Mahal pasensya ka na.
Patawarin mo ako kung hindi ko na kayang lumaban pa. Patawad kung ako dito ay hihinto na.
Dahil hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang hayaan ang sarili kong saktan mo pa.
Hindi ko na kayang lokohin ang sarili kong may magbabago pa.
Mahal oo tanggap ko na. Tanggap ko na sa simula pa lang "sya" naman talga. Walang ako, never naging ako.
Tanggap ko na, na ako'y isa lang constant na opsyon sa buhay mo.
Tanggap ko na din na ang salitang mahal mo ako ay hindi ko na kailanman maririnig galing sayo.
Mahal naghintay ako, hinintay kita. Kaya Wag mo sana akong sisihin o ang sarili mo. Sapagkat wala tayong pwedeng gawin kung hindi talga ako.
Sana pala noon palang pinalaya mo na ako, Ahh hindi sana una pa lang pinalaya ko na ang sarili ko. Sana hindi na ako nagmistulang bulag.
Sana hindi ganito kasakit. Sana nabigyan ko din ng pagkakataong mahalin ang sarili ko. Dahil mula ng mahalin kita mahal, pakiramdam ko'y unti-unti akong nauubos. Nakakapagod din pala. Nakakasawa din pala. Akala ko matatag na ako, oo matatag ako NOON. pero unti-unti akong pinahina ng pagmamahal ko sayo. Unti-onting nawala ako sa sarili ko. Nawala ko yong self worth ko.
I was Always confident BEFORE.
I was happy. I was loved.
I thought loving you would make me happier. But no, You broke me.
So I am asking for your permission to let me heal myself again.
Without you, without your help..
Babangon ako ng ako lang, dahil ako din ang gumawa sa sarili ko.
Kaya mahal patawarin mo sana ako.
Forgive me if I am ending it now, SORRY! But you know what? I'm even sorry for myself because I'm ending it, JUST NOW.

BINABASA MO ANG
Spoken words
ŞiirLahat ng nagmamahal nagpapakatanga pero hindi bat mas nakakatanga kung niloko ka na ay babalikan mo pa?. __author