Chapter 10: Her Ex

210 2 0
                                    

Chapter 10: Her Ex

-Joy's POV-

"Mommy! Look!"

Napatingin agad ako kay Sammy sa na nakaupo sa may pintuan ng kwarto ko, nakakalat sa paligid niya ang ilang piraso ng crayola at nakatabi lang sa isang gilid ang kahon ng mga ito. Nang mapansin ng bata na nakatingin na ako sa kanya ay may ipinakita siyang isang bond paper na may drawing. Napangiti ako, nagdrawing siya ng picture naming tatlo kasama si Kuya Ren. Ang sweet lang.

"Awwww! Is that for me, Sammy?" nakangiting tanong ko.

Masiglang tumango yung bata. "Uh-huh! Mommy Joy, I wanna show Daddy Ren!"

Ngumiti ako sa kanya. "Sige, anak. Tara, puntahan natin si Daddy."

"Okay!"

Binuhat ko si Sammy palabas ng kwarto ko at pumunta sa kabilang kwarto, saktong nandun ang fiance ko, tumutugtog sa bagong gitara niya habang nakaupo sa kama. Pagkababa ko kay Sammy, tumakbo kagad siya papunta sa Daddy niya.

"DADDY! DADDY!" sigaw niya.

"Oh bakit, baby ko?" Binaba ni Kuya Ren yung gitara niya at binuhat si Sammy.

"Daddy, look!" Pinakita ni Sammy yung drawing niya.

"Wow naman. Ang galing naman ng anak ko oh!" Ngumiti siya kay Sammy.

Maya-maya, yumakap si Sammy sa kanya ng mahigpit, dahilan para ngumiti rin ako. Ang cute talagang tignan ng mag-amang to.

"Mommy! Come here!" sabi ni Sammy.

"Bakit anak?" Lumapit ako sa kanilang dalawa.

Bigla akong hinila ni Sammy palapit sa kanila ni Kuya Ren. "Mommy, hug us too!"

I chuckled. "Haha. Okay." Yumakap ako sa kanilang dalawa. Now we're all hugging each other. Ang sarap lang sa pakiramdam, para kaming totoong pamilya kung titignan kami.

"Sammy baby, gusto mo bang idikit natin to sa wall?" tanong ni Kuya Ren.

"YES, DADDY!" sigaw ni Sammy. Tumawa na lang kaming dalawa ng fiance ko. Haha. Tong batang to talaga.

*Ding-dong!*

Hm? Sino kaya yun?

*Ding-dong!*

"Coming!" sabi ko. Lumabas ako ng kwarto ni Kuya Ren para tignan ko kung sino ang bumibisita sa condo unit namin.

*Ding-dong!*

Pusang gala, ang kulit naman neto. Kung maka-doorbell wagas eh.

"I'm coming! I'm coming!" sabi ko na mejo naiirita na sa paulit-ulit na pagdodoorbell.

Binuksan ko yung pintuan.

"Hello, Joy." Isang lalaki ang bumungad sakin sa pintuan ng condo unit namin.

Wait a second, he kinda looks familiar. Did I meet him somewhere?

Tinignan ko siya nang mabuti mula ulo hanggang paa, parang pamilyar talaga siya sakin eh.

And upon realizing who the guy was, nanlaki ang mga mata ko.

"J-Jay?"

Literal na napanganga ako. Pusang gala, si Jay Zukomai. Ang ex-boyfriend ko. The guy who broke my six heart years ago. Why is he here?

Natawa si Jay. "Buti naaalala mo pa ako. Kumusta ka na, Joy?" tanong niya.

"Ano, okay lang naman. Ikaw?" Pusang gala, bakit siya nandito?

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon