Chapter 21: Regret

197 1 0
                                    

Chapter 21: Regret

Are Joy Rhea Ruiko and Jhun Ren Sonoh Really Over?

It looks like it could really be over for Double J and the Music Cuties's Jhunea loveteam, or the famous couple of the Keyboard Wonder Joy Rhea Ruiko and Guitar Idol Jhun Ren Sonoh. There were reports that the musical couple have officially split up after nearly five years of being together. Just last night there were reports that Ren and Joy got into a fight after they were spotted yelling at each other at a class reunion at the Golden Dove Pavilion, and yesterday the band's Keyboard Wonder was spotted at the carnival with another guy while the Guitar Idol was with another girl.

Do you think that the Jhunea couple is officially over or is this just another rumor?

Kusang tumulo ang mga luha ko habang binabasa ko tong newspaper na hawak ko. Nakalkal ko lang ito sa isang pile ng mga papel, naglilinis kasi kami ng condo unit namin. Dated six months ago pa tong news na to, pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na dulot nito sakin tuwing naaalala ko ang araw na yun.

Six months. It's been six months since my Joy left me. Anim na buwan ko na ring tinitiis ang sakit na nararamdaman ko tuwing umuuwi si Joy ng condo kasama ang bagong boyfriend niya, si Jay. Oo, nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Jay Zukomai. Hindi naman diretsong sinabi samin ni Joy na sila na ulit, pero lagi na silang magkasama simula nung araw na yun, nagkakamabutihan na sila, at higit sa lahat, nakikita kong masaya si Joy tuwing magkasama sila. Hayy.

The months passed by quickly after that. It was April when she broke up with me. Tapos di ko namalayan, May na pala. Tapos naging June, naging July, then August. Natapos na rin ang September, October na ngayon. Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon nakakayanan ko pa ang mabuhay na iniinda ang sakit. My current status? Single. But most of all, heartbroken.

"Ren," Napatingin ako kay Manager Krishelle. Oo, tinulungan niya kami ngayon na maglinis ng condo unit namin. Napansin niya ata na napatigil ako. "Are you okay?"

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at tumango. "Oo naman, Manager. Bakit naman hindi?"

Narinig kong napabuntung-hininga si Manager. "Still inlove with her, huh, Ren?"

Nung nabalitaan nila Thine, Miles, Aims, Hale, at Manager Krishelle na wala na kami ni Joy, labis ang pagkagulat nila. Hindi ko naman sila masisisi, saksi sila, lalo na yung tatlong Music Cuties, sa limang taon ng pagsasama namin ni Joy. Well, except for Joy na hindi na niya ako pinapansin totally, civil naman kami sa isa't-isa, pero hindi na siya katulad ng dati na nagkukulitan kami tuwing magkakasama kami.

And wouldn't you know, si Manager Krishelle ang naging sandalan ko for the past months, halos araw-araw niya kaming binibisita sa condo unit namin just to check up on me. She's been comforting me the whole time, to the point na pinagalitan niya pa yung mga kabanda ko dahil hindi daw nila ako pinapansin, yung ibang kabanda ko kasi madalas kasama si Joy. Okay naman sakin yun, kahit isa lang ay sapat na para sa akin yun. Kung tutuusin, para ko na rin siyang Ate na pinagsasabihan ko ng mga problema ko.

At dahil miyembro kami ng isang sikat na banda, thanks to the showbiz news ay nalaman rin ito ni Sir Ken. Sinabi niya sa amin na dahil sa breakup namin ay apektado na rin ang reputation ng Double J and the Music Cuties sa masa. Oo nga naman, kilala kasi ang couple namin ni Joy bilang 'Jhunea loveteam'.

Hindi rin natuwa ang mga fans namin nung nalaman nilang break na kami. Marami, especially mga fangirls, ang nagcomment na heartbroken din daw sila para sa akin, nakakaiyak daw, malungkot din daw sila para sa amin dahil wala na daw ang favorite loveteam nila. Kahit papaano naman ay natutuwa ako dahil kahit sa ganitong estado ay patuloy pa rin akong sinusuporta ng mga fans namin.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon