Chapter 35: Alive

227 1 0
                                    

Chapter 35: Alive (ft. I Love You by Barney and Friends)

*Beep . . . beep . . . *

Di ako makapaniwala sa narinig ko, did the heart-rate monitor just beep? Is it real or am I just hearing things?

"What the?" gulat na sabi ng doktor.

*Beep . . . beep . . . *

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagbebeep nga yung heart-rate monitor na nakakabit sa fiance ko. Could it be?

"Oh my gosh," narinig kong bulong ng isang nurse.

*Beep . . . beep . . . beep . . . *

"J-Joy ko?" mahinang tanong ko at tumingin sa mukha niya.

At ilang sandali pa'y parang nabunutan ako ng isang malaking tinik nang biglang dumilat ang mga mata niya.

"Joy?" tanong ko.

Napatingin siya sakin. "R-Ren," bulong niya.

"Joy ko! Buhay ka!" bulalas ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

And the next thing I knew, tears of joy started to fill my eyes, pati mga doktor at nars na kasama ko ngayon nakita kong gulat na gulat din sila sa nangyari. Hayy, maraming salamat sa Diyos at buhay siya. Buhay ang Joy ko. I can't believe this.

"Joy ko," sabi ko at kumalas sa kanya. "You had me so scared. I thought I'd lose you."

Ngumiti lang siya nang mahina. "Ren ko ."

"Yes?"

"May surprise ka pala sakin," mahinang sabi niya.

"Ha? Sinong nagsabi?"

Ngumiti siya. "Sabi ni Daddy Renato, sa kasal natin."

Niyakap ko na naman siya. "Joy ko, wag na wag ka nang mawawala sakin ha?"

"Don't worry, you're never gonna lose me that easily, Ren ko," bulong niya habang nakasandal sa dibdib ko. Ahhh, ang sarap sa feeling. I can't believe she's back, the girl I love, alive and breathing again.

----------

Pagkatapos ng isang oras, binalik nila Joy sa kwarto kung saan siya nagstay, sabi kasi ng mga doktor na kelangan niya munang mag-rest. Okay lang naman sakin yun, kahit na malaki ang babayaran namin sa hospital bills niya basta buhay pa siya ay sapat na yun sakin. Sa totoo lang kasi, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung hindi na siya nagising kanina.

Just then, biglang bumukas yung pintuan.

"MOMMY!" narinig kong sigaw ni Sammy at dali-dali siyang umupo sa lap ko, nakaupo kasi ako sa tabi ng kama ni Joy..

"Hi, baby," bulong ni Joy sabay ngiti.

"Mommy! Mommy! Daddy told me you went to Heaven! Is it nice there? Did you see Grandpa Renato there? I hope you said hi to him from me!" Haha. Tong batang to talaga.

Ngumiti si Joy. "Yeah, I saw him. It's nice there."

"Eh Mommy, why are you tired? Is Heaven far away?"

"Anak ko," sabi ko at ibinaba si Sammy. "Don't disturb Mommy. Malayo ang Heaven kaya pagod siya at kelangan niyang magrest."

"Joy!" biglang sabi ni Manager Krishelle. Agad siyang lumapit kay Joy at hinawakan niya ang kamay nito. "You had us so worried! Hindi namin alam kung anong gagawin namin nung sinabi ni Ren ang nangyari sa'yo!"

"Oo nga, bez," dagdag ni Thine na pumasok din sa loob. "You really had us scared for a minute."

"What happened?" tanong naman ni Hale.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon