya hindi ba siya nangangawit kakayuko sakin dahil dito?
Napapikit ako nang lumakas na naman ang hangin at sinasalubong naming dalawa yun. Dahil sa medyo mahaba nang buhok niya ay lumilipad yun kasabay nun ay ang mabangong amoy nito. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
A FANGIRL'S Journal✔
Fanfic[JKK ff.] "Maaaring isa lang ako sa mga taong humahanga sa kanya, Pero sana ako 'yong isang taong mamahalin niya..." Start: June 6, 2018 End: October 29, 2019