Chapter 40: A Month Later

188 1 0
                                    

Chapter 40: A Month Later

"Merry Christmas, guys!" masiglang sabi ni Thine samin.

Nakaupo kami ngayon sa malaking sofa ng sala namin habang nagkwekwentuhan. Well, that is, hanggang sa binati na kami ni Thine. December na ngayon, December 25 to be exact dahil kani-kanina lang ay pumatak na ng alas-dose ang orasan namin. Pasko na.

"Oo nga, alas-dose na. Merry Christmas din, guys!" sabi ko sa mga kabanda ko.

"Merry Christmas, Joy ko. Lika nga dito," bulong ng fiance ko sabay halik sa pisngi ko.

"Oh, ano pa ba ang hinihintay niyo? Tara na! Ready ata na ang Noche Buena natin!" sabi ni Hale.

"Sige ba!" sabi naman ni Ate Aims.

Papunta na sana kami sa dining room para kumain nang biglang nag-ring yung doorbell namin.

"I'll get it!" sabi ko. Pumunta agad ako sa pintuan at binuksan ko yun.

"Mommy! Merry Christmas!" bati sakin ng isang matinis na boses. I smiled widely, guess who came over for Noche Buena.

"Sammy!"

Umupo ako at niyakap ko siya nang mahigpit. Isang buwan na ang nakalipas simula nang mawala si Sammy sa amin, sa bahay na nila Sir Ken kasi siya nakatira pagkatapos nung gabing yun. Pero nakakatuwa lang, kasi sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin kami nakakalimutan, halos araw-araw kasi ay bumibisita siya sa condo unit namin. At ngayon, magcecelebrate kami ng Pasko na kasama siya.

"Sammy! Ikaw ba yan?"

"Daddy!"

Agad na tumakbo papunta si Sammy kay Kuya Ren na agad naman siyang niyakap nang mahigpit at binuhat. Hindi ko napigilang ngumiti, in fairness, namiss ko ang bonding moments ng mag-amang yun.

"Kumusta ka na, Sammy?" nakangiting tanong ni Kuya Ren. "Ang laki mo na ah!"

"I'm fine, Daddy! Guess what, Grandpa Ken gave me a bike!"

"Talaga?" Masiglang tumango ang bata. "That's great!"

"Sammy!" biglang sabi ni Thine.

"Hi, Ate Thine!"

Kinuha ni Thine si Sammy kay Kuya Ren at niyakap niya rin ito nang mahigpit, close na close yang dalawang yun eh. Although mga Ate at Kuya ang turing ni Sammy kay Manager at sa mga kabanda ko, si Thine talaga ang pinakafavorite niya sa kanila.

"Kumusta ka na, baby?" tanong niya. "Nagpapakabait ka ba kay Lolo Ken mo?"

"Yes, Ate!"

At ngumiti siya nang malapad, dahilan para ngumiti rin ako. Aaminin ko, namiss ko yung mga ngiti ni Sammy. Ang cute-cute niyang ngumiti eh.

"Guys, kain na ta---Sammy! Hello!" sabi naman ni Hale.

Kinumusta na rin nila Miles, Ate Aims at Hale si Sammy. I have to admit, miss na naming lahat si Sammy. Nakakatuwa kasi siyang kasama eh. Sayang nga lang at wala si Manager Krishelle dito, kasama niya kasi ang pamilya niya. Lagi pa naman niyang nilalamog yung bata tuwing nandito siya. Haha.

"Sammy baby, let's eat na," sabi ko sa kanya.

"Yes, Mommy!"

Nagsimula na kaming kumain ng Noche Buena. Gaya ng dati, umupo si Sammy sa pagitan namin ng fiance ko. Pagkatapos naming kumain, umupo kaming lahat sa baba ng Christmas tree namin para sa mga regalo, ganun lagi ang ginagawa namin every year. 

And guess what, nung namention namin na gift-giving na, dali-daling tumakbo si Sammy mula sa dining room papunta sa Christmas tree bago pa kami makatayo mula sa mga upuan namin, excited ata. Haha.

----------

"To Baby Sammy," sabi ni Hale, binabasa niya yung gift tag sa isang regalo. "From Daddy Jhun Ren."

Nakita kong parang kuminang ang mga mata ni Sammy, mejo malaki kasi ang nakabalot na regalo. "That's mine?" tanong niya.

"Yes baby, that's yours," sabi ko. "Oh, what will you say to Daddy Ren?"

Agad na tumayo si Sammy at niyakap niya si Kuya Ren, pagkatapos nun ay umupo siya sa lap ng Daddy niya habang hawak-hawak niya ang regalo niya. Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan sila, ang cute talaga nilang tignan.

"Daddy Ren! Can I open it now?" tanong ni Sammy.

"Sure, baby!" sabi naman ng fiance ko.

Agad namang binuksan ni Sammy yung regalo niya.

"WOW!" bulalas ng bata sa nakita niya. "GUITAR HERO!"

"Naks naman!" sabi naman ni Miles at ngumiti ito sa kanya. "Magiging parang Jhun Ren ka na rin ah!"

"Wow Sammy," sabi ni Thine. "Gagayahin mo si Daddy?"

Tumango si Sammy nang mabilis. "Yup! I wanna be just like Daddy! Di ba, Daddy?"

"Oo naman, baby," sabi ng fiance ko sabay pat ng ulo ng bata. "Sinong gwapo?"

"Ako!" sabi naman ni Sammy at ngumiti sabay pogi sign.

Napailing ako. Hay naku, kung ano-ano na lang ata ang tinuturo ni Kuya Ren sa anak namin. No wait, scratch that, hindi pala namin siya anak. Well, actually, he never became our son in the first place. Pero kahit ganun, tuwing nakakasama namin siya, feeling ko ay anak pa rin namin si Sammy.

Tumawa kaming lahat. "Gwapo, ka Sammy?' tanong ko.

"Kasinggwapo ko si Daddy Jhun Ren," sabi naman ni Sammy sabay ngiti ulit.

"Naks naman!" sabi ni Thine. "Pero siyempre, mas gwapo tong baby Sammy ko!" Tapos kinurot niya yung cheeks ni Sammy.

Nagtawanan na naman kami. Pagkatapos nun ay hinatid namin si Sammy sa bahay ng Lolo niya.

----------

"Joy," tawag sakin ng fiance ko. Nakaupo na kami ngayon sa kama namin, matutulog na kami.

"Hm?"

"Si Jay, tanong ko lang," sabi niya at umiwas siya ng tingin. "M-mahal mo pa ba siya?"

Kumunot ang noo ko. "Paano napunta si Jay sa usapan natin?"

"Di ba," He looked at me. "Boyfriend mo pa rin siya?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya. Tsk. Nakalimutan kong sabihin sa kanya nung gabing kinonfront ko siya na kahit kailan ay hindi naging kami ng ex-boyfriend ko kahit na nanliligaw siya sakin nun.

"Ano? Mahal mo pa ba siya? Eh ako? Mahal mo ba ako?" sunud-sunod na tanong niya.

"Ren, actually, he never became my boyfriend that time," sagot ko. "Kahit na nanliligaw siya sakin nun ay hindi ko siya sinasagot. At anong klaseng tanong yan? Of course I love you!"

"H-ha? Hindi naging kayo ni Jay? So, ex mo talaga siya? So, wala na talaga kayo?"

"Ren ko, kahit kailan ay hindi naging kami. He never became mine. At oo, wala na talaga kami, matagal na. It's gonna be just you and me."

Nakita kong nag-lighten up ang mukha niya at unti-unting namuo ang isang ngiti sa labi niya. "So Joy ko, you're mine again?" He held my hands and looked into my eyes. "Forever?"

"Yes, Ren ko. Forever and for always."

And that night ended with a kiss. 

And so today, December 25, Jhun Ren Sonoh and I are together again. Officially.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon