Chapter 25: Reunion

217 3 0
                                    

Chapter 25: Reunion

"Ren, nasa'yo na yung mga tickets natin?" tanong ko.

"Right here, Joy." Pinakita niya sa amin ang tatlong tickets namin mula sa maliit na bag niya. "Don't worry." At ngumiti siya sakin.

"Daddy! Daddy! Are we going to Japan now?" tanong ni Sammy na humihila sa pantalon niya.

"Haha. Yeah, Sammy. Papunta na tayo sa Japan. Maghintay ka lang," sagot naman ng Daddy Ren niya sabay buhat sa kanya.

"Weeee! Yes, Daddy!"

Natawa na rin ako. Nakakatuwa talaga tong batang to, kanina pa siya excited. Oo, nasa airport na kami, flight na namin papuntang Japan. Actually, mamayang 11:30 pa ng gabi yung flight namin, pero pumunta kami dito ng 11 palang para sigurado. Siyempre naman, ayaw naming maabsent sa kasal ng dalawang kaibigan namin.

Habang naghihintay, kumain muna kami sa foodcourt doon. Then after a while, nagkwentuhan kaming magkakabanda sa may waiting area habang naghihintay ng call time, si Sammy naman nakikipaglaro kay Manager Krishelle. Haha. Nakakatuwa lang tignan.

"Attention passengers, Flight 403 bound for Tokyo is now boarding. Please board the aircraft."

It's time.

"WAAAAAA! WE'RE GOING TO JAPAN NA! MOMMY! DADDY! LET'S GO NA!" sigaw ni Sammy sabay hila sa kamay namin ni Kuya Ren, dahilan para tumawa yung ibang mga kasama namin. Hahaha. Tong batang to talaga.

----------

"Mommy! Where's Lighning McQueen? Mommy, where is it?!" nagpapanic na tanong ni Sammy. Nakapasok na kasi kami sa loob ng eroplano at maayos na ang upo namin sa loob nang biglang magpanic yung bata.

"Ha? Akala ko ba nasa 'yo, Sammy?" nagtatakang tanong ko. Yung Lightning McQueen doll yung tinutukoy namin dito, binilhan kasi namin siya kanina bago kami dumiretso sa airport. Apparently, favorite toy na siya ni Sammy, lagi niya itong nilalaro simula nang mahawakan niya ito.

"No, it's not!" sabi ni Sammy.

"Baka naiwan mo naman sa upuan mo anak," sabi ko.

"Uwaaaaaaa! Mommy, let's find him!"

"Magpasama ka kay Daddy mo," sabi ko. "Sige na. Dalian niyo ha? Ren," Tumingin ako sa fiance ko. "Samahan mo naman tong bata, naiwan niya daw yung laruan niya sa lobby."

And without another word, lumabas ang mag-ama. Napabuntung-hininga ako. Kids can be so careless sometimes.

-Ren's POV-

"Ren," Napatingin ako sa fiance ko. "Samahan mo naman tong bata, naiwan niya daw yung laruan niya sa lobby."

"Daddy, let's find him!" dagdag ni Sammy.

"Ai ganun? Sige, lika na."

Hinawakan ko yung kamay ni Sammy tapos lumabas kami ng eroplano, bumalik kami sa terminal kung saan kami nagstay kanina bago kami nagboard ng eroplano. Buti na lang at nakita namin yung Lightning McQueen doll niya sa pinag-upuan namin kanina.

"Lightning!" sigaw ni Sammy habang yakap-yakap niya yung doll. "Daddy, I found him! Let's go na!"

"Attention passengers, Flight 403 from Manila to Tokyo will be departing in three minutes. All passengers who are not yet aboard are encouraged to make your way to the gate."

"Sige," sabi ko. "Lika na."

Dali-dali ko siyang binuhat at tumakbo ako papasok ng eroplano namin.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon