"H-hoy" gising ko sa kanya. "P-Patay ka na ba?" tanong ko pero wala akong nakuhang tugon.
Myghad! Patay na nga yata!!
"Uy! Gising!" yugyog ko sa kanya. "Ano ba!? Magpagaan ka nga--ANG BIGAT MO!" reklamo ko habang sinusubukan syang itayo ng maayos.
"HANAPIN NYO BILIS!"
O_O
"Oh. My. God" bulong ko. Andyan na sila! Agad kong kinuha ang kamay nya at inakbay sakin. Dali dali akong pumunta sa may puno para magtago. Ini-upo ko sya doon at isinandal.
"Boss wala!"- lalaki 1
"Wala din dito"- lalaki 2
"Mukhang nakatakas na sya"- lalaki 3
Rinig kong sabi nila dun sa Boss.
"Sila.. Mukhang nakatakas na sila" pagtutukoy nya sa lalaking binugbog nila at saken.
"Sila Boss?"- lalaki 4.
"Oo, may nakakita satin... Babae" sabi nito habang palinga linga sa paligid. "Hahabulin ko sana pero lintik na Khalid! Sinaksak ko na't lahat nakatayo pa rin!" galit na sabi nung Boss habang nakahawak sa ulo. "Hayop na yun! Hinampas ako ng tubo!"
Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Kung ganon sya pala ang dahilan kung bakit hindi ako nahabol nung lalaking may malaking katawan.
"Paniguradong yung babae ang tumulong kay Khalid para makatakas"- lalaki 2.
Khalid? Ito bang lalaking kasama ko ang tinutukoy nila?
Tumingin ulit ako sa kanya.
'Kung ganon ikaw pala si Khalid'
"Hindi pa nakakalayo ang dalawang yun. Hanapin nyo lalong lalo na yung babae" utos nung boss.
O_O
"Anong gusto nyong gawin namin Boss dun sa dalawa pagnahanap namin?"- lalaki 1.
"Si Khalid dalhin nyo saken.. Ako ang papatay sa isang yun. Yung babae.." nakita kong may kinuha sya sa bandang likuran nya.
O_O
Baril!?
"Patayin nyo" sabay abot nung baril dun sa lalaki.
O___O
'Patayin nyo'
'Patayin nyo'
'Patayin nyo'
Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinabi nung Boss!
Waaaaaah!!!
Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko. Papatayin nila ako!
"Magsimula na kayong maghanap. Halughugin nyo lahat ng Ospital na pwede nilang puntahan.. Hindi na maganda ang lagay ng Khalid na yun, paniguradong doon lang sya dadalhin nung babaeng yun"- Boss.
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomanceI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.