Chapter 16: Fight

234 1 0
                                    

Chapter 16: Fight

-Joy's POV-

"I hate you, Ren! I hate you and I never want to see you again!"

Tumakbo ako palabas ng pavilion para walang makakita sa mga luha ko na kanina pang tumutulo. That stupid jerk. I hate him! I hate him for hurting me! And I'll never forgive him for that! I hate him! I hate him! I HATE HIM!

"Joy? Joy, sandali lang! Wait!"

"Ren, pwede ba? Ayaw muna kitang kausapin! Please lang!"

"Joy, it's me, Jay!"

Lumingon ako sa likod ko, si Jay nga. Dali-dali kong pinunasan yung mga luha ko para hindi niya makita.

"O, bakit?" I asked as casually as I can.

"Joy, you don't have to put on a brave face in front of me," sabi ni Jay. "I was there with you, remember? Alam ko naman na ang nararamdaman mo kaya okay lang yan. Handa naman akong makinig sa'yo eh."

Dahil sa sinabi ni Jay, napabuntung-hininga ako at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko mula sa mata ko. Nakakainis.

"B-Bakit ganun, Jay?" tanong ko. "Bakit niya ito ginawa sa akin? Saan ba ako nagkulang?"

"Aww, I'm sorry this is happening to you, Joy. Hindi ko rin alam eh," sagot ni Jay sabay hagod ng likod ko. "Basta kung kailangan mo ako, nandito lang ako, okay?" At ngumiti siya sakin.

I wiped my tears. "Uy Jay, salamat, ha? Ano ba yan, nakakahiya tuloy sa'yo."

"Naku, wala yun. Ikaw naman, para namang wala tayong pinagsamahan. Do you need a hug?" Jay asked.

"Well...okay, I guess."

And with that, niyakap ako ni Jay. Nakakatuwa lang isipin na kahit wala na kami, nandun pa rin yung pag-care niya sa akin.

Pero ilang sandali pa'y nakita kong hinatak ni Ren si Jay palayo sakin at bigla na lang niya itong sinuntok, dahilan para matumba si Jay. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Ano bang problema mo, ha?" sigaw ni Jay at tumayo siya para gantihan ng suntok si Ren.

Then the next thing I knew, the two were soon fighting, dahilan para magsilabasan ang ibang mga tao na nasa loob ng pavilion. Yung iba, nagulat, yung iba, nagbubulungan, yung iba naman, vini-video pa ang nangyayari. Pambihira, nakakahiya.

"Bes!" Nakita kong tumakbo papunta sakin si Thine kasama yung ibang mga kabanda ko. "Okay ka lang? Anong nangyayari? Bakit nakikipagsuntukan si Kuya Ren?"

"Teka, hindi ba si Jay yun? Yung ex-boyfriend ni Joy?" nagtatakang tanong naman ni Miles.

"Hala, oo nga," dagdag ni Ate Aims. "Joy, ano bang nangyayari? Bakit sila nag-aaway?"

"Joy? Are you okay?" tanong naman ni Hale.

"It's a long story, guys," I said coldly.

"Bakit, bes?" concerned na tanong ni Thine sakin. "May nangyari ba sa inyo ni Kuya Ren? Ni Jay? What happened? Please bez," She held my hands. "Sabihin mo naman sakin. Bestfriend mo naman ako, di ba?"

"Girl, what's wrong?" sabi naman ni Miles.

"Oo nga, Joy. C'mon, you can tell us," sabi ni Hale.

"Guys," nanghihinang sabi ko. "Pumasok muna kayo sa loob. Don't worry, sasabihin ko rin ito mamaya sa inyo, wag muna ngayon."

At first they hesitated, pero walang isang salita'y pumasok rin yung mga kabanda ko, halatang gusto pa nila akong tanungin tungkol sa nangyari samin ng fiance ko.

Ilang sandali pa'y napatumba na naman ni Ren si Jay, and this time, he pinned him down.

"Pwede ba, Jay?" sigaw ni Ren. "Wag ka ngang mangialam samin! Wala kang alam dito! Alam mo na ngang may relasyon kami tapos panay papansin mo pa rin sa kanya! May balak ka bang ahasin siya sakin? Gago ka ba?"

"Mas gago ka, Kuya Ren!" sigaw rin ni Jay habang nagpupumiglas. "Kino-comfort ko lang yang FIANCÉE mo dahil sinaktan mo siya! Nasaktan siya dahil sa'yo!"

Sinuntok ulit ni Ren si Jay habang nakahiga pa rin ang huli. And this time, umepal na ako. Baka mamaya magpatayan pa tong mga to eh.

"JAY! REN! TAMA NA!" Pinilit kong awatin si Ren pero bigla niyang nasiko ang ulo ko, dahilan para mapaupo ako sa semento. "ARAY!"

"Joy! Ayos ka lang ba?" sabi ni Jay. Tumayo siya at pupuntahan na niya sana ako nang biglang hinila ni Ren ang kamay niya para pigilan siya.

"Hoy ikaw, layuan mo nga siya. Ako dapat ang lumalapit sa kanya."

"Anong layuan? Tignan mo nga yung ginawa mo sa kanya! Wala ka talagang kwenta!"

Biglang sinuntok ulit ni Ren si Jay, dahilan para dumugo ang labi niya.

"Ren, ano ba? Tama na nga yan!" sabat ko. "You should know better! Hindi mo ba naiisip na pwede kang maiskandalo dahil diyan sa pinaggagawa mo, ha? Nakakahiya ka!"

"Eh kasi naman yang tarantadong yan eh! Alam na ngang may karelasyon na tapos panay papansin pa rin!"

"Ren, tama na! Si Jay nangco-comfort lang, eh ikaw? I can't believe you would do this to me! Kung may gusto ka pa rin sa ex mo, sabihin mo sa akin hindi yung ganito!"

Nagsisigaw na ako dito habang umiiyak. Ang sakit-sakit na talaga.

"Love, ano ba yang pinagsasabi mo? I love you! Ikaw ang gusto ko! Alam mo naman yun, di ba?"

"Joy, tama na muna yan. Hayaan mo na muna siya," sabi ni Jay sabay hila sa braso ko.

Nang magsimula na kaming maglakad palayo sa kanya, nakita kong akmang susugurin na naman ni Ren si Jay pero pinigilan siya nila Thine. Mabuti na rin yun para hindi lalong lumala ang away nilang dalawa.

I know, I've got a lot of explaining to do later. At oo, alam kong magiging headline ito ng balita kinabukasan. Hay naku.

"Joy?"

"Yes?"

"I was wondering ano, pwede ba tayong lumabas bukas?"

"Are you asking me on a date? Kasi kung oo, sorry pero I'll have to decline."

"Uy hindi ah," sagot ni Jay. "Wala lang, para maaliw ka lang." Then he smiled sheepishly.

I chuckled. "Sure ka ba diyan?"

"Ayan, napangiti ka rin," He gently pinched my cheeks. "Mas maganda ka talaga pag nakangiti ka, Joy. I really like it when you smile." At ngumiti siya sakin. "So what do you say, Joy? Pwede ka ba bukas?"

Pinag-isipan ko nang mabuti ang inalok sakin ni Jay. Siguro kung wala lang kaming past at kung wala lang akong fiance ngayon ay pumayag na ako sa alok niya. Pero naisip ko din, a date, with my ex-boyfriend? But then again, right now, I need comfort. Right now, I need someone to talk to. And right now, I need HIM. Hindi naman siguro masama, di ba?

Ngumiti ako ng mahina sa kanya. "Tignan ko lang."

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon