Chapter 2: Marry Your Daughter

292 4 0
                                    

Chapter 2: Marry Your Daughter (ft. Marry Your Daughter by Brian McKnight)

-Ren's POV-

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatayo sa labas ng condo unit namin. Tae, ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? Sasabihin ko lang naman kay Tito Raffy na pakakasalan ko na si Joy. I have to tell him first bago i-announce ko ang engagement namin sa concert bukas. At first I was confident, pero bakit kinakabahan na ako ngayon? 

Huminga ako ng malalim. Come on Ren, don't be scared. Si Tito Raffy naman yun eh. Siya lang naman ang tatay ng bestfriend-turned-girlfriend-turned-fiance at soon-to-be wife ko tapos close pa sila ng Dad ko. I mean, what could possibly go wrong pag ganun ang sitwasyon?

Okay, Ren. Here goes. Inhale, exhale. Okay, you can do this.

~~

Sir I'm a bit nervous 'bout being here today

Still not real sure what I'm going to say

So bear with me please if I take up too much of your time

~~

I took out my phone from my pocket and dialled Tito Raffy's number. Bumalik na kasi sila nila Tita Joyce, Mommy at Daddy sa America pagkatapos ng isang linggo, birthday kasi ng younger sister ni Joy kaya sila umuwi dito.

Muli akong huminga ng malalim, ang bilis pa rin ng pagtibok ng puso ko. Lalo nga itong bumilis nang mag-ring yung kabilang linya eh. You can do this, Ren. Kaya mo yan.

(Hello?)

Gulp.

~~

See in this box is a ring for your oldest

She's my everything and all that I know is

It would be such a relief if I knew that we were on the same side

Cause very soon I'm hoping that I

~~

"H-hello po, T-Tito Raffy." Ayan ang napakaganda kong bati sa Daddy ni Joy. Tsk. Umayos ka nga, Ren! Agh.

(Oh Ren? Napatawag ka?)

 

"Uhm Tito," Napakamot ako sa batok ko. "Pasensya na po kayo sa abala, ha?"

(Okay lang yan, Ren. Bakit napatawag ka?)

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon