Chapter 32: Bad News

187 1 0
                                    

Chapter 32: Bad News

"Isang masaklap na pangyayari ang sumapit sa isang miyembro ng bandang Double J and the Music Cuties dahil kaninang hapon, natagpuang nakahandusay sa semento ang Keyboard Wonder nila na si Joy Rhea Ruiko na duguan ang noo at wala nang malay sa may bandang likuran ng SM Mall of Asia. Isinugod na kani-kanina ang keyboardista sa St. Luke's Medical Center . . . "

Napabuntung-hininga na lang ako habang pinapakinggan ko ang balita sa radyo ng taxi na sinasakyan ko. Balitang-balita na ang nangyari sa fiance ko kanina. Hayy. Kumusta na kaya siya? Nag-aalala na ako ng husto sa kanya eh.

"Manong," sabi ko.

"Ano yun, hijo?" tanong sakin ng taxi driver na nasa harapan ko.

"Pwede po bang palitan yung pinapakinggan niyo sa radyo?" request ko. "Nakakaano kasi eh. Nakaka, hayy."

Tila naintindihan naman ni manong driver ang sinasabi ko kaya pinatay na lang niya yung radyo niya.

"Ren." Lumingon siya sakin, saktong red na yung traffic lights. "Pasensya ka na sa girlfriend mo ha?"

Ngumiti ako ng mahina sa kanya. "Salamat po."

"Alam mo hijo," sabi pa ni manong driver. "Kilala kita eh. Ikaw si Jhun Ren di ba? Yung sikat na gitarista?" Tumango ako. "Ikaw pala yung gitaristang sinasabi ng anak ko. Alam mo, gustong-gusto ka niya. Gwapo ka daw kasi, magaling maggitara, magaling kumanta."

Napakamot ako sa batok ko. "Hehe. Talaga ho?"

"Oo," nakangiting sagot ni manong driver at nagmaneho ulit nang makita niyang green na yung traffic lights. "Lagi niyang pinapakinggan yung mga kanta ninyo pag nasa bahay yan. Kaya Ren, magpakatatag ka para sa girlfriend mo. Nandito lang kaming mga tagasuporta mo sa likod mo."

Ngumiti ako sa kanya, kasabay nun ang bahagyang pagluwag ng loob ko. Masarap pala ang feeling na marami kang karamay pag may problema ka. At that instant, I felt thankful that I have fans na hindi lang gusto ang musika ko o ang musika namin, kundi mga fans na handang dumamay sa'yo pag mababa ka. Wala eh, sikat eh. Haha.

I shook my head violently and winced. Ano ka ba, this is not the right time to think of such things! Nasa bingit na nga ng kamatayan ang fiance mo tapos nagawa mo pang mag-isip ng mga ganung bagay. Ang tanga mo talaga, Jhun Ren. Tsk.

"O siya," sabi sakin ni manong driver. "Nandito na tayo. Ren, tandaan mo ang sinabi ko ha? Kaya mo yan." Ngumiti siya sakin.

Pagkatapos kong nagbayad, bumaba muna ako ng taxi saka ngumiti rin sa driver. "Salamat ho."

Nasa ospital na ako. Oo, ako lang ang pumunta sa ospital. Iniwan ko si Sammy sa condo kasama ang mga kabanda ko. Sinabi ko na rin ang masamang balita sa kanila. Siyempre, nag-alala rin sila ng husto para sa bestfriend nila, lalo na si Manager Krishelle. Sinabi nila na bukas daw sila pupunta dito.

Nakaupo lang ako sa may waiting area nang may pumasok sa entrance, si Jay. And why does he look so serious?

"Jay? Nabalitaan mo?" tanong ko sa kanya.

He's not responding, seryoso pa rin ang tingin niya. Bigla akong kinabahan, that's not a good sign. Ewan ko ba kung bakit, pero parang may mali. Malakas ang kutob ko na may malaking mali.

"J-Jay," sabi ko. "Anong nangyari?"

"K-Kuya Ren," Yun lang ang sinagot ni Jay.

"J-Jay? A-Anong nangyari?" nauutal na tanong ko. Tae, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba.

"I drove the car, Kuya Ren," mahinang sagot niya at umiwas siya ng tingin. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ult. "I drove the car that hit your fiance."

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon