Kabanata 4

3.9K 113 9
                                    

Isang linggo na din ang lumipas mula nung umalis si Khalid sa bahay ng walang paalam--OO WALANG PAALAM!

-__-

Talagang pinanindigan nya ang sinabi nyang 'Di ako marunong magpasalamat'.

Bwisit na yun! Ginagalit nya ang mga nervous system ko!

*BROOOOOOOOOOOOOM!*

O_O

Mahigpit akong napahawak sa straps ng bag ko.

Heto na naman ako.

Napatingin ako sa paparating na motor at 'WHOAH!' nakahinga ng maluwag ng lumagpas ito saken.

Hindi ko alam pero pagnakakarinig ako ng ugong ng motor o makakasalubong ng motor natatakot ako.

Natatakot ako na baka sila yung mga lalaking nakamotor na naghahanap at papatay saken.

Lumingon lingon ako sa paligid.

'Baka mamaya bigla na lang may bumaril sakin dito'.

"Boss!"

TUG-DUG! TUG-DUG!

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng 'Boss'

Agad akong napalingon sa kabilang gilid ng kalsada.

"Boss bili na kayo, limang piso lang ang isa!" sabi ng isang batang lalaki na nagtitinda ng sigarilyo sa mga dumadaang sasakyan.

'Shit! Ano ba Kreisha!? Kumalma ka nga!' sigaw ko sa isip ko.

"Walang mangyayaring masama... Isa lang itong normal na araw. Tama! Yun ang dapat kong isipin" pangungumbinsi ko pa saken.

Papasok na ko sa gate ng school ng bigla akong nakaramdam na parang may sumusunod saken.

O__O

Agad kong binilisan ang paglalakad ko.

Damn this feeling! Napaparanoid na ko.

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa--

O_O

Agad kong nilingon ang taong humablot saken sa braso.

"Kreisha"

Agad akong nanlumo ng makitang si Ace lang pala yun. Kaibigan ko.

'Akala ko si Khalid'

Kamusta na kaya ang isang yon?

"A-Ace"

Ngumiti sya. "Kanina pa kita tinatawag kaso di mo naman ako nililingon" sabi nya ng nakasimangot.

"Ganon ba? Sorry--"

"Okay lang" putol nya sa sinasabi ko at inakbayan ako. "Sabay tayong umuwi mamaya?" tanong nya.

Tumango ako. "Sige ba" sang-ayon ko.

Si Ace kaibigan ko na mula pa pagkabata. Boybestfriend ko kumbaga. Hindi ako manhid. Alam kong may nararamdaman sya para saken. Di ko lang alam kong torpe ba sya o ano pero ni minsan di sya nagconfess saken o nagtapat ng nararamdaman.

Di ko na rin hihilinging gawin nya yun dahil sa totoo lang hindi ko alam kong pano ko sya haharapin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya at di ko alam kung kaya ko bang tapatan ang nararamdaman nya.

Gwapo sya. Andami ngang nagkakagusto sa kanya. Andami nyang admirers at tagahanga kaya lang di ako tinatablan ng kagwapuhan nya.

'Sorry pero mataas ang standard ko pagdating sa lalaki'

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now