Special Chapter 2: The New Baby

281 3 0
                                    

"Sandali love, ano, I think my water just broke."

Pagkasabi niya nun, agad siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

"AHHH, ARAY!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang biglang sumigaw si Joy mula sa baba. That scream, it could only mean one thing. Shit. Hindi kaya---

"REN! BUMABA KA NA NGAYON DIN! PARANG LALABAS NA YUNG BATA! ARAY!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko at literal na napanganga ako sa sinigaw ni Joy. Shit! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"JOY!" sigaw ko. Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto namin at bumaba ng hagdanan papunta sa sala, kung saan nadatnan ko si Joy na hawak-hawak na niya yung tiyan niya at halatang nahihirapan na siya.

Bigla akong nakaramdam ng taranta kasi eto na nga, nagle-labor na ang sweetheart ko. MANGANGANAK NA ANG ASAWA KO!

Tumakbo ako palapit sa kanya na tarantang-taranta na. Shit, ANONG GAGAWIN KO? Ano ba kasi ang dapat na gawin ko kapag manganganak na yung asawa mo?

Takte. Ang tanga mo talaga, Jhun Ren! Siyempre dalhin mo sa ospital!

Pero wala pa kaming sasakyan! Saan ako kukuha ng sasakyan papuntang ospital?

Wait, I'll just borrow Dylan's car! That's it! Ganun na lang!

"Ren, dalian mo! Ang sakit-sakit na talaga!" sigaw ni Joy, nakahawak na siya sa railings ng hagdanan habang hawak-hawak niya pa rin ang tiyan niya. Shit, kinakabahan na ako dito.

"Love, ano, hintay ka lang ha? Kukuha lang ako ng kotse!"

"REN, DALIAN MO!" she screamed.

"SIGE!" sigaw ko na rin.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay namin papunta sa bahay nila Dylan at Thine. Whew! Buti na lang at magkatabi lang ang mga bahay namin. Gisingin ko kaya sila? Alas-diyes pa naman ng gabi ngayon, sigurado akong tulog na sila ngayon.

Takte. Bahala na nga!

"DIL! DIL!" sigaw ko at kinalabog ko nang malakas ang pintuan.  Takte, nadadala na talaga ako sa kaba ngayon. "DYLAN! GUMISING KA!"

Maya-maya, binuksan na rin ni Dylan yung pintuan, kasama niya si Thine. Thank goodness at agad din silang rumesponde!

"Ren? Bakit yun? Gabing-gabi na, ah?" tanong ni Dylan, magkahalong inis at pagtataka ang nakarehistro sa mukha niya.

"Dil, si Joy, manganganak na! Sumasakit na yung tiyan niya!" sabi ko habang humihingal. Calm the hell down, Jhun Ren!

"HUH? Holy shit. Teka lang Ren, ha? Kunin ko lang yung susi ng kotse. Diyan ka lang!" Tapos tumakbo na si Dylan pabalik sa loob ng bahay nila. Ilang sandali pa'y lumabas yung kotse ni Dylan mula sa garahe nila.

"Ren! Sakay na, dali!" sabi ni Dylan.

"Teka lang, hon! Si Joy!" sabi naman ni Thine. Buti pa tong bestfriend niya, cool lang kahit halatang kinakabahan din. Eh buntis pa naman siya, six months.

Samantalang ako, tarantang-taranta na!

Maya-maya, dali-dali kong pinasakay si Joy sa loob ng kotse, thanks to Dylan and Thine's help. Oo, lumabas pa si Dylan para matulungan niya yung dalawang buntis. Bakit pa kasi sabay pa silang nagbuntis? Talaga naman, o!

Pumasok na rin sila sa loob pagkatapos nun, sina Thine at Dylan ang katabi ng sweetheart ko sa likod.

"Teka lang," sabi ko. "Saan ako?"

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon