Chapter 5: Sammy

229 1 0
                                    

Chapter 5: Sammy

"Ren, yung bata," sabi ko sa fiance ko.

Nag-nod naman si Kuya Ren tapos tumayo kami para puntahan yung bata. Isang batang lalaki na mukhang five or six years old ang nadatnan namin. Mukhang malungkot siya. Nagtaka tuloy ako, it's pretty unusual to see a lonely little boy out all alone in the streets at 9 in the evening.

Lumapit kami sa bata, nakita naming pinunasan niya ang mukha niya. So siya pala yung narinig namin na umiiyak.

"Uhm, bata," malumanay na sabi ko.

Agad siyang napatingin sakin, nabigla ko ata.

"Wh-who," he stammered. "Who are you?"

"Wag kang matakot, di ka namin sasaktan," marahang sabi ni Kuya Ren.

"A-Are you the ones that sang?"

Ngumiti ako. "Oo. Ako si Ate Joy." Tinuro ko naman yung katabi ko. "Siya naman si Kuya Ren. Ano naman ang pangalan mo?"

"S-Sammy."

Umupo kaming dalawa sa tabi niya. "Sammy, bat ka nandito? Baka hinahanap ka na ng nanay at tatay mo," sabi ng fiance ko.

Nag-frown siya. "I don't have home anymore."

Nagtaka ako. "Ha? Bakit naman?" Umupo kami sa dalawang side ni Sammy.

"I'm an orphan."

Nagulat kaming dalawa sa sinabi ni Sammy. Orphan siya? As in, orphan na walang magulang?

"Ha? Bat mo naman nasabi yan, Sammy?" tanong ko. "Wala ka bang nanay at tatay?"

"Sabi nila, wala na yung Mommy ko nung pinanganak na ako." 

"But Sammy, what about your father? What happened to him?" tanong ni Kuya Ren.

"Sabi rin nila na bago ako dumating, naaksidente ang Daddy ko kaya wala na rin siya."

Biglang nakaramdam ako ng awa para kay Sammy. Kawawa naman tong batang to, nawala na ang mga magulang niya sa murang edad palang. Matatag siguro tong si Sammy, nakayanan niyang mabuhay na mag-isa niya eh. Kung ako siguro yun, di ko yan kaya.

"Sammy, ilang taon ka na ba?" tanong ni Kuya Ren.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon