Chapter 39: Goodbye, Sammy

201 1 0
                                    

Chapter 39: Goodbye, Sammy

Sa sandaling yun, nanigas ang buong katawan ko at pakiramdam ko'y parang nabuhusan ng malamig na tubig. Natulala ako sa sinabing pangalan ni Sir Ken, para akong tinusok sa dibdib sa narinig ko. Could it be, na ang batang nahanap namin na mag-isa lang sa Roxas Boulevard noon, ang batang sumasama samin kung saan kami pumupunta, ang batang tumatawag saming dalawa ng 'Mommy' at 'Daddy', ang batang parang anak na ang turing namin sa kanya, ay ang nawawalang apo ng executive producer ng pinakasikat na recording company sa buong Pilipinas? H-hindi, baka mali lang ang pagkarinig ko.

"A-ano po? Ano ulit po yung pangalan ng bata?" tanong ko kay Sir Ken.

"Samuel Kian ang pangalan niya," sagot ni Sir Ken. "Bakit, Joy, may kakilala ka bang batang ganun ang pangalan?"

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh, hindi ako mali ng pagkarinig. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Parang gusto kong hindi paniwalaan ang narinig ko pero laging bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Sir Ken. After all this time, ngayon ko lang narealize na hindi namin talagang anak si Sammy, na ampon lang pala siya. Aaminin ko, sa tagal ng panahon na pinagsamahan namin, pakiramdam ko'y anak ko na talaga siya. Ganito pala ang pakiramdam na malaman mo yung katotohanan, masakit.

Eh ano bang malay ko at si Sammy ay apo pala ni Sir Ken? Sino ang mag-aakala na ang batang nakita naming gumagala-gala sa Roxas Boulevard noon ay tagapagmana pala ng isang malaking recording company pagdating ng araw? Ahhhhhhh!

"Joy? Are you alright?" Bumalik na ang kaluluwa ko nung tinanong ako ng fiance ko.

"Ah, o-oo," sagot ko. "B-bakit?"

"Natulala ka kasi jan eh, at parang namumutla ka ata. Okay ka lang?" His hand touched my forehead. "You don't look so good."

"Oo nga, Mommy," sabi pa ni Sammy na buhat-buhat ko pa rin. "Are you okay?"

"R-Ren, can I have a word with you?" tanong ko. "I have to tell you something important."

Tumango siya. "Sige. Sir, pakibantay na lang po yung anak namin."

"Sige," sabi ni Sir Ken at binigay ko yung bata sa kanya. Pagkatapos nun ay hinila ko siya mejo palayo sa kanila.

"Joy, bakit yun?" nagtatakang tanong ni Kuya Ren.

"Ren, c-can't you see? Si Sammy ang nawawalang apo ni Sir Ken!" sabi ko. "At kelangan na nating ibalik siya, s-sa tunay niyang pamilya. *hik*"

Napaiyak na lang ako nang bigla, mahal na mahal ko na yung batang yun eh. Pero, kahit anong gawin ko, kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo, hindi ko kayang baguhin yung katotohanang hindi namin siya anak. Hayy.

"Aw, he's like a son to me," sabi ni Kuya Ren na malungkot na rin ang mukha.

I sniffed and wiped my tears. "A-Ako rin eh, pero," Napabuntung-hininga ako. "H-he has his own family now, his REAL family."

Malungkot na tumango si Kuya Ren. "Yeah, tama ka. Hayy."

It took a few minutes before I recomposed myself at ilang sandali pa'y bumalik na kaming dalawa kela Sir Ken na ngayon ay nakikipaglaro kay Sammy. Oo nga naman, kung titignan mo ito ng mabuti ay may pagkahawig si Sir Ken sa bata.

Parang gusto kong umiyak nang makita ko si Sammy na nakangiti at masaya habang nakaupo sa lap ng lolo niya, mamimiss ko tong batang to eh. Pero sino ba kami? Kami lang naman ang nag-ampon sa kanya for how many months. Hayy.

"Nakakatuwa talaga tong batang to," sabi samin ni Sir Ken pagbalik namin at tumingin sa bata. "Hijo, anong pangalan mo?"

"Sammy po," sagot naman ng anak namin.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon