Kabanata 1

11.7K 138 5
                                        

"Kreisha?" tawag sakin ng boss ko.


"Yes Sir?" tanong ko habang abala sa pagliligpit ng mga bote ng alak at baso na pinag inuman kanina.


"Magaala-una na, hindi ka pa ba uuwi?" tumingin ako sa kanya at nakatingin sya sa relo nya.

"Okay lang Sir, patapos na din naman ako... Tatapusin ko na po ito" sagot ko.

"Maaga pa ang pasok mo diba?" tanong nya at kinuha na ang tray na hawak ko. "Umuwi ka na" utos nya bago tuluyang umalis.


Ngumiti ako.



'Si Sir talaga'



(^_^)



Dumiretso na ko sa locker ko at nagpalit ng damit. Uuwi na ko dahil utos yun ng boss ko at isa pa, pagod na din ako.




Ako si Kreisha Torres.. 19 at isang working student. Nagtatrabaho ako sa gabi sa isang kilalang bar at nagaaral naman sa umaga. Bakit? Kase wala kaming pera. Walang pera ang Papa ko pampaaral saken. Kaya naman kahit mahirap kinailangan kong magtrabaho para matustusan ang sarili ko at makapagtapos ng kolehiyo. Wala na si Mama, namatay sya dahil sa sakit na breast cancer kaya naman ako ang pumalit at umako sa mga obligasyon at responsibilidad nya bilang isang ina lalo na't ako ang panganay saming tatlong magkakapatid.



"Uuwi ka na?" tanong ng isa sa mga katrabaho ko. Tumango ako. "Ingat ka" nginitian ko na lang sya at lumabas na ng bar.


Madaling araw na at paggantong oras wala na kong masasakyan pauwi.


'Maglalakad na lang ako di naman ganon kalayo ang bahay ko mula dito'

Habang naglalakad napadpad ang tingin ko sa di kalayuan. Madilim doon kaya hindi mo maaaninag ang lugar pero makakarinig ka na may mga naguusap at nagtatawanan.

"Boss, patay na to" rinig ko'ng sabi ng isa sa kanila.



(O_O)



Literal na natigilan ako sa paglalakad.


'Patay na!?'

Kahit kinakabahan ay agad akong nagtungo sa pinanggalingan nung boses. Di ko alam pero parang may nagudyok saking pumunta don at tignan kung anong nangyayare. Di pa man ako nakakalapit ay natanawan ko na ang isang lalaking duguan at nakahandusay sa lupa.


Literal na bumilis ang tibok ng puso ko!



'Anong nangyayare dito!?'



Nang makalapit ako ay agad akong nagtago sa mga halaman at bahagyang sumilip.




Ngayon ay kitang kita ko na. Inilibot ko ang paningin ko. Limang lalaking nakaitim at may malalaking katawan ang nakapalibot sa lalaking bugbog sarado! Nakatalikod sila saken kaya di ko makita ang mga mukha nila.


"Hindi pa patay yan... Ang masamang damo, matagal bago mamatay" sabi nung may pinakamalaking katawan sa lahat sabay sipa dun sa lalaking nakahandusay.


Pero sa halip na indahin ang sipa sa kanya ay ngumiti lang ito ng nakakaloko.


o__O



"Pano yan d-demonyo ako at di m-masamang damo? I-Ibig bang sabihin non di na ko mamamatay?" nakangiti pero hirap na sabi nung lalaking sugatan habang sinusubukang tumayo.



"HAHAHA! Yan ang gusto ko sa kalaban! Palaban!" tawa nung lalaking may pinakamalaking katawan pa rin. "Sige! Itayo nyo yan!" utos nya dun sa dalawa.

Agad syang itinayo nung dalawa at hinawakan yung lalaki sa magkabilang braso.

"Tignan natin ang tapang mo" sabi ng isa pang lalaki at astang sisipain sya ng mahuli nya yung paa nung sisipa at malakas na ibinalibag!

O_O


'Grabe! Ang lakas naman non?'



Pagkatapos ay malakas naman nyang siniko sa sikmura ang nasa magkabilang gilid nya dahilan upang mamilipit sa sakit yung dalawa at malakas namang sinipa ang isa pang papasugod!


'Panong ang lakas pa rin nya sa lagay nyang yan!?'


Myghad!


Isa na lang.. Yung lalaking may pinakamalaking katawan na lang. Nakangisi ito at inaabangan ang pagsugod nung lalaki.



Grabe! Para lang ako'ng nanonood ng isang action movie.



Di na nagaksaya ng oras yung lalaking sugatan at sumugod na! Astang susuntukin na nya yung lalaking may pinakamalaking katawan ng--OH MY GOD!







O__O





Agad akong napatakip sa bibig ko.


NASAKSAK SYA!



Kahit napakabilis ng mga pangyayare ay kitang kita ko kung paano'ng mabilis na hinugot nung lalaki ang kutsilyo sa likod nya. Ngayon ay nakatalikod sakin yung sumaksak at nakapaharap naman sakin ay yung lalaking sugatan!



O_O



Agad akong nagtago ng magtama ang mga mata namin!




Patay!




Astang aalis na ko pero kamalas malasang may natapakan ako upang makalikha ng ingay!




"SINO YAN!?" sigaw nung lalaking may malaking katawan.




SHIT!



Nalintikan na talaga!




Agad akong tumakbo at bago ako tuluyang makaalis sa lugar na yon ay nahagip pa ng paningin ko yung lalaki kanina na ngayon ay nakahandusay na sa lupa.





'Kailangan kong makatakas!'




Tumakbo ako ng tumakbo. Wala akong pakealam kung san man ako dalhin ng mga paa ko! Ang mahalaga makaalis ako dito!


Ramdam kong may humahabol sakin!





(>>_<<)




Lord please! Ayoko pang mamatay--waaaaaaah!!




"WALA AKONG NAKITA! N-NAPADAAN LANG AKO! P-PLEASE WAG MO KONG PAPATAYIN! NAKIKIUSAP AKO! A-AKO LANG ANG INAASAHAN NG PAMILYA KO--" dire-diretso'ng sabi ko sa lalaking humablot sakin pero agad din akong natigilan ng makita kung sino ang nasa harap ko.




"Ang ingay mo"





Eh?






Nagulat ako ng sya ang tumambad sa harap ko. Hawak nya ako sa braso at ang isang kamay naman nya ay nakahawak sa parte kung saan sya nasaksak.




Namumungay na ang mga mata nya at mukhang pagod at hirap na hirap na. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi sya ang inaasahan ko'ng humahabol saken. Nakita ko sya'ng nakahandusay sa lupa kaya pano'ng.. Nasa harap ko na sya ngayon?




"N-Nasan yung lalaking--AYY!" tili ko.

O__O



Itatanong ko pa sana kung nasan na yung lalaking may malaking katawan pero bumagsak na sya sakin! Nakapatong ang ulo nya sa may kaliwang balikat ko at ramdam na ramdam ko ang paghahabol nya ng hininga.



Nakaramdam ako ng awa dahil sa sinapit nya.. Bugbog sarado, duguan at sugatan.



'Bakit kaya sya kinawawa ng mga tao'ng yun? Anong dahilan para gawin nila ito sa kanya?'




Bahagya ko sya'ng nilingon...



'Sino ka ba?'

------


Vote and Comment
Thank Youuu ❤

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now