Chapter 8: His Ex

248 1 0
                                    

Literal na nalaglag ang panga ko nang mapagtanto ko kung sino yung girlfriend ni Hale. Si Rullanne Beniko, ang ex-girlfriend ko, ay girlfriend na ngayon ni Hale Shisuka? How did she end up with Hale? Mas matanda si Rullanne sa kanya eh. Kabatch ko siya, tapos kabatch naman ng sweetheart ko si Hale.

"R-Rullanne? Is that you?" bati ko sa kanya. In fairness, kahit matagal ko na siyang hindi nakikita ay ganun pa rin ang itsura niya. Parang hindi tumanda.

"Hi Ren, kumusta na?" tanong niya sabay ngiti sakin.

I blinked, baka sakaling nagmamalik-mata lang ako. Promise, nagulat talaga ako. It's been a really long time since I last saw her, hindi ko talaga inexpect na magk-krus ulit ang landas namin. Hindi ko na kasi siya nakita pa at wala na rin akong narinig na balita tungkol sa kanya simula nung mag-break kami. And we never got any closure either because it was a bad break-up.

"Rullanne, ano, kumusta ka na?" tanong ko, tapos napatingin ako kay Hale. "Boyfriend mo?"

"Oo, boyfriend ko siya," sagot niya at pinulupot niya yung kamay niya sa braso ni Hale. "Hindi ko na siguro kelangang ipakilala pa siya sa inyo kasi kilala niyo naman na siya, di ba?"

"Ah," yun lang ang nasabi ko.

Si Rullanne naman yung nagtanong. "So Ren, kumusta ka na?"

"Eto, okay lang naman. Kayo?"

Inakbayan ni Rullanne si Hale. Kakaiba talaga ang dating ng dalawang to, mas matangkad pa kasi si Rullanne kay Hale.

"We're doing fine too, Ren." Tapos ngumiti siya sa akin.

I just grimaced and nodded my head. Ganito ba talaga ang epekto na makita mo ang ex mo pagkatapos ng mahabang panahon? Lalo na't biglaan pa? Am even I supposed to feel this way? Nakakapanibago na awkward na ewan.

"Eh kayo? Kumusta na kayo?" tanong ni Rullanne.

"Eto, masaya," sagot ko at inakbayan ko rin ang fiancee ko. "Sweetheart ko nga pala, si Joy. She's my fiancee."

"Oh? Ikakasal na pala kayo, Ren?" Parang nagulat pa si Rullanne sa sinabi ko. "Well, congrats sa inyong dalawa."

"Daddy, let's go," biglang sabi ni Sammy. "I wanna play."

"So guys, kitakits na lang tayo mamaya, ha? May date pa kasi kami nito eh," sabi ni Hale at ngumiti pa siya.

"Ayieee!" sabi naman ng tatlong na Music Cuties.

Pero nang tinignan ko ang expresyon ng mukha ni Joy, emotionless siya. Walang kaexpre-expresyon ang mukha niya.

"Joy, okay ka lang? Parang natahimik ka ata, ah?" narinig kong tanong ni Manager Krishelle sa kanya. Tumango lang si Joy at ngumiti pero halatang pilit lang yung ngiti niya.

"Osige, mag-iingat kayo, ha?" walang buhay na sabi ko habang nakatingin pa rin sa fiancee ko.

"Bye, Ren," sabi ni Rullanne at ngumiti ulit sakin.

Tapos umalis na silang dalawa. Lumabas na rin kami ng MOA pagkatapos nun.

"Ren?"

Napatingin ako sa fiancee ko. "Hm?"

Hindi sumagot si Joy.

"What's wrong, love?" tanong ko.

"Ano kasi, um, are you okay? Bakit parang...kinakabahan ka nung kausap mo siya?"

Nang tinignan ko siya sa mga mata niya, nakita ko na rin sa wakas ang totoong nararamdaman niya. Nasasaktan siya.

Nasasaktan siya dahil nakita niya kung paano ko kinakausap yung ex-girlfriend ko kanina. Naisip niya siguro na meron pa ring epekto si Rullanne sa akin, pero sa totoo lang ay nagulat lang talaga ako dahil nakita ko na naman siya pagkatapos ng mahabang panahon.

Double LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon