Chapter 6: Mall Time

227 1 0
                                    

Chapter 6: Mall Time

The next day, I learned more things about the little boy.

His full name is Samuel Kian Garcia. Nang mamatay ang mga magulang niya, dinala siya sa DSWD at inampon siya nung four years old na ito. Sabi niya na hindi daw masaya ang buhay niya nung mga time na yun, lagi daw kasing naglalasing yung tatay niya. Tapos nung namatay na yung tatay, dinala ulit siya sa DSWD. Ayaw daw kasi sa kanya ng lola.

Then recently, inampon na naman siya. Much worse daw yung pamilyang nag-ampon sa kanya kasi lagi siyang sinasaktan. Kaya as a result, lumayas siya sa bahay nila. Tumakas siya hanggang napadpad siya sa may Roxas Boulevard.

Lalo akong naawa sa bata nung nalaman ko ang nakaraan niya. Malungkot pala ang naging buhay ni Sammy. Kaya pala ang saya-saya niya nung sinabi namin ni Kuya Ren sa kanya na sumama siya samin. Kawawa naman siya. Super cute pa naman siya na bata tapos sasaktan na lang siya ng ganun?

Gaya ng napag-usapan namin ni Kuya Ren kagabi, pumunta kaming anim sa MOA kasama si Sammy. Na-excite nga si Sammy nung sinabi namin sa kanya na pupunta kaming MOA eh. Haha. Ang cute pala pag ma-excite tong batang to.

"Sammy, be a good boy, okay?" sabi ko sa kanya nung nasa loob na kami. Buhat-buhat siya ni Kuya Ren. "Para mamaya, bili tayo ng toys mo."

Ngumiti siya sakin. "Yes po!"

"Haha. Ang bait naman ng batang to at ang cute-cute pa! Papisil nga ulit," sabi ni Manager Krishelle sabay pisil sa pisngi ng bata. "Ang gwapo-gwapo at cute-cute mo talaga! Sammy baby, where do you want to eat?"

Natawa naman ako sa kanya, simula kasi nung pinakilala namin si Sammy sa kanya kanina ay halos lamugin na siya ni Manager. Lagi nga niyang pinipisil-pisil yung pisngi ng bata, ang cute-cute niya daw kasi. Haha. Sabi nga niya minsan samin na next time na lalabas kami kasama si Sammy isasama niya daw yung anak niyang si Emma para may makalaro yung bata. Haha.

"McDonald's!" masiglang sagot niya.

"Okay, Sammy." Ngumiti si Manager sa kanya. "Guys, sa McDo daw tayo," sabi niya samin.

"Jollibee na lang, Manager. Mas malapit dun sa toy store yun," sabi ni Thine. Aba, siya pa talaga tong namili ha. Ikaw si Sammy, teh? Hay naku, abnormal talaga to kahit kelan. Haha.

"Jollibee na lang daw tayo, Sammy. Gusto mo?" tanong ko kay Sammy.

"Okay!" Ngumiti si Sammy samin. Haha. Ang bait niya pala. Nakakatuwa talaga tong batang to.

"Sige daw. Tara na then," sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad, napansin kong nagbubulung-bulungan ang mga tao.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon