Chapter 11: Rhythm Guitarist

211 1 0
                                    

Chapter 11: Rhythm Guitarist

"Ren, si Hale asan?" tanong ko kay Kuya Ren. Nakita kasi namin sina Thine, Miles at Ate Aims sa kani-kanilang mga kwarto nila, pero si Hale, wala siya. And we had an agreement kanina na we can't tell them about the Class Reunion hangga't kumpleto sila. Hello? He's our friend too, you know.

"Hale? Asan ka?" tanong ko.

"Hale?" dagdag ni Kuya Ren.

Asan na nga ba si Hale? Wala siya sa sala, wala din siya sa kusina. Saang lupalop ba napadpad yung lalaking yu---

~~

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw . . .

~~

Napatigil ako nang makarinig ako ng boses ng isang lalaking kumakanta, galing siya sa Music Room namin.

"Ren, sino yan?" tanong ko sa fiance ko, pero feeling ko alam ko na kung sino yun.

"Ewan ko. Tara tignan natin."

"Sige."

Pumunta kami sa Music Room kung saan nadatnan namin si Hale na naggigitara at kumakanta. OMG. Si Hale ang kumakanta? Weh?

~~

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa'yo . . .

~~

"Wow Hale," sabi ni Kuya Ren.

Napatigil naman si Hale sa pagtugtog nang makita niya kami, nahiya ata sa amin. Haha.

"Marunong ka palang maggitara Hale. That's so awesome!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Oo nga. Naks naman. Sinong nagturo sa'yo, Hale?" tanong naman ni Kuya Ren.

"Nung nasa America pa kasi ako, tinuruan ako ng classmate ko na maggitara. Kaya yun," sagot ni Hale sabay kamot sa batok niya. Hahaha. Nahihiya siya! Ang cute!

"Naks naman. Pwede ka nang sumali sa banda!" sabi ko.

"Talaga? Teka, di ba si Kuya Ren at Miles yung mga gitarista niyo?" sabi ni Hale.

"Well Hale, ako yung lead guitarist, tapos si Miles yung rhythm guitarist. Nung nakita kitang naggigitara, naisip ko tuloy na magkaroon kami ng isang male at isang female rhythm guitairst," sabi ni Kuya Ren.

"Hey, that's a great idea, Ren! Wag kang mag-alala, there's still room for one more guitarist, and it looks like ikaw ang may potential," sabi ko.

"So what do you say?" tanong ni Kuya Ren. "Will you join Double J and the Music Cuties?"

He didn't answer for a few seconds, pinag-iisipan niya muna ata yung sagot niya. Please say yes. It would be awesome for Double J and the Music Cuties to have one female and one male rhythm guitarist. Benta talaga tong naisip ni Kuya Ren, promise.

"Sure!"

Hindi ko napigilang ngumiti ng wagas. Awesome! May rhythm guitarist na ang Double J and the Music Cuties!

"That's great, Hale! Welcome to the band, Hale Shisuka!" sabi ko.

"Hehe. Thanks!" sagot naman ni Hale. Awwww, mukhang nahihiya pa rin siya samin. Haha. Ang cute lang eh.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon