Chapter 15: I Hate You

245 1 0
                                    

-Ren's POV-

Nakaupo ako ngayon sa may balkonahe ng pavilion habang nagpapahangin. Promise, ang init talaga sa loob kaya napagdesisyunan kong magpalamig pagkatapos naming tumugtog.

"Ren?"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Akala ko si Joy nung una, pero pagtalikod ko, si Rullanne pala.

Teka, bakit nga ba siya nandito? Di ba dapat kasama niya si Hale? Asan na ba yung boyfriend niya?

"O, bakit?" tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Pwede bang dito muna ako?"

"Asan si Hale?" tanong ko naman.

"Wala, nandun sa loob," sagot ni Rullanne. "Dito na muna ako, Ren. Okay lang ba sa'yo?"

Hindi na lang ako sumagot, umurong na lang ako nang kaunti para makaupo din siya. Ayokong tumabi sa kanya kasi someone might see us and get the wrong idea. Dahil alam ng lahat ng tao na fiancée ko si Joy, seeing me sitting next to another woman alone would not look good.

"Listen, I missed you," biglang basag niya sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya. "Ano?" gulat na tanong ko. Miss niya ako? Bakit naman niya ako namiss? Eh di ba may boyfriend na siya?

"I missed you, Ren," ulit niya. Is she being serious right now? Lasing ba to or something?

Umiwas ako ng tingin. "Ganun ba?"

"Oo," sagot ni Rullanne. "Sa totoo lang, the moment I saw you that day, I instantly felt regret. I regret what I did to you all those years ago."

Sa sinabi ni Rullanne, biglang naalala ko yung araw na nag-break kami. That was, I don't know, like, eight years ago?

----------

"Manang, tatlong rosas po," sabi ko sa tindera ng bulaklak. "Yung kulay red."

Agad namang kumuha si manang tindera ng tatlong red roses mula sa stock niya habang naghihintay ako sa counter. Para kay Rullanne ang mga bulaklak na to, monthsary kasi namin ngayon. Sigurado akong matutuwa siya pag ibibigay ko to sa kanya, alam kong mahilig siya sa mga bulaklak eh.

"Eto na ang mga bulaklak mo, iho," sabi ng tindera sabay abot ng tatlong rosas sakin pagkatapos ng ilang minuto.

Napangiti ako, ang ganda ng mga napili niya. Nice!

"Yun o! Thanks po," sabi ko habang inaabot ko yung bayad sa tindera.

"Para sa girlfriend mo yan, iho?"

"Opo. Monthsary kasi namin ngayon at balak ko siyang i-surprise." Namula ako. Badtrip, para akong bakla dito.

"Aba, ang sweet mo naman, iho." Ngumiti sakin yung tindera. "Sige na, ibigay mo na yan. Sigurado akong matutuwa ang girlfriend mo niyan."

Ngumiti rin ako sa tindera bago lumabas ng flower shop. Habang naglalakad ako papunta sa bahay nila, hindi ko napigilang ngumiti. I can't wait to see the look on Rullanne's face when she sees these.

*Ding-dong!*

That's odd, bakit walang sumasagot? Usually, agad na binubuksan ni Rullanne yung pintuan ng bahay nila tuwing dadalaw ako at pinapapasok niya agad ako sa loob. Oh well, baka busy. Might as well try again. Excited na akong ibigay to sa kanya eh.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon