Chapter 26: Preparations

201 1 0
                                    

Chapter 26: Preparations

Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na yung fiance ko sa tabi ko. Mukhang maagang nagising si Joy ah. Asan na kaya siya? Hm, baka nasa kwarto nila Thine, sigurado akong nakikipagkulitan na naman siya sa mga yun. 

Bumangon na ako tapos pumunta sa kabilang kwarto. Wala rin si Joy dun. Teka, wala din si Sammy. San kaya napunta ang mag-ina? At bakit wala rin si Manager Krishelle? Maaga bang nagising yung tatlong yun o sadyang late lang akong nagising?

"Thine? Asan sina Joy at Sammy?" tanong ko sa bestfriend niya.

"Ah, pumunta sila sa parke, kasama nga nila si Manager Krishelle."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Parke? Saang parke?"

"Sa labas lang, may parke kasi sa tapat ng hotel natin."

"Grabe. Di man lang nila ako sinama."

Tumawa si Thine. "Eh pano naman kasi, kanina ka pa nila ginigising kanina kaso ayaw mo daw na bumangon kaya yan tuloy. Haha."

Ginigising nila ako kanina? Eh bat wala akong naramdaman na may kumalabit sakin kanina habang natutulog ako? Tsk. Ang himbing siguro ng tulog ko. Kaya pala mag-isa na lang ako sa kwarto kanina nung nagising ako.

"So andun pa rin sila?" tanong ko.

"Siguro, di pa sila bumabalik dito eh."

"Ah, sige then."

Bumalik ako sa kwarto namin para magbihis. Pagkatapos nun ay lumabas ako ng hotel para pumunta sa parke. Turned out that Thine's right, may malaking parke nga sa tapat ng hotel namin. Sa katunayan, marami na ang mga taong tumatambay dito.

"Sammy! Come down!"

"But Mommy! I wanna climb some more!"

"Oh, just be careful, okay? Mahulog ka mamaya jan eh."

"I will, Mommy! Ate Krishelle, look oh!"

"Wow! Ang taas naman ng inakyat mo, Sammy!"

Boses nina Manager, Sammy at Joy yun ah. So andito na nga sila, at mukhang nag-eenjoy pa sila. Ang daya nila, hindi man lang nila ako tinawag kanina. Tsk.

"Joy?" sabi ko.

"Ren?" sabi ni Joy.

"Ren!" sabi rin ni Manager Krishelle.

"Daddy!" sabi naman ni Sammy. Pero asan nga ba si Sammy? Bakit hindi ko siya nakikita?

"Joy, si Sammy?" tanong ko.

"Daddy up here! Look!" sigaw ni Sammy.

Tumingin ako sa taas, umakyat pala ang anak ko sa isang mataas na puno.

"Sammy! How did you get up there?" tawag ko sa bata.

"I climbed it, Daddy!" Sabay ngiti ni Sammy.

Ngumiti rin ako sa kanya. "That's great!"

Tumingin naman ako kay Joy na nakatingin rin kay Sammy. "Grabe ka. Bat di mo ako ginising?"

"Anong di ginising mo jan? Ginigising kaya kita kanina."

"Eh bat wala akong naramdaman kanina?"

"Hay naku, ang sarap siguro ng tulog mo."

"Di mo ata ako ginising eh."

"Ai ewan ko sa'yo, Ren. Bahala ka na nga jan."

"Sus," I slid my arm around her waist. "Eto naman, tampo agad."

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon