Chapter 12: The Funeral

243 1 0
                                    

Chapter 12: The Funeral



-Ren's POV-



~~

Bakit pa kailangang magbihis?

Sayang din naman ang porma

Lagi lang namang may sisi---

~~



Inalis ko ang kamay ko na nakapalibot sa balikat ng fiance ko para sagutin kung sino man yung tumatawag. Tsk. Nag-eenjoy na nga lang ako sa panonood ng movie eh.



"Hello?"

(Ren, si Papa mo.)

Si Mama pala yung tumawag sa akin. Pero bat parang umiiyak yung boses niya? At anong balita tungkol kay Papa at umiiyak si Mama?

"Ma, what happened?" seryosong tanong ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong kinabahan sa pwedeng sabihin ni Mama.

(Ren, anak, hindi ko alam kung paano to sasabihin sa'yo...pero ang Papa mo, he's . . . gone.)

Nanlaki ang mga mata ko. "What?" gulat na tanong ko sa kanya.

(He's gone, anak ko.) sagot ni Mama. (Wala na si Papa.)

"What do you mean he's gone? Like, he went somewhere?" tanong ko sa kanya. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. Please, sana mali tong iniisip ko.

(Ren, patay na siya.)



Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. What did she just say? My Daddy? DEAD?! P-patay na ang Daddy ko?! N-no. Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwedeng patay na ang Daddy ko. Hindi pwedeng mawala siya. HINDI PWEDE TO!



"No. You're lying," sabi ko kay Mommy.

(I'm so sorry, anak. I know it's hard, pero wala na ang Papa mo,) At narinig kong humikbi si Mama sa kabilang linya.

"Mama, stop it! I know you're lying! But this isn't funny!"

(Ren anak, I'm not lying. I'm so sorry.)

"No! You're lying! I know you're lying! He's not dead! I know it's not true! Makakasama ko siya sa kasal namin ni Joy!"

(Ren, please.) pakiusap ni Mom. (This is hard for you to hear, I know, but---)

"I know it's a joke, Mom!" putol ko sa kanya. "Please, wag kang mag-joke nang ganyan!"

(Ren, stop! I know this is hard to hear, but you can't act like it's not true! It is true! He's gone, and he's not coming back! Wala na si Daddy mo!)

"No! STOP LYING!" sigaw ko.



Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang mamumuo sa mata ko. Sana hindi totoong wala na si Daddy. Sana isang masamang panaginip lang ito. Alam ko, buhay siya. Buhay na buhay siya at makakasama ko siya sa paghatid sakin sa altar pagdating ng kasal namin ng babaeng mahal ko.



(Ren, stop it! Now!) Sumisigaw na rin si Mommy sa kabilang linya habang umiiyak. (Naaksidente siya! He was already dead by the time they got him to the hospital!)



Napatigil ako. Unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat. So it's true, wala na nga si Daddy. My father's gone. He left me. He's gone, and he's never going to return.



Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon