Chapter 30: Cold

200 1 0
                                    

Chapter 30: Cold

-Joy's POV-

Isang linggo na ang nakalipas since pumunta kami sa sementeryo. Okay naman kaming lahat, pero may napansin ako sa ugali ni Kuya Ren. Bakit parang unti-unting nagiging cold siya sakin? Parang nawawala na ang pagiging malambing niya, ni pagyakap di na niya nagagawa. Tapos minsan, nakikita kong may kausap si Kuya Ren sa cellphone tapos maya-maya, aalis siya nang hindi man lang magpaalam sa akin. Ano na ang nangyayari sa kanya?

"Mommy?"

Napatingin ako kay Sammy. Nakaupo kasi ako ngayon sa sala namin habang nanonood ng TV.

"Yes, anak?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. "Mommy, where's Daddy?"

"I don't know."

"Mommy, why is Daddy always going outside alone?"

Napabuntung-hininga na lang ako. See? Pati anak namin nakapansin sa pagiging cold ni Kuya Ren.

"Di ko talaga alam eh," nanghihinayang na sagot ko. Aish. Bakit parang nalulungkot ako? Dahil lang ba sa ganun eh malungkot na agad? Di ba pwedeng alamin muna ang dahilan kung bakit siya ganun? Malay mo, busy lang talaga siya. Pero miss ko na kasi siya, isang linggo na siya ganun eh. Miss na miss ko na siya.

"Bez? Bakit?" biglang tanong sakin ni Ate Aims. Galing siya sa kusina.

"Wala," pagsisinungaling ko, saktong umalis na si Sammy. Ayoko kasing mag-alala sina Manager at mga kabanda ko sakin kaya hindi ko sinasabi ang problema naming dalawa. Besides, kaya ko naman siguro tong lutasin.

"Anong wala? Halatang may problema ka eh." Umupo siya sa tabi ko. "C'mon, girl. Tell me."

Napabuntung-hininga ako. "Si Ren kasi," mahinang sabi ko.

"Oh ano?" tanong ni Ate Aims. "Ano na naman ang problema niyo ng labs mo?"

Nagawa ko pang ngumiti ng mahina sa kanya kahit na sa totoo lang ay nanghihinayang ako sa inaasal ng fiance ko. Aaminin ko, kahit mga baliw tong mga Music Cuties pag kasama ko sila, mga true friends ko naman sila kasi tuwing nag-aaway kami ng fiance ko, sila yung sumasalo sakin. Kung minsan nga pinapagalitan nila si Kuya Ren dahil pinapaiyak niya na naman daw ako.

"May napapansin ako sa kanya eh," sabi ko sa kanya.

"Ano naman yun, Joy?"

"Nagiging cold siya sakin eh."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ate Aimskie. "Ha?" parang gulat pa na tanong niya.

"He's becoming cold, Ate Aims. At nag-aalala na ako sa kanya dahil dun."

"Oh my gosh. Hindi kaya?"

"A-Ano?" nauutal na tanong ko. Aish. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ate Aims. Bakit ganun?

"Sign kasi yan eh. Sign yan na---"

"Ano ba kasi yung sign na yun, ha?" Hindi ko na napigilang taasan siya ng boses. Kainis lang kasi eh, binibitin ba naman ako dito, kita niyang kinakabahan na ako eh. Argh.

Maya-maya, lumapit sakin si Ate Aimskie tapos may binulong siya sa tenga ko.

"Sign yun na baka may mahal siyang iba."

Bigla ko siyang natulak sa gulat ko. "Wag ka ngang mag-joke ng ganyan!" saway ko sa kanya. "Hindi yan nakakatuwa, ha!"

"Joy, di ba sabi mo na nagiging cold na siya sa'yo?" seryosong tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. "Yang pagiging cold niya sa'yo, sign na yan na hindi ka na mahal ng tao. Kung cold siya sa'yo, naku girl. Tsk tsk tsk." At umiling pa siya.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon