Chapter 29: Undas

225 1 0
                                    

Chapter 29: Undas (ft. The Last Waltz by Engelbert Humperdinck)

Gaya ng pinangako samin ng twin brother ko five years ago ay nakapasyal na rin kami sa Odaiba kinabukasan. Umaga palang ay pumunta kami doon para mas sulit, the next day kasi ay babalik na kami ng Pilipinas. Gaya ng dati, dinumog kami ng mga fans namin doon, mejo nagkahassle pa nga sa dami nilang nakihalubilo sa amin, pero in the end enjoy naman yung trip namin.

Ang una naming pinuntahan sa Odaiba ay ang Aquacity. Well, actually, kinulit kami ng mga bata na yan ang unang puntahan namin dahil meron daw siyang sinehan, isang shopping mall kasi ang Aquacity. Pinagbigyan naman namin sila at nanood kami ng Frozen doon. Aliw na aliw nga ang mga bata sa palabas eh, pati si Sammy nag-enjoy din. Pagkatapos nun ay kumain kami ng masarap na ramen noodles sa fifth floor nito.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa Leisureland. Si Jun naman ang nag-suggest nito, dito daw kasi sila naglalaro ng mga dating classmates niya noong High School tuwing walang pasok. It turned out na tama siya, pangalan palang, maganda na yung lugar. Meron kasi siyang malaking game arcade, bowling alleys, slots, batting cages, darts, table tennis at iba pang sports games, isang bagay na ikinatuwa ko. Siyempre, matao siya, pero okay lang naman samin yun. Enjoy ko ngang kalaro sina Jun, Shun at Hale eh.

There is also a ninja illusion house, a haunted house and a food court. Haha. Naalala ko tuloy, sigaw ng sigaw yung mga babaeng kasama ko nung pumunta kami ng haunted house, si Joy naman ang higpit ng pagkapit niya sakin habang naglalakad kami. Enjoy din sa ninja illusion house, at pagkatapos naming maglaro ay nagkantahan kami sa karaoke at kumain na naman kami sa food court.

Later that day, sumakay kami ng bus papunta sa paanan ng Mount Fuji. Magcocommute na nga sana kami sa ordinaryong bus pero kinontact kasi ni Manager Krishelle yung kakilala niya sa Fresh Beat Records Japan kaya sa isang tour bus nila kami sumakay, may driver pa kami. Sosyal noh? Wala eh, sikat eh. Haha.

Maganda ang lugar, in fairness. Ang ganda ng pagkahubog ng Mount Fuji. And being the adventurist I am, gusto ko sanang umakyat kami papunta sa pinakatuktok ng Mount Fuji, pero sabi ni Jun na bawal pa daw ito kasi delikado ang daan, extreme daw ang weather habang papaakyat pag ganitong panahon. Pwede lang daw umakyat pag July at August na, which is more or less eight months away, kaya nakuntento na lang kami sa sightseeing. Ang dami nga naming pictures eh kaya kahit papaano ay sulit din ang dalawang oras na biyahe galing Tokyo. Haha.

The last part of our Odaiba-Mount Fuji Trip is a nice, relaxing, hot bath at the Oedo Onsen Monogatari back in Tokyo, isang bagay na ikinatuwa ko. Isa siyang hot spring theme park, maraming indoor and outdoor baths dito. Siyempre, to protect our privacy, sa indoor kami nagstay. Ang sarap ng tubig doon, nakakarelax talaga siya ng katawan.

"Mommy, where are we going ba?" narinig kong tanong ni Sammy kay Joy. "Why are we in a different place?"

Isang linggo na ang nakalipas simula nang ikasal sina Jun at Ayaka Ryoko, at ngayon ay nakasakay kami ng bus papuntang Taguig. November 1 na, Undas na. Napag-usapan namin na pupunta kaming lahat sa sementeryo para bisitsahin si Dad. Hayy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon