Chapter 31: Accident

192 2 0
                                    

Chapter 31: Accident

-Ren's POV-

Alam ko, hindi niyo ako naiintindihan kung bakit nagkakaganito ako kay Joy, kung bakit halos isang linggong hindi ko pinapansin ang fiance ko, kung bakit isang linggo akong cold sa kanya.

Ganito kasi yun, sa kasal namin, gusto ko na magkaroon ng pagpapalipad ng mga sky lanterns sa gabi. Mahilig kasi si Joy sa mga ganung bagay, kaya gusto ko siyang i-surprise pagdating ng reception ng kasal namin. It's supposed to be top secret kaya ako naging cold sa kanya kasi ayaw kong ipaalam sa kanya ang plano ko. I can't tell her, bawal. Ayokong ma-ruin ang surprise ko para sa kanya, though deep inside it hurts like hell na hindi ko pansinin ang taong mahal ko.

Tapos biglang naalala ko, may taste para sa mga ganung bagay ang ex-girlfriend kong si Rullanne. I decided to consult her kasi alam kong alam niya ang gagawin niya at gagawa siya ng paraan para matupad yung plano ko. Lagi kong fina-follow up yun kaya madalas kaming lumalabas, lagi kaming nag-uusap tungkol doon. Nag-aadvice siya sakin kung ano ang magandang lugar kung saan magaganap yun, kung gaano kalaki yung mga lanterns, kung anong kulay ang bagay sa ganitong kulay, mga ganung bagay.

She really does have an eye for these kinds of things kaya I trust her a lot. Kaya ngayon, pumunta kami sa MOA para mag-usap na naman tungkol doon. Maggagabi na nung pumunta kami sa isang restaurant sa may bandang likod ng mall. At habang nag-uusap ay nagtatawanan kami. Pano naman kasi, habang nagpaplano at nag-uusap, nagbibiro rin ng konti si Rullanne.

Pero napatigil kami nang biglang makarinig kami ng ingay sa labas.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!*

"DADDY? DADDY! DADDY REN! DADDY REN, WHERE ARE YOU?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng isang familiar na matinis na boses. Is that Sammy's voice? Tumayo ako para makita ko kung sino yung tumatawag sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Sammy nga yun. Tumakbo siya papunta sakin. Anong ginagawa ng anak ko dito?

"Sammy? Bat ka nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sino siya? Anak mo siya, Ren?" tanong ni Rullanne.

"Oo, anak ko siya. Bakit yun, anak? Where's Mommy?"

Bigla akong kinabahan nang makita kong umiiyak si Sammy. Oh dear, I've got a bad feeling about this.

"Daddy! Mommy got hit by a car! She won't wake up, Daddy! Why won't Mommy wake up?"

Yun lang pala eh, akala ko kung ano na. Wait lang. Ano daw? Si Joy? Ano daw ang nangyari sa kanya? Nang marealize ko ang nangyari sa fiance ko ay nanlaki ang mga mata ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Nabangga siya ng kotse?! What the?!

"HA?!" Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat. "Mommy got hit by a car?! Where is she?!"

"Let's go, Daddy!" Hinawakan ni Sammy ang kamay ko. "I want Mommy to wake up!"

"Sige, baby. Rullanne," Tumingin ako sa kasama ko. "Mauna na kami, ha?"

"Sige, punta na kayo. Kelangan ka na ni Joy. Sige na, go na."

Dali-dali kong binuhat si Sammy at tumakbo ako palabas ng restaurant. Pagdating namin doon, ang daming nang taong nagkukumpulan.

Binaba ko si Sammy. "Sammy baby, stay here ha? I'll be back."

Dali-dali akong pumunta sa mga taong nagkukumpulan. Argh. I can't see anything, ang dami nila. Habang palapit ako sa gitna nila, nakarinig ako ng bulungan.

"OMG. Si Joy yan di ba?"

"Halla. Anong nangyari sa kanya?"

"OMG, anong nangyari?"

"Oh my gosh. Ang daming dugo."

"Oh my gosh. Halla."

Lalo akong kinabahan sa mga narinig ko, anong nangyari sa asawa ko? Bakit nangyari yun sa kanya? Pero wala na akong panahon para itanong ang mga yun. I pushed my way through the crowd, at labis ang pagkagimbal ko nang madatnan kong nakahandusay si Joy sa semento. Wala siyang malay, at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong ang daming dugo na umaagos mula sa noo niya.

"JOY!" sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at binuhat ko siya na nakaupo. Tinignan ko yung kotse na nakabunggo sa kanya pero umalis naman na ito. Nakakainis, sino ang bumangga sa asawa ko? Tsk. Patay sakin yun pag magkita kami.

I gently shook her. "Joy?" Hindi siya gumalaw. "Joy?! Joy! Joy, gising! Joy!"

Lalo akong kinabahan dahil hindi siya dumidilat. Nang maramdaman ko na parang may malapot na likido sa kamay ko, tinignan ko yung kamay ko na nakahawak sa ulo niya. Oh man, may dugo. Ang daming dugo na lumalabas mula sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Joy ko, Joy ko, Joy ko," Niyugyog ko siya ng mahina. "Gumising ka. Joy ko."

Di ko napigilang lumuha, I don't want Joy to die because of so much blood loss. Paano na ako pag mawala na siya? Hayy.

"R-Ren . . . "

Napatingin ako kay Joy. Thank goodness, she's awake! Pero kahi ganun ay hindi pa rin nabawasan ang pag-aalala ko sa kanya dahil sobrang putla na ng mukha niya at halos maging red na yung isang side ng ulo niya dahil dumudugo pa rin ito.

"Joy ko, anong nangyari sa'yo?" Hindi siya makasagot, halatang mahinang-mahina na siya. "Joy ko, just hang on, okay? May tumawag na sa ambulansya. Just stay with me, okay? Please lang. Wag mo akong iiwan," I held her hand tightly. "Please lang."

A few minutes later, the paramedics came. Binuhat nila si Joy mula sa akin at inihiga nila ito sa isang stretcher.

Tumayo ako. "Can Sammy and I come with you?" tanong ko sa isang paramedic.

"Pasensya ka na, hindi pwede," sagot niya.

"You don't understand," sabi ko. "Asawa ko yun. I HAVE to know if she's going to be all right! Please, sir, pwede mo ba kaming isama ng anak ko?"

"Relax lang," sabi niya sakin. "Sumunod ka na lang mamaya." Tapos tumingin siya sa driver ng ambulansya. "Get her to the hospital. NOW."

"C'MON, JOE!" narinig kong sigaw ng isa pang paramedic. "LET'S GO!"

Nakita kong tumango yung si Joe at dali-daling umalis yung ambulansya palayo samin. Pumunta ako kay Sammy, iyak pa rin siya ng iyak. Umupo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Hayy, kawawa tong batang to pag mawala si Joy.

"D-Daddy, *hik* d-do you think Mommy will be *hik* o-okay?" tanong ni Sammy. "I-Is Mommy---"

Pinutol ko yung sinabi ni Sammy at lalo ko siyang niyakap. Ayokong marinig ang kasunod nun kasi alam kong hinding-hindi ko yun makakayanan pag mangyari yun sa kanya.

"Wag mong isipin yan, anak," bulong ko. "Let's just pray the doctors can make Mommy better, okay?"

Tumango na lang si Sammy bilang sagot habang unti-unting nababasa yung polo ko dahil sa mga luha niya. Ako rin, hindi ko mapigilan ang maiyak. Hayy. I just hope Joy gets better soon. Pero ang tanong, kelan ba yung araw na yun?

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon